GY : 06

36 4 0
                                    

“ Congratulations, Missy! ”

Dalawang buwan ang nakalipas — tapos na kami bilang grade eight. Masaya ako na natapos namin ang 4th quarter nang maayos. Kami nila Cassy, Javier, at August ay pasok sa may honors.

I'm so lucky to have them in my life. No'ng 4th quarter, nagtulungan talaga kami para makapasok kami sa may honors. Actually, si August simula first quarter ay kasama na. Tinulungan niya lang kami ngayon para lahat kami makapasok.

“ Naks, with honors! ” nakipag-apir sa amin si August.

Wala pa si Javier dahil kausap niya ang nanay niya. Kaming tatlo pa lang nila Cassy at August ang nandito sa may court.

“ Thank you, August! ” ani Cassy.

“ Welcome mga bobo, ” sagot ni August.

Siraulo talaga.

Nagpaalam muna ako sa kanila para puntahan sila Ethan. Nahanap ko naman kaagad si Ethan dahil ang tangkad niya, makikita mo agad siya.

Ethan is my first boy bestfriend. And I'm so lucky to have him— nandyan siya palagi kapag kailangan ko ng tulong. Also Rei, she's always there for me whenever I need someone to rely on.

“ Congrats, Ethan and Rei! ” puri ko sa kanila.

Niyakap nila ako kaya niyakap ko rin sila. Para kaming tanga, recognition pa lang naiiyak na kami. Paano pa kaya kapag graduation na, 'di ba?

“ So proud of you, Missy! ” Rei said.

I smiled. “ Proud din ako sa inyo! ”

“ Saan ka punta ngayon? ” Ethan asked.

“ Bahay lang. Pero baka next week, umalis kami nila Cassy. ” sagot ko. “ Kayo? Saan kayo punta? ”

Rei sighed. “ Sa bahay lang din naman ako. Hindi naman ako papayagan sa gala. ”

Strict parents nga naman.

“ Ano ba 'yan, lonely na naman ako, ” reklamo ni Ethan.

Napatawa na lang kami ni Rei. Si Ethan naman kasi palagi nagala sa amin, walang linggo ata na hindi siya nagala.

“ Ayos lang 'yan, ang mahalaga naka gala ka pa rin. ” I laughed.

Tumango-tango naman siya. Nag tagal pa ako sa kanila ni Rei dahil puro chikahan ang ginawa namin pero kalaunan, umalis din ako dahil tinawag ako nila Javier.

“ Oh, picture muna! One month ko kayo hindi makikita, e… ” sabi ni Javier.

“ Mabuti nga, e. Para hindi ka na namin makita, ” pang-aasar ni Cassy.

“ Okay lang, ganyan naman kayo palagi e… ” nag-drama kaagad si Javier.

Jusko po, baliw talaga 'tong lalaki na 'to.

“ Mukha kang gago, p're, ” natatawang sabi ni August.

Mas lalo naman nag-drama si Javier dahil sa sinabi ni Augustine. Napa-iling na lang ako dahil sa kagaguhan na ginagawa niya.

“ Missy, hindi kayo nag-uusap ni Casper? ” biglang tanong ni Cassy.

Natigilan naman ako.

“ Hindi, bakit? ” I asked. “ Wala naman kaming pag-uusapan, hindi rin kami ganoon ka-close. ”

She frowned. “ Mema. ”

Get You ( ONGOING )Where stories live. Discover now