06. Saoirse

60 1 0
                                    

Maaaga kaming nag-dinner ni Audrey saka naghanda na sa pag-aayos para sa pupuntahan naming Halloween party ngayong gabi. Mabuti na lang ay malapit naman na ang kulay ng buhok ko sa buhok ni Princess Bloom ng Winx Club kaya kailangan ko lang ay ayusin sa style ng buhok niya ang buhok ko at maglagay ng maliit na gold tiara‚ which is meron naman ako. Audrey doesn't have to make too much effort about her hair, kahit piliin nyang i-straight o curl ang hair niya, parehas naman silang blonde ni Barbie.

"Omg! You look so good bestie!" Audrey squealed happily as she helped me attached my mint green fairy wings. Nasa harap kami ng full length mirror sa condo ni Audrey at parehas nang halos tapos na sa pag-aayos.

Audrey is wearing a hot pink leather halter strap mini dress‚ a pair of hot pink platform heels and her long blonde hair is styled in big wavy curls. She's also wearing a pair of light blue contact lense and her make up is also attuned with Barbie style with her pink lipstick.

Mukha talagang Barbie si Audrey‚ litaw na litaw ang foreigner side niya sa ayos niya ngayong gabi.

"Are you working out ba?" tanong pa ni Audrey habang tinitignan pa rin namin ang itsura ko sa full length mirror.

I nodded my head. "Home workout lang."

"You're doing well then‚ you have a great figure." Napangiti ako sa sinabi niya‚ sandali ko pang tinignan ulit ang ayos ko sa harap ng salamin.

I just let my hair down and wear some extension to add some length to my mid length hair, the shining and fairy-like make up on my face is flawless. Bumaba ang tingin ko sa suot kong top‚ it's a light blue high neck cropped-top, paired with my mini skirt in light blue shade‚ and so is the platform boots that I'm wearing. May amber pendant necklace rin ako kagaya ng pendant na meron sa necklace ni Princess Bloom and of course a pair of fingerless mint blue gloves! I can tell that I almost copy the exact look of Princess Bloom and I'm so happy about it.

Narinig ko ang singhap ni Audrey nang makapasok na kami sa venue ng party at mabilis pa naming nakita si Zico kasama ang mga kaibigan niya‚ hindi ko napigilang matawa kahit pa alam kong pinagtitinginan pa kami ng ibang tao dahil kararating lang namin at perfect ang costume namin!

"What the hell?" hindi na napigilang sabihin ni Audrey saka mabilis na lumakad papunta sa pwesto nila Zico‚ nanlalaki ang mga mata kong mabilis ding napatakbo pasunod sa kaniya.

"Why are you Ken?!" dinuro pa ni Audrey si Zico na OA namang kumapit sa dibdib niya at mukhang gulat sa pagsulpot namin ni Audrey.

Natatawa 'ko sa itsura ni Zico. His Ken Carson costume is for summer! He's wearing a blue silk scarf‚ blue cheetah print shirt‚ khaki belt na may gold buckle‚ cali shorts and blue loafers. Naka-brown wig din siya! My God. Napakalakas talaga ng trip sa buhay ng pinsan kong 'to!

"Why are you Barbie?!" panggagaya ni Zico sa sinabi ni Audrey saka dinuro rin ang best friend ko. Tulad ng mga kasama ni Zico‚ maliban kay Damian. Natatawa na lang akong panuoring mabadtrip si Audrey sa pagkaka-matchy ng costume nila ng pinsan ko.

"I am not Barbie! I'm Elle Woods!" sa inis siguro ni Audrey ay biglang nagbago ang ginagaya niya kahit obvious namang si Barbie siya, although malapit 'yong Elle Woods.

"Hindi ka naman pala si Barbie ba't ka butthurt na ako si Ken?" natatawang tanong pa ni Zico.

Audrey crossed her arms over her chest and raised an eyebrow at Zico. "Because it's not bagay! You look nothing like Ken."

Hindi sumagot si Zico 'ron‚ sa halip ay nanahimik siya at naupo sa couch saka lumungkot bigla ang mukha niya. Mabilis ko namang naitakip sa tapat ng bibig ko ang kanang kamay ko nang bigla ay tinago niya ang mukha niya sa balikat ni Dane na agad pang hinagod ang likod niya na parang inaalo niya si Zico.

Heart Tamer (That Girl #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon