Nanatili pa rin akong nakatayo sa harap ni Casper, walang anumang salita ang lumalabas sa bunganga ko. Gulat pa rin ako na nakita ko siya ulit dahil ang tagal na simulan nung nakita ko siya. Nothing has changed in him—still looks so fine.
Can't deny that he's still my crush.
“ S-sorry... ” finally, may nasabi na ako.
Pinasadahan niya ang kanyang buhok gamit ang kamay niya. Para naman akong tanga na napatulala dahil sa ginawa niya.
“ Ayos lang, ” he said. “ Ikaw lang ba mag-isa rito? ”
I shook my head. “ I'm with my friends. ”
“ August? ”
“ Yes. ”
He just nodded. Napatingin ulit ako sa damit ko dahil natapunan iyon. Onti lang naman ang natapon sa damit ko pero halatang-halata 'yon. Wala pa naman ako pamalit!
“ Cas! ”
Sabay kaming napatingin ni Casper sa tumawag sa kanya. Nanlaki ang mata ni Ysobel nang makita niya ako, tumakbo rin kaagad siya sa gawi namin.
Ang ganda pa rin ni Yso.
“ Missy, oh my gosh! You're so gorg! Miss kita!” sunod-sunod ang sabi niya.
Yayakapin niya sana ako nang bigla ko s'yang pigilan. Nagulat pa nga siya pero tinuro ko ang damit ko na natapunan ng sauce.
“ Tagal mo naman, Mi— Putcha, ” dumating sila August. “ Long time no see, shota ko. ”
Nag fist bump sila Casper at August. Tumingin naman ako ngayon kay Cassy na nakanganga, parang gulat na nakita na kasama ko si Casper.
Hindi ko naman alam na magkikita kami.
“ Tara, sama kayo sa amin, ” pagyaya ni Ysobel.
Tumingin sa akin sila Cassy kaya naman tumango ako. Wala namang problema kung nandoon si Casper. Baka kasi iyon ang isipin nila.
Pumunta kami sa pwesto nila Ysobel— Nandoon din ang ibang kaibigan nila. Pero nagulat lang ako dahil nandoon si Fiyah. Si Fiyah at Ysobel lang ang babae na kasama nila Casper. May tatlo silang kasama na lalaki pero hindi ko kilala.
Umupo ako sa pagitan ni Ysobel at Cassy. Katabi naman ni Casper sila Javier, mukhang kaibigan din ni August ang mga kasama nila kasi close na close sila. Si Javier naman ay naging close kaagad ang kasama nila Casper— magka vibes kasi sila nung mga tropa.
Si Cassy at Ysobel naman ay nag-uusap, kasama rin si Fiyah doon. Tahimik lang ako kasi hindi ko alam kung ano sasabihin ko.
Ang awkward.
“ Love, ” biglang sabi ni Fiyah.
“ Yes, love? ”
My eyes widened. Hindi si Casper ang sumagot kaya nagulat ako. 'Di ba ka-something ni Casper 'to si Fiyah? Nakita ko rin ang paglaki ng mata ni August dahil 'yung isang lalaki na kasama nila ang sumagot.
Gagi?
“ Fake news si August, ” bulong ni Cassy sa akin.
All this time, ang akala ko ay may girlfriend si Casper. Wala naman pala. Napaka fake news talaga ni August! Tumingin ako kay August at inirapan siya.
“ Missy, here. ” biglang may nilahad na damit sa akin si Fiyah.
Tinanggap ko naman iyon.
YOU ARE READING
Get You ( ONGOING )
RomanceMiscíal is known as the girl who doesn't believe in love. She's bitter and jaded. But when she met Casper, everything changed. Miscíal learns that sometimes, love comes when you least expect it. Love will get you no matter how hard you resist it.