GY : 01

27 5 0
                                    

" Cas, may ballpen ka pa? "

" Cas, " ngumisi siya. " Casper. "

Binato ko siya ng notebook dahil simula nung sinabi ko 'yon, panay na ang pang-asar niya sa akin.

" Tumigil ka nga! " anas ko.

" Sige po, Ate Aerin. "

Tumayo ako at lumabas ng classroom dahil nakakarindi si Cassy.

" Missy! "

Napatakbo ako kay Rei nang makita ko siya. Hindi kasi siya pumasok kahapon kaya si Cassy lang ang kasama ko.

" Miss mo agad ako, sis? "

I nodded. " Yes, my sissy! "

" Wait, lapag ko lang gamit ko sa room. Wait mo ako riyan. " she said.

Magkatabi lang naman kami ng classroom kaya walang problema. Kaya nga lagi kaming may chismis sa isa't isa dahil magkapit classroom lang naman kami.

" Puntahan ba natin si Ethan? "

Umiling ako. " Tinatamad ako bumaba. Hayaan mong siya ang umakyat dito. "

Kaibigan kasi namin 'yon si Ethan. Matagal ko ng kaibigan si Rei at Ethan, simula grade seven kami hanggang ngayon na grade eight na kami. Actually, may circle of friends kami  pero hindi na masyadong ganoon nag-uusap dahil busy.


Ngayon kasi, ang magkakalapit lang ay ako atsaka si Ethan. 'Yung iba naming kaibigan, pang-umaga at 'yung isa naman ay busy masyado.

" Hi, Rei! " napapikit ako nang marinig ang boses ni Cassy. " May chika ako sa'yo. " tumingin sa akin si Cassy, halatang nang-aasar.

" Spill! "

Tumabi sa akin si Cassy. " Ito kasing kaibigan mo, may pogi na sa paningin niya. " hinampas niya ako.

" Aray naman! " hinampas ko rin siya.

" Oh my gosh?! May crush ka na?! " gulat na tanong ni Rei.

" Crush agad? Hindi ba pwedeng napopogian lang ako? "

Hinampas ako ni Rei. " Tanga! Gano'n na rin 'yon! "

" Hindi! " sabi ko. " Hindi ko 'yon crush. Napopogian lang talaga ako. "

" Asus! " sabay nilang sabi.

Amputcha.

" E 'di wag kayong maniwala! "

" Talaga! " nag-apir silang dalawa.

" Bahala na nga kayo riyan! " tinalikuran ko sila.

Pumasok ulit ako sa classroom at iniwan sila roon sa labas. Tanaw ko pa rin naman sila, kitang-kita ko pa rin ang mukha ni Cassy na nang-aasar. Kagigil talaga 'tong babae na 'to!

Kinuha ko ang earbuds ko dahil masyadong maingay sa classroom. Wala pa kasing teacher kaya ayon, para silang nakawala sa kulungan.

" Yes! Hindi papasok si Ma'am! " rinig kong sigaw ng mga adik kong kaibigan na sila Javier.

" Missy, may ten ka? " lumapit si Javier.

" Doon ka. Huwag mo ako guluhin. " saad ko.

Nag make face siya. " Taray mo, gago. "

Hindi ko siya pinansin at nilabas na lang ang cellphone para mag scroll-scroll sa Facebook. Habang nag sscroll ako, biglang nag notif ang pangalan ng bestfriend ko.

Get You ( ONGOING )Where stories live. Discover now