GY : 08

20 1 0
                                    

“ Kayo siguro talaga para sa isa't isa! ”

Napayuko ako sa hiya dahil sa sobrang lakas ng boses ni Cassy. Kasama ko silang dalawa ni Ysobel papunta sa canteen dahil may bibilhin daw sila.

“ Agree! Tignan mo, magkaklase na kayo tapos kayo pa partner! ” si Ysobel.

Well, kahit ako rin naman nagulat. Akala ko kasi 'yung babaeng tinignan ni Ma'am ang partner ni Casper. Nagulat lang ako nung ako 'yung tinawag niya.

Siguro nga. Emz.

Inantay ko lang sa labas sila Ysobel dahil sobrang daming tao sa loob. Ayaw ko naman pumasok dahil alam kong mahihirapan lang ako huminga kapag pumasok pa ako. Ano ba'ng inaasahan ko? E, public 'to.

Habang naghihintay ako sa labas, nagmamasid lang ako sa mga tao. May mga nakita akong kaklase ko dati kaya naman binati ko sila.

“ Ayaw mo pumasok? ”

Muntikan na ako mapatalon sa gulat nang biglang may magsalita. Tumingin ako roon at nakita kong si Casper 'yon. Kasama niya sila Javier kaya kitang-kita ko kung paano ako asarin ng mga mata nila.

Issue.

“ Arte pa rin hanggang ngayon, Medina, ” ani Javier.

Pasimple ko s'yang inirapan dahil ayaw ko naman makita ni Casper na umiirap-irap ako. Binaling ko ulit ang tingin ko kay Casper na nakatingin sa akin.

“ Inaatay ko lang sila Cassy. Masyado kasing maraming tao kaya ayaw ko pumasok. ” sagot ko.

“ May gusto ka? ”

Ehe. Ikaw. Chz!

I shook my head. “ Ayan na pala sila Cassy. ”

Lumabas si Cassy at Ysobel kaya naman agad nila kaming nakita. Nang makalapit sila sa amin, pasimple akong kinurot ni Cassy sa tagiliran kaya sinaaman ko siya ng tingin.

Paalis na sana kami nila Yso at Cassy nang biglang magsalita si Augustine.

Epal.

“ Tara, roon tayo sa may kubo, ” pagyaya niya.

Tumingin sa akin ang dalawang babae kaya wala akong nagawa. May kubo kasi rito sa school kung saan pwede kang tumambay kapag breaktime. Nang makarating kami sa may kubo, tumabi kaagad ako sa dalawang babae.

Maraming binili si Cassy na pagkain kaya naman panay ang buraot sa kanya ni August at Javier. Si Casper naman, natatawa lang sa pang-iinis nila August kay Cassy.

“ Baka matunaw 'yan, ” Ysobel elbowed me. “ Lapitan mo kaya? ”

I immediately shook my head. “ Ayoko nga, nakakahiya. ”

“ Casper, palit tayo! Ang init dito. ” biglang sabi ni Ysobel.

Nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa niya. Shuta talaga! Tumango naman si Casper at nakipagpalit sa kanya.

Kinakabahan ako!

“ Ehem, ” nagkunwari si August na naubo.

Mapang-asar naman na tumingin si Cassy habang si Ysobel ay tuwang-tuwa sa ginawa niya. Parang wala namang alam si Casper sa nangyayari dahil ang kilay niya naka kunot lamang.

Thank god.

“ Gagi, may pupuntahan pala ako. Mauna na muna ako, ” paalam ni Cassy.

Hindi ko na siya napigilan dahil bigla na s'yang lumabas. Pagkatingin ko naman sa tatlo, paalis na rin sila kaya agad nagsalubong ang dalawa kong kilay.

Get You ( ONGOING )Where stories live. Discover now