KOSC - Aminan // Friends?

174 6 0
                                    

DJ's POV

Nakarating na kami sa set pero itong prinsesa ko, tulog na tulog parin.

Kuya Vin: Sir Daniel! Hindi pa kayo bababa? Baka malate kayo ah?

Daniel: Mamaya po siguro maaga pa eh. Tsaka tulog pa po si Kath. Para makabawi rin siya ng tulog kahit konti lang.

Nakaakbay ako sa kanya habang naka-lean yung ulo niya sakin para maging comfortable yung tulog niya. Binigyan ko pa siya ng mga 30 minutes tapos tsaka ko siya ginising.

Daniel: Baby. Gising na po. Dito na tayo sa set. *sweet voice*

Kath: ...

Daniel: Babyyyyy! Wake up na po.

Kath: *poke* Hmm....

Daniel: Sige na, baby. Malalate tayo niyan sige.

Kath: Ayoko pa, mamaya na lang. Inaantok pa ako eh.

Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap ng patagilid. Pinatong ko na lang rin yung ulo ko sa ulo niya. Chance ko na ito. Nagselfie na ako para mamaya maipopost ko ito.

Daniel: Babyyyy! Halika na, daliii! Tawag na tayo ni Direk.

Kath: *mulat ng right eye* *mulat ng left eye* Na-nasaan ta-tayo?

Daniel: Nasa set na tayo baby. Kanina pa kita ginigising kaso ayaw mo pa eh. Inaantok ka pa. Nagulat nga rin ako ng bigla mo pa akong niyakap. Ang sweet mo pala sakin. *giggle*

Kath: HUY! WAG KANG FEELING!

Daniel: Sige sabi mo eh. Hindi pala feeling ah. Tingnan mo yung position mo ngayon at tingnan mo itong pic na ito.

Pinakita ko sa kanya yung picture. Gulat na gulat rin siya sa pwesto niya ngayon. Napa-upo siya at inayos ang kanyang sarili.

Daniel: Ayus lang naman yung ginawa mo. Kinilig ako dun, ang galing mo ah? *giggle*

Kath: *fold arms* *layo kay Daniel* *ayos ng gamit* *kunwari walang naririnig*

Daniel: Tara na kasi baby. Mapapagalitan na tayo ni Direk. *hila sa kamay ni Kath*

Kath: Bago mo pa ako kulitin ulit, susunod na ako sayo, boss! Alam ko namang aasarin mo ako ng paulit-ulit mamaya.

Nakababa na kami ng van at pagkadating namin doon, as usual nakangiti silang lahat dahil magkasama kaming dumating ni Kath sa set.

Direk: Good morning mga anak! *beso sa dalawa* Kamusta naman kayo?

Kath: Mabuting mabuti direk. *smile*

Daniel: Ayos na ayos at buhay na buhay parin po. *giggle*

Staff 1: Asuuuus! Wala parin namang pinagbago eh? Kayo parin naman ang para sa isa't isa. *giggle*

Staff 2: Tinatago niyo lang feelings niyo. Uso din namang umamin eh, para clear na ang lahat.

Kath: Hay nako, heto na naman tayo. Kayo talaga! Kami na naman ang pinagdiskitahan niyo. Sabi ko naman sa inyo na walang mararating yang pagpipilit niyo samin ni DJ. Okay na kami sa pagiging friends or BEST FRIENDS. Diba Deej?

Friends? Best Friends? Hindi ko kaya, Kath. May nararamdaman ako para sayo. Di ko kayang itago ito. Makikisakay na lang siguro ako? Aiisshh.

Daniel: Ahm.. O-oo naman. *grin*

Ang sakit man nung sinabi niya, kailangang tanggapin. Kung hanggang kaibigan lang talaga, wala na ako magagawa. Haaaays. Bakit ba kapag nagmamahal kailangan ay laging nasasaktan? Hindi ba pwedeng maging masaya na lang? Nakakainis lang isipin na yung babaeng gusto mo, ay hindi pwedeng maging sayo habangbuhay. Susuko na kaya ako?

KathNiel One Shots CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon