I picked an apricot color square-neckline with pleated waist long dress and paired it with a nude strapless sandals na may taas na 2 inches lang ang heels. Itinali ko rin sa mababang ponytail ang buhok ko dahilan para mas ma-highlight ang mga suot kong accessories, a pair of white pearl earrings and pearl pendant gold necklace.
Nag-spray pa 'ko ng pabango bago kunin ang itim na Chanel handbag ko at lumabas na ng kwarto. Audrey was quick to turn her gaze at me and gave me a satisfied smile. Nag-thumbs up pa siya, kaya natawa 'ko.
"Koby just sent me a message, he's already at the restaurant."
Tumayo na si Audrey mula sa couch ko, kumpara sa'kin ay mas simple lang ang ayos niya dahil pupunta lang naman siya sa studio to rehearse. Naka-pink sleeveless midriff shirt lang siya, maong jeans at heels.
"Ibigay mo na kasi sa'kin details niya! Nakakahiya naman, pinaghihintay natin siy—"
"Shut up, that's how it should. Okay? You get his number and socials later if you want, but until you guys don't know each other in person? No infos for both of you yet," Audrey said crossing her arms over her chest, showing how alpha of a female she is. "Let’s go! Your possible first boyfriend is waiting for us."
Bigla ay humagikhik pa siya saka nauna nang lumakad paalis. Sinundan ko pa sandali ng tingin si Audrey 'ron. Bilis magbago ng mood, paano namin nakakaya ni Gio 'yon?
"Koby?"
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko nang lapitan ko ang lalaki na 'tong sigurado akong si Koby based na rin sa description na ibinigay ni Audrey kanina bago niya 'ko iwan sa entrance ng restaurant na 'to at mag-drive paalis.
Mula sa pagtingin sa cellphone niya ay napaangat ang tingin ng lalaki sa'kin at huli ko kung paanong namilog ang mga labi niya at parang hindi pa alam ang sasabihin. Sumiklab pa ata lalo ang kaba ko dahil sa reaksyon niya, ang awkward niyang tignan. Feeling ko tuloy ay hindi niya nagugustuhan ang nakikita niya ngayon.
"Koby, you're Koby right?" alanganin ko pang tanong ulit saka pilit na ngumiti.
"O-oh, y-yeah! Yeah, sorry." Nagmamadali siyang tumayo habang nakatingin pa rin sa'kin at ako naman ay bahagyang nakatingala sa kaniya, ang tangkad niya. Ka-height siguro 'to ng pinsan ko o ng mga tropa niya.
"You're Saoirse, wow..."
Ngumiti ako habang tumatango-tango. Nakatitig lang siya sa'kin. "Audrey told me you're pretty, but I didn't expect that you would be that beautiful."
"Thank you, you don't look too bad yourself," tipid na ngiti ko.
Akala ko ay magtitigan pa kami 'ron habang nakatayo pero mabuti naman at naisipan niya na ring hilain ang upuan na para sa'kin. Nakangiti akong nagpasalamat nang makaupo na ako at agad naman siyang nagtawag ng waiter 'don habang maya't-maya pa ang sulyap sa'kin. Pinipili ko na lang ang ngumiti kahit medyo nakakailang ang reaksyon niya sa presensya ko.
"Yeah, that would be all..." nakangiti kong sabi sa waiter na kumuha ng order namin saka ko itinabi na ang menu card sa gilid.
"So, Universidad de Santo Jaime huh? What made you choose that school?" maya-maya pa ay pagbubukas pa ni Koby ng usapan nang umalis na ang waiter para ihanda ang order namin.
Agad ko siyang binalingan ng atensyon 'don.
"Doon din graduate ang parents ko, plus the whole university itself. It's big, it's spacious kahit maraming students and the professor are well versed—"
"And the tuition is cheap," he said cutting me off. "I mean, alam naman ata ng lahat that de Santo Jaime is the cheapest university in terms of tuition compared to other top universities here in the country."
BINABASA MO ANG
Heart Tamer (That Girl #1)
RomanceTG SERIES #1 Saoirse Roanne dela Rama has never been in a relationship despite her hopeless attempt to date in the past, every guy she encounter has a hopeless case of red flag on them and she's getting tired of it already...until the most serious a...