KOSC - On and Off Cam

470 9 0
                                    

Title: On and Off Cam
_______________________________

Ano nga ba ang KathNiel kapag on cam?

Ano nga ba ang KathNiel kapag off cam?

Third Person's POV

Kakatapos lang ng shooting nila para sa first episode ng Got To Believe. Maraming fans ang pumunta agad sa kanila upang magpaautograph or magpapicture.

"Hi po Ate Kath! Hi po Kuya DJ! Pwede po bang magpapicture?" Sabi nung batang babae na certified fan ng KathNiel.

"Sure sure. Nasan yung cellphone mo? At ako na ang maghahawak." Sabi ni Daniel at naggroufie na silang tatlo.

"Thank you thank you po talaga! Natupad na po wish ko na makita at makapagpapicture sa inyo." At hinug nung bata ang dalawang teen stars.

"Sa uulitin. What's your name baby girl?" Tanong ni Kath.

"Ako po si Monique." sabi nung bata.

"Ganda pala ng pangalan mo eh." Sabi ni Daniel.

"Sige po ate at kuya, una na po ako ah. Thank you po for making my wish come true. Ingat po kayo always! Love you both!" Sabi ni Monique.

"Bye rin Monique. We love you!" sabay na sabi ng dalawa. At umalis na si Monique. Sumakay na ang dalawa sa van nila papunta sa favorite restaurant nilang dalawa.

"Hello, Ate Nikki? Paprivate naman po ng restaurant. Thank you po! See you later! Mwah!" Kath.

Iyan ang buhay ng KathNiel. Kapag may gusto silang puntahan, kailangan muna nilang ipaprivate yun kasi as much as they want to entertain their fans, they both wanted to have more quality time due to their busy and hectic schedules.

"Bal, kailangan ba talaga nating itago yung relatioship natin sa tao?" Tanong ni Daniel habang si Kath ay sinasandal ang ulo niya sa balikat ni Daniel.

"Kailangan Bal eh, kasi baka kasi mas lalo nilang gawing big issue yan." sabi ni Kath.

"Pero kailan natin sasabihin? Bal, ang hirap ng magpigil. Mahirap maglambing sayo kapag alam kong maraming nakabantay. Mahirap sabihing i love you dahil hindi naman nila alam na tayo na. Pero sige kung iyon ang makakabuti satin, kakayanin ko muna hanggang sa dumating ang oras na pwede na." Sabi ni Daniel. Makikita sa mukha niya na nalulungkot siya dahil gusto niyang gawin ang lahat para maipakita kay Kathryn ang pagmamahal niya sa kanya.

Kathryn's POV

Ang hirap ng situation ni Daniel. Gusto ko man, pero malaking issue na naman yan. Nalulungkot ako kasi nahihirapan siya. Akala ko nung simula magiging maganda itong pagtatago namin ng relationship pero parang hindi narin.

"Sorry Daniel sa pagpapahirap na dala ko sa buhay mo. I thought na magwowork-out itong pagtatago natin ng relaionship natin. Sana pala simula palang inamin na natin para hindi ka na nahihirapan---"He cut me off.

"Never in my whole life na naging pabigat ka sa buhay ko. Okay lang sakin kung itatago natin yun kasi hindi naman importante na magkalabel tayo basta ang importante nagmamahalan tayo. Wag mo nang masyadong isipin yun ah. Alam kong pagod ka dahil kakatapos lang ng shooting natin. Sandal mo na lang muna ulo mo sa balikat ko tapos matulog ka muna. Gisingin na lang kita kapag nakarating na tayo dun." He guided my head to his shoulder. Sinunod ko na lang siya and didn't say a thing. I don't want to encounter any fights this time.

KathNiel One Shots CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon