GY : 02

31 4 5
                                    

Nandito ako ngayon sa court kung saan nakatambay lang ako habang nanonood ng basketball. Wala pa naman kaming teacher kaya pwede pa ako manood. Wala rin naman masyadong gagawin. 

" Hi, Missy! " 

Napalingon ako sa babaeng kumalabit sa akin. Agad naman akong napangiti dahil si Ysobel pala iyon. Umusog ako para makaupo siya dahil mukhang manonood din naman siya. 

" Ano ginagawa mo rito? " tanong ko. 

" May laro sila Casper. Pinababa kami ng teacher namin para manood sa kanila. " sagot niya. 

Natigilan ako dahil sa kanyang sinabi. 

" Oh, ayan na pala sila. " 

Napatingin ako sa tinitignan niya at nakita kong sila Casper iyon. Naka black jersey siya at may suot din s'yang headband. 

" Pogi? " siniko ako ni Ysobel. 

" H-huh? Oo... " 

Impit na napatili si Ysobel kaya nagsisi kaagad ako sa sagot ko. Aasarin na naman kasi nila ako! 

" Matalino ba? " tanong ko kay Ysobel habang nakatingin kay Casper. 

Gulat na napalingon sa akin si Ysobel. " Curious ka sa kanya? " 

Curious ba ako sa kanya? 

I slowly nodded. " Yes. " 

Umiling-iling ang kanyang ulo, dahilan para magtaka ako. May masaba ba kung curious ako sa kanya? 

" Delicates ka na, " natatawang sabi niya. " Pero oo, matalino si Casper. Mabait din. " 

Halata naman na mabait si Casper dahil sa maamo n'yang mukha. Tumingin ulit ako sa lalaki na nakikipagtawanan sa mga tropa niya. 

He's really attractive, huh. 

Nanlaki ang mata ko nang mapatingin si Casper sa gawi namin, still wearing his genuine smile.

" Oh my gosh, Missy! You're blushing! " natatawa si Ysobel. 

" Uy, hindi! " tanggi ko agad. " Ganyan lang talaga ako. " 

" Sige, sabi mo e... " 

Hindi ko pinansin si Ysobel at nag-intay na lang mag-start ang game. Wala pang ilang minuto, nagsimula na nga ang game. Sa tuwing nakaka-shoot si Casper, maraming mga babaeng nasigaw. Well, ang galing naman kasi maglaro. Panay ba naman three points. 

" Galing talaga n'yan. " sabi ni Yso. " Alam mo, bagay kamo kayo. Ang cute niyo tignan. " 

Napataas kilay ko. " Parang 'di naman..." 

" Bagay kaya! Kasi ikaw, maganda ka tapos mabait ka pa. Mukha kang mataray pero mabait ka naman. Si Casper naman, mabait din naman kahit minsan gago. " 

Bahagya akong napatawa sa kanyang sinabi.

" Mabait talaga 'yan si Casper. Simula bata kami, mabait na 'yan. Buraot nga lang. " tumawa si Yso. " Classmate mo si August, right? "

Tumango ako. 

" Kaibigan niya rin 'yan si Casper kaya sabihin mo lang sa amin kung crush mo 'yan dahil he-help ka namin. " she smiled. 

" Hindi. " 

" Hindi mo sure. " muli s'yang tumawa. 

Kulit naman. 

" Ang galing mo talaga, Andrade! I love you so much! " sigaw ng babae na nanonood. 

Napairap si Ysobel. " Wala silang pag-asa riyan kay Casper. " 

Get You ( ONGOING )Where stories live. Discover now