KOSC - Answered Questions

283 7 2
                                    

Title: Answered Questions

—————————————————-

Kathryn's POV

Paano kung mahal na mahal mo na yung tao pinapangarap mo?

Tapos may biglang nagtapat sayo ang isang tao ikaw namang ang pinapangarap?

At dahil dun, ito ang naging rason ng hindi niyo pag-uusap at pagkikita ng maayos. Nagbago ang lahat ng dahil sa taong pinapangarap kang maging kanya.

Kahit na hindi pa kayo nung taong mahal mo, maraming nagbago sa inyo. Nasa MU at ligawan stage na kayo pero nung dumating yung taong nagmamahal sayo, biglang nawala lahat ng pagiging sweet niyo sa isa't isa.

Hindi narin nawala na unti-unti ka nang nahuhulog sa taong nagmamahal sayo. Pero mas mahal mo parin yung taong minamahal mo.

**Bzzzt** - 1 message received from Baby Deej

- Magkita tayo mamaya sa may park. Gusto na kitang makita at makausap. Ako naman pagbigyan mo ngayon, please. -

**Sent Message**

- Sige sige. See you there. -

Bakit feeling ko ang awkward na kapag may sinabi pa akong iba? Dati kasi may 'I love you' and 'Ingat ka' pa kaming sinasabi sa isa't-isa, na ngayon parang bigla na lang naglaho.

**Bzzzt** - 1 message received from Sam

- Kathy! May lakad ka ba ngayon? Baka pwede tayong magmeet sa park? I barely wanted to see you. Please. -

**Sent Message**

- Sorry, Sam pero hindi ako pwede lumabas ng bahay ngayon eh. Darating kasi yung family ng cousin ko. Kailangan ko muna silang asikasuhin. Sorry ah? -

Sorry Sam. Pero mas pipiliin ko ngayon si DJ. Sana maintindihan mo.

(FASTFORWARD) - PARK

Naglalakad na ako papunta sa park. Kinakabahan parin talaga ako sa mangyayari mamaya. May kakaiba kasi akong feeling ngayon, na hindi ko maexplain.

Nandito na ako and kitang-kita ko na si DJ. Nakatalikod siya, pero kilalang-kilala ko mula sa buhok niya. Lahat naman siguro ganun ang feeling kapag mahal mo isang tao diba?

"Dan." Me. Yan lang nasabi ko. Humarap siya sakin na parang hindi maintindihan ang magiging expression ng mukha niya.

"Kath." DJ. Niyakap niya ako and I felt that my whole world is complete again. Sa kanya ko lang nararamdaman ito. I felt that my shirt is getting cold, yun pala nabasa na yung right side ng upper shirt ko. Umiiyak siya, at ito ay dahil sakin.

"Kath. You don't know how much I've missed this. You don't know how much I miss you. And I think, you really don't know how much I love you, until now. You don't know much I am hurt seeing you happy with another man. You don't know how my heart is broken whenever you are with him. I kept telling myself na wag mawalan ng pag-asa kasi baka ako pa yang nakapako sa puso mo." DJ.

"It's to hard to predict the outcome of a situation, Kath. What if I chose another answer, I still won't be satisfied because I don't know if my answer will be that worth it 'till the end. I was really to dumb dahil hindi ko man lang nakita yung something na mas lalong mapapamahal yung sarili ko sayo, pero ano nga bang magagawa ko? If you're still tightly holding my heart? I hope so." DJ.

"Ginawa kong kalimutan ka ng isang araw dahil nga diyan sa lalaking sumingit sa buhay natin. I tried not to answer your calls and text messages. I tried not to think of you all the time. But I really can't do it. Bakit ba ganito na lang kalakas ang epekto mo sakin? Kahit na ano man ang gawin mo, mali man yun o tama, nawawalan ako ng ganang magalit sayo. Hindi ko talaga kayang magalit o magtampo man sayo." DJ.

KathNiel One Shots CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon