"Oh my gosh!" singhap ni Carla. Hindi ko alam para saan 'yon pero nakatingin pa rin sila sa direksyon ni Damian. "Tumitingin siya rito! Oh my gosh."
Napainom ako sa boteng hawak ko habang halos ilubog ko na ang sarili ko sa backrest ng couch na kinauupuan ko dahil sa diin ng pagsandal ko 'ron, hindi naman siguro niya 'ko nakita? O kung nakita niya man ako hindi naman siguro niya 'ko papansinin?
Isang buwan na rin kaming walang usap, kaya hindi naman niya siguro 'ko lalapitan? Why would he bother his self to approach and talk to me? Ngayon pa?
"Hala! Lalapit ba siya?!" si Britanny 'yon na katabi ko lang sa kaliwa at hindi ko alam na nakikinig din pala sa usapan namin at tinitignan din si Damian.
"You're here, I thought I was just seeing things." Oh, damn... bakit siya lumapit?
Natahimik ang table namin kasabay ng pagsasalita ng pamilyar at baritonong boses na nanggagaling sa kanang banda ko.
"H—hi!" hindi ko malamang reaksyon nang lumingon ako at nasa harap ko nga si Damian na nakatayo habang may hawak pang isang bote ng mule sa kanang kamay niya. Tinignan ko ang mga kaklase ko, pare-parehas silang tahimik na nakatanga lang sa'min ni Damian. "Yeah, I'm with my blockmates."
Sinulyapan ni Damian ang mga kasama ko at mabilis ko naman silang pinakilala isa-isa sa kaniya. Mabuti na lang at tatlo na lang silang nandito sa table kasama ko. "This is Damian, kaibigan ng pinsan ko," pagpapakilala ko naman sa kaniya sa mga kasama ko.
I don't want to say that he's my friend, he clearly is not. Mas safe talagang sabihin na kaibigan ng pinsan ko.
My blockmates greeted Damian with their hi, hellos and obvious shy waves of hands. Damian only nodded to them before occupying a space on the couch on my right side. Agad akong napaurong 'don para bigyan pa siya ng space at ganon din si Brittany sa kaliwa ko, they are all looking expectantly at Damian, and so am I!
"How did you get here? You can't drive, did you commute?" pagkausap pa sa'kin ni Damian. Walang pakialam na pinapanuod siya ngayon ng mga kasama ko.
I nodded. "Grab," sagot ko.
"And later too?" he asked again creasing his forehead, tumango-tango ako. He's very casual talking to me, paano 'yon?
"Hindi naman ako iinom ng marami, di ako malalasing," sabi ko pa at baka iniisip niya na madalas nga pala 'kong umuuwing lasing galing sa inuman. Nagdududa siguro sa kakayahan kong mag-commute nang nakainom.
"You can drink, I'll just drive you to your place," he said which made me blink looking at him. Ayan na naman siya!
"What? No," iling ko. "Sasabay ako sa isa sa mga blockmate ko."
Kita ko ang pagpasada ng tingin ni Damian sa mga kasama ko pagkatapos ng sinabi ko, parang nag-isip pa siya sandali bago ako muling tinignan.
"Sino sa kanila?" kunot noo pa niya.
Hinanap ng tingin ko si Miller na wala sa table namin sa mga oras na 'yon pero natanaw ko siya kanina kaya alam kong nasa malapit lang siya.
"Ayun!" turo ko pa sa direksyon ni Miller na busy-ng nakikipagkwentuhan sa kung sinong babae na kasama nila ni Tristan malapit sa ilang nagbi-billiards sa tabi. "Yong naka-black dotted polo."
Damian's forehead remained in knots as he look at Miller. Kita ko pa ang pagtaas ng isang kilay niya 'ron at pakiramdam ko ay hinuhusgahan na niya si Miller sa paraan ng pagtingin niya. Kunot noo ko siyang tinitignan 'don, kilala niya ba si Miller? May nagawa ba sa kaniya?
"Okay, but if he gets drunk you'll call me from our table so I could drive you home. Would that be fine?" marahan niyang tanong. Sa tono niya ay parang ako pa ang hinihingian niya ng pabor samantalang siya 'tong nagtatanong kung pwede akong ihatid.
BINABASA MO ANG
Heart Tamer (That Girl #1)
RomanceTG SERIES #1 Saoirse Roanne dela Rama has never been in a relationship despite her hopeless attempt to date in the past, every guy she encounter has a hopeless case of red flag on them and she's getting tired of it already...until the most serious a...