" Ikaw, Miscíal? How's your studies? "
Mariin akong napapikit dahil alam ko na kung saan patungo ang usapan na ito. Nandito ako ngayon sa bahay ng tita ko dahil birthday ng pinsan ko. Ayaw ko man pumunta pero no choice ako dahil kasama ko si lola.
" Okay naman po, Tita Daisy. " sagot ko.
Bahagya s'yang napatawa. " Ayan lagi ang naririnig namin sa iyo, hija... Pero hanggang ngayon, hindi mo pa rin mapakita sa amin ang grades mo. "
Napatigil ako sa pagkain dahil sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung nais niya ba talaga 'yon sabihin dahil may mga tao rito na hindi ko naman kilala. Gusto ko maging magalang pero minsan kasi nakakabastos na ang ginagawa niya.
Tuwing may ganito, ako lagi ang puntirya niya. Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko sa kanyang masama kung bakit siya ganito.
" 'Yong pinsan mo na si Ria, lagi mataas ang grades non. Palagi ring kasama sa honors. " sabi niya pa. " E ikaw? Kailan kaya? "
Paki ko ba?
" Ano po ba gusto niyo palabasin? " peke akong ngumiti. " Na bobo ako? Wala naman akong paki kung mas mataas sa akin ang anak mo dahil hindi naman ako nakikipag-kumpitisya. "
Nawala ang ngiti niya sa labi nang sagutin ko siya ng ganoon.
" Bastos ka talaga! Kaya ka siguro iniwan ng nanay mo dahil ganyan ka! Pati ang papa mo, hindi ka kinakamusta dahil ganyan ang ugali mo! Manang-mana ka sa mga ate mo! " sigaw niya.
Napatingin lahat sa amin ang mga tao dahil sa sigaw niya. Kaagad nag-init ang dugo ko dahil sa kanyang pinagsasabi kaya napatayo ako.
" Ang lakas mo naman pong magsabi ng ganiyan e wala ka namang alam! " sigaw ko rin.
" Miscíal! Ang bunganga mo! " dumating si Tito Roi. " Ikaw naman Daisy, tumigil ka! Pinapahiya mo ang bata, e! "
Sarkastikong tumawa si Tita Daisy. " Kaya nagiging ganyan ang ugali n'yan dahil kinukunsinti ninyo! Walang respeto 'yang bata na 'yan! "
Bahagya akong napatawa sa kanyang sinabi.
" Respeto? Ikaw re-respetuhin ko? E ikaw nga mismo hindi ako kayang respetuhin! Ang kapal mo pong sabihin 'yan e hindi mo nga rin 'yan magawa! " galit na sabi ko.
Ramdam ko ang galit sa aking katawan dahil doon. Sa sobrang galit ko, hindi ko alam na umiiyak na pala ako.
Wala naman s'yang alam sa nangyari sa buhay ko! At lalong-lalo na sa buhay namin ng mga ate ko. Ilang beses ko na siya pinagbigyan na pahiyain ako sa mga ganyan dahil nirerespeto ko pa rin siya bilang tita ko.
Lumapit siya sa akin at sinampal ako.
Tangina.
" Daisy, tama na! Wala kang alam sa nangyari sa buhay ng bata! " galit na sigaw ni Tito Roi.
Hindi ko inalintana iyon. Lumabas ako ng bahay habang ang luha ko ayaw patuloy pa rin sa pag-agos. Hindi ko alam kung saan ako papunta pero gusto ko lang makalayo sa bahay na 'yon.
Simula bata ako, wala na akong ibang kakampi kundi ang lola at si tito Roi lang. Kahit na wala akong magulang, nariyan naman ang lola at tito Roi ko para sa akin.
Huminto ako sa paglalakad nang may makitang playground doon. Pumunta ako roon at umupo sa may swing. Gabi na kaya walang tao sa playground kundi ako lang. Pinunasan ko ang luha ko at tumin na lang sa mga bituin.
YOU ARE READING
Get You ( ONGOING )
RomanceMiscíal is known as the girl who doesn't believe in love. She's bitter and jaded. But when she met Casper, everything changed. Miscíal learns that sometimes, love comes when you least expect it. Love will get you no matter how hard you resist it.