beginning

37 6 0
                                    

" Tanga, hindi ako sasama! " nagprotesta ako nang hilahin ako ni Cassy.  

" Napaka kj mo naman! Parang sa canteen lang naman tayo pupunta, " aniya. " Hindi ka naman din mamatay doon. " dagdag niya pa. 

Napairap ako. " Hindi ka rin naman bibili sa canteen. May gusto ka lang naman makita roon, 'di ba? " 

Totoo naman. Simula nung nakita namin last week 'yung lalaking nasa canteen, gusto niya na palagi pumunta roon. Talandi kasi 'tong babae na 'to, e! 

" Kingina ka! Bahala ka na nga riyan! " umirap siya bago tumalikod sa akin. Napatawa na lang ako dahil dinedeny niya pa sa akin na hindi niya raw 'yon gusto. 

Nang makaalis siya, lumabas na lang din ako sa room at tumambay. Maganda tumambay dito dahil napaka lakas ng hangin, hindi katulad sa loob ng room na sobrang init. Para akong nasa impyerno kapag nasa loob, e. 

" Missy, tapos ka na ba sa assignment sa science? " may kumalabit sa'kin.

Napatingin ako rito. " Ay, gagi? May assignment ba? " 

Wendy chuckled. " Gagsti, wala ka rin gawa? " tanong niya na ikinatango ko.

Napakamot siya sa ulo niya. " Sige, sa iba na lang ako magtanong. Thanks, Missy! "  

Pumasok ulit ako sa room at kinuha ang science notebook ko. Lumapit ako roon kay Gonzalez na naglalaro sa cellphone niya. 

" Kailangan mo, bitch? " sabi niya kaagad nang tumabi ako sa kanya. 

Ang sama talaga nito!

" Baka pwedeng ano, alam mo na... " pekeng ngumiti ako. Syempre! Kailangan natin maging mabait ngayon para may assignment. 

" Stupid, bitch. " sabi niya. Ayos lang 'yan, missy, kailangan mo ang tulong ni Augustine ngayon. 

Well, sanay na naman ako na ganito siya magsalita. Lait muna bago ka pakopyahin. Mabait naman siya kahit papaano pero mas lamang ang kademonyohan niya.

" Oh, ayan. " binigay niya ang notebook niya. " May bayad 'yan. " 

I raised my middle finger. " Inamo. "

Tumawa lang siya at nagpatuloy lang sa paglalaro. Sakto naman na pagtapos ko kopyahin 'yung assignment niya, dumating na ang teacher namin sa MAPEH. Sabay lang na pumasok si Ma'am Selib at ang mga kaibigan ko na sila Cassy. 

Buti na lang hindi ako sumama sa kanila. 

" O ano? Nakita mo na ba papi mo? " tanong ko kay Cassy nang tumabi siya sa akin. 

" Ulol! Anong papi ka riyan? Bumili lang talaga ako sa canteen. Issue ka. " umirap siya. 

Daming sinabi.

" Mema. " pang-asar ko.

" Tanginamo! Mas marunong ka pa sa nararamdaman ko! " medyo napalakas ang boses niya. Napatawa ako dahil inis na kaagad siya. Halata tuloy kaagad. 

" Tawa ka riyan? Kapag ikaw nagkaroon ng crush, tatawanan kita. " sabi niya. 

Napataas kilay ko. " Ako? " tinuro ko pa sarili ko. 

" Ay hindi, siguro siya. " sarkastiko niyang sagot. 

" Alam mo 'te na ayaw ko sa ganyan, kaya never ako magkakacrush. Ew. " sabi ko. 

" Sinasabi mo lang 'yan pero wala kang magagawa kapag mayroon ka na talaga nagustuhan. " she smirked. " Pusta ko buhay ko, mas baliw ka kaysa sa akin kapag nagkaroon ka crush. " 

Get You ( ONGOING )Where stories live. Discover now