07. Saoirse

46 1 0
                                    

"Come on bestie! They know you're drunk."

Sabay na hinila ni Audrey pababa ang mga kamay ko na nakahawak sa kopya ng menu card na pinangtatakip ko sa mukha ko ngayon. Malapit lang ang restaurant na 'to sa building ng condo namin kaya malapit lang din 'to sa school nila Damian.

Ano bang malay ko at baka nagpunta si Damian sa school niya kahit naka-Undas break din sila.

"Yon na nga! Nakita nila 'kong lasing‚ wala na 'kong mukhang mahaharap lalo na kay Damian!" may pandidilat ko pang sagot saka iaangat na sana ulit ang hawak ko nang pigilan din naman agad ni Audrey.

"You're exaggerating things, drunk thoughts and actions are not to be taken seriously, okay? They probably know that, and they might think yeah, it was funny. But bestie that memory is fleeting it will be gone soon from their mind, they wouldn't care that much," pagkumbinsi pa rin sa'kin ni Audrey.

Napalabi na lang ako 'ron. Nakakahiya lang kasi, kilig na kilig ako sa kagwapuhan ng Damian na 'yon kagabi at hindi ko manlang naitago 'yon dahil sa pesteng alak.

"Maalala pa rin nila 'yon, lalo na si Damian," pagmamaktol ko pa kahit ibinaba ko na sa table ang menu card at nagsimula nang tumingin ng o-order-in ko.

"Yeah right, but he won't bother to remind you that," my best friend countered confidently it made me raise a brow at her. Kilalang-kilala si Damian? Close 'yan?

"Paano mo naman nasabi?" tanong ko.

"I don't know, I just don't think Damian is the type of guy who'll waste his time reminding someone about their embarrassing drunk moments, that would be Zico." Audrey even cringe at the mere mention of Zico's name kaya natawa 'ko.

Kung alam lang niya, pinapaalala nga ni Damian sa'kin yong mga pinagsasabi ko sa kaniya 'nong ibinalik ko ang payong niya. Gusto pa nga ata na i-share ko ang mabuting balita sa best friend ko para doble-doble na 'yong kahihiyan ko.

Walang Damian na lumitaw o kahit ang pinsan ko hanggang sa makabalik na kami ni Audrey sa condo, may aasikasuhin pa raw si Audrey about her ballet recital kaya hinayaan ko na lang siya at dumiretso na lang ako sa unit ko.

Medyo hilo pa rin ang pakiramdam ko pero mas maayos na kumpara kaninang umaga. Nag-reply lang din ako sa text ni Zico na nagtatanong kung kumain na kami ni Audrey at kumusta ang pakiramdam ko, kung gusto ko raw bang dalhan niya kami ng pagkain dahil malapit lang naman daw siya. Ayaw kong makita ang pinsan ko at baka asarin lang ako 'non pag nakitang okay na 'ko kaya naman mabilis ko siyang ni-reply-an ng okay na 'ko at kumain na kami ni Audrey ng brunch sa labas, nang mag-reply siya ng 'okay' ay mabilis din akong nakahinga ng maluwag.

Nanuod na lang ako ng Gilmore Girls sa Netflix at nakatulugan 'yon dahil na rin siguro sa hangover ko. Alas kwatro na nang magising ako at pakiramdam ko ay gusto ko ng mainit na kape. Nag-text ako kay Audrey kung nasa kabila lang siya at gusto niya ng kape, nang mag-reply siyang nasa labas siya at gabi pa uuwi ay nag-reply na lang din ako na mag ingat siya saka 'ko tumayo na at sandali pang inayos ang sarili ko bago lumabas.

Nag-hoody lang ako sa ibabaw ng suot kong dress dahil sleeveless 'yon at indoor ko lang talaga madalas na isinusuot. Inangat ko na lang din ng kaonti ang laylayan ng hoody ko para makita ang skirt part ng dress ko, baka kasi isipin pa ng mga tao sa labas lumabas akong naka-hoody lang at walang salawal.

Humihikab pa 'ko at ramdam ko pa rin ang antok nang makarating ako sa Sentro, ang aking go-to place tuwing bored na 'kong magkulong sa condo pero tinatamad naman akong gumala sa malayo.

Kaonti lang ang tao pero medyo maingay dahil may isang table sa 'di kalayuan na okupado ng isang grupo ng mga kabataan na tingin ko ay mga nasa high school pa lang. Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon at um-order na sa counter saka namili ng bakanteng table, inilapag ko sa table ang phone, wallet at keys ko saka iniyakap pa ang mga 'yon banda sa dibdib ko pagkatapos kong dumukdok sa table at pumikit.

Heart Tamer (That Girl #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon