" Hoy, para kang tanga! Irap ka nang irap d'yan, wala naman akong ginagawa sa'yo. " bulyaw sa akin ni Cassy.
Kanina pa ako badtrip, simula nung pumasok ako wala na ako sa mood. Hindi ko naman alam kung ano dahilan. Actually, nung nakaraan pa talaga ako badtrip. Siguro magkakaroon lang ako ngayon kaya ganito.
" Tinatanong kita kung bakit ka badtrip, ayaw mo naman sagutin. Bobo ka, sis? " umirap siya.
" E, hindi ko nga kasi alam kung bakit! "
" Buang ka na. "
Siguro nga buang na talaga ako. Dahil sa ganito ko rin na ugali kaya ako nasasabihan ng baliw. Hindi ko naman kasi talaga alam kung bakit badtrip ako, basta ang alam ko lang ay wala ako sa mood makipag-usap.
" Gutom lang 'yan, sis. Kain na lang tayo mamaya. " aniya.
Tumango lang ako sa kanya. AP time kasi namin ngayon, may pinapagawa lang naman na activity kaya 'di ako gano'n masyado inantok. Kapag discussion kasi sa AP, inaantok ako.
Umalis na si Ma'am kaya nagsimula ulit mag-ingay ang mga kaklase ko. Unang-una na roon sila Augustine at Javier. Kapag magkakasama sila, para kaming nasa palengke.
" Sungit ni Missy, 'no? Ano kaya nyare riyan? " ani Javier.
" Hindi pa siguro nakikita si Casper kaya ganyan. " tumawa si August.
Ampotchi.
" Ulol ka, August! Doon ka sa ex mong chararat! " sigaw ko sa kanya.
Tawang-tawa naman si Cassy sa sinabi ko kaya napatawa rin ako. Wala kasing nasasabi si August kapag ex niya na ang usapan. Bobo kasi e, balik nang balik e ginagago na nga siya.
" Kita niyo ba 'yon? Nakita ko si August kanina kasama si ano e... " pang-aasar ni Javier kay August.
August raised his middle finger. " Tangina kayo! Pinagtulungan niyo naman ako. "
Tama lang 'yan.
Umalis si August kaya naman napatawa kami. Ang hilig niya mang-asar pero siya rin naman pikon.
" Hindi ba papasok si sir? " tanong ko kay Cassy.
" Nagchat si sir na late lang siya pero papasok pa rin. Mag handa nga raw ng coloring materials, e. Hindi ko alam kung para saan. " sagot niya.
Hala, wala akong dalang coloring materials! Hindi kasi ako nag-aaral e. Charot!
" Gagi, wala akong dala, " tumawa ako. " Punta lang ako kay Rei, hiram lang me. "
Tumango lang si Cassy. Lumabas ako ng room para pumunta kay Rei dahil katabi lang namin room nila. Nakita kong may teacher na sila pero nag excuse pa rin ako.
" Ay gagi, wala rin akong dala. Naiwan ko sa bahay, e... " sabi ni Rei nang i-excuse ko siya. " Si Ethan, mayroon 'yon for sure. "
" Sige, thank you! " sabi ko na lang at umalis na.
Sa kaliwang hagdan ako dumaan imbis na sa kanan para hindi madaan ang room ng 304. Kung sa kanan kasi ako bababa, 304 na kaagad 'yon. Pero kung sa kaliwa naman, hindi ko madadaanan.
Wala naman akong iniiwasan. Ayaw ko lang dumaan.
Nang nasa tapat na ako ng room nila Ethan, laking tuwa ko naman dahil wala pa silang teacher. Hindi ko na kailangan mahiya para mag-excuse.
" Ay wow, bakit ka dyaan dumaan? Napalayo ka lang. " bungad niya dahil nakita niya akong sa kaliwang hagdan dumaan.
" Gusto ko lang. " sabi ko.
YOU ARE READING
Get You ( ONGOING )
Storie d'amoreMiscíal is known as the girl who doesn't believe in love. She's bitter and jaded. But when she met Casper, everything changed. Miscíal learns that sometimes, love comes when you least expect it. Love will get you no matter how hard you resist it.