Ilang linggo na ang nakalipas simula no'ng mag birthday si Ysobel. Masyado naging busy ang lahat dahil hell week na. Periodical na kasi namin ngayon kaya halos lahat kami ay busy. Tamad akong tao pero kapag ganitong usapan na, kailangan ng mag seryoso.
“ Missy, 'di ka bababa? ” Rian asked.
“ Hay nako, Rian! Hindi na 'yan bumababa ulit. May iniiwasan siguro. ” ani Cassy.
Umarko ang kilay ko. Wala naman akong iniiwasan, sadyang ayaw lang talaga bumaba. Ilang linggo na rin ako hindi bumababa dahil tinatamad ako. Hindi ko naman alam na big deal para sa kanila ang hindi ko pagbaba ulit.
“ Wala akong iniiwasan. ” sabi ko.
“ E, ba't ayaw mo bumaba? ” tinaasan niya ako kilay.
“ Kasi ayaw ko. ”
Pagtapos kong sabihin iyon, tumayo ako at iniwan sila roon. Akala kasi ni Cassy naiwas ako kay Casper, e hindi naman. Hindi rin naman kami masyadong close ni Casper para kausapin ko siya palagi.
Inamin ko na naman na crush ko siya. Hanggang crush lang naman talaga pero ayaw ko umabot sa punto na magpakabaliw ako sa kanya.
Kilala ko ang sarili ko, alam ko kung anong mangyayari kung palagi ko makakausap si Casper. Atsaka, hindi na naman siguro big deal kay Casper kung hindi ko siya kinakausap or what.
Busy ako, busy din siya kaya wala namang problema roon. Sa ilang linggo ko na hindi pagbaba, ilang linggo ko rin hindi nakikita si Casper.
“ Sabay tayo uwi mamaya? ” dumating si Kisses at umupo sa tabi ko.
Si Kisses ang kasabay ko umuwi ngayon dahil malapit lang naman siya sa amin. Hindi ko na nakakasabay si Cassy dahil palagi na s'yang naiiwan kapag uwian. Hindi ko na siya inaantay kasi maaga ako nauwi.
“ Oo. Daan tayo mamaya sa 7/11, bibili ako lasagna. ” sagot ko.
Maaga ang uwian namin ngayon dahil periodical nga. Medyo pagod din ang utak ko dahil ginawa kong busy ang sarili ko para hindi maisip kung ano man ang dapat maisip.
“ Oy, Missy! Wassup? Kumusta? Pahingi naman ako barya, pang-kain lang ng anak ko. ”
Napairap ako nang marinig ang boses ni Javier.
“ Wala akong pera, ” masungit na sabi ko.
Parang gago naman siya na ginaya ako. Natawa naman si August na katabi niya lang. Parehas silang gago, magkaibigan nga talaga.
“ Bakit ba ang taray mo na naman? Ganyan ba epekto kapag hindi nakikita si Casper? ” sabat ni August.
Letse talaga 'to.
“ Bwiset ka! Doon na nga kayo, ang eepal niyo e. ” irita na sabi ko.
Tumawa naman silang dalawa.
“ Paakyatin mo na kasi, p're… Para hindi na manang 'tong si Missy. ” sabi ni Javier.
“ Huwag! ” agad kong sabi.
“ Ay, iniiwasan? ” si Kisses.
Nakuwento ko rin si Casper kay Kisses kaya alam niya rin. Siguro nga rito sa classroom, kilala na si Casper dahil palagi akong inaasar nila Javier kay Casper.
“ Hindi. ” saad ko.
“ Oh, ayan pala si Casper, ” biglang sabi ni August.
Napatingin kaagad ako roon. Narinig ko pagtawa nila August dahil bigla akong napatingin sa bintana.
YOU ARE READING
Get You ( ONGOING )
RomanceMiscíal is known as the girl who doesn't believe in love. She's bitter and jaded. But when she met Casper, everything changed. Miscíal learns that sometimes, love comes when you least expect it. Love will get you no matter how hard you resist it.