KathNiel One Shots Collection

914 9 0
                                    

Title: I Won't Lose You Again

****************

"Kathy! Tapos ka na bang mag-linis ng room mo?" Tanong ng mama ni Kathy. Nasa kitchen silang mag-ina, naghahanda ng pangmeryenda.

"Malapit na po, ma. Konting linis na lang po. Maghahanap pa rin po ako ng mga pwede pang magamit sa basement. Sayang lang kung itatambak lahat ng yun." Pagpapaliwanag niya sa ina.

"Basta bilis-bilisan mo ah. Baka pagdating ni Julie dito ay nagaayos at naghahanap ka pa ng gamit mo." Pinapaalala niya lamang sa kanyang ina.

"Ayus nga yun ma eh May katulong ako sa paghahanap." Kathy

"Ikaw bahala. Ito oh! Kumain ka muna, kaninang umaga ka pa kasing nagsisimula maglipat ng gamit eh." Sabi ng mama niya.

***

Pagkatapos kumain ni Kathy, dumiretso na siya sa basement at nagsimula ng maghanap ng mga pwede pang magamit. Sa di kalayuan, nakakita siya ng isang box na ubod ng dumi. Sa una, nagdadalawang isip siyang buksan ito. Pero dahil sa kanyang excitement, naisipan na niyang iopen ito. Unti-unti niyang binubuksan ito ng...

"Huy Katreng!"

"Ay Kalabaw! Sino ba toh-- Julie naman eh! Nakakainis ka! Sipain kita palabas ng bahay eh! Sana kumatok ka muna diba? Para hindi nagugulat yung tao." Inis niya sabi kay Julie, ay bestest-friend niya. Magbestfriend rin kasi ang mga nanay nila. Para silang glue na hindi mo mapaghiwalay. Pero minsan kapag nag-aaway sila, nagkakabati naman agad kasi nga hindi nila matiis ang isa't isa.

"Eto naman hindi mabiro. Di na kita inistorbo kasi para curios na curious ka diyan sa box na hawak mo. Ano ba nasa loob niyan?" Julie

"Hindi ko nga rin alam kung anong nasa loob nito. Dinadahan dahan ko ngang buksan para hindi ako mabigla, tapos eto naman si ikaw bigla biglang nanggugulat. Hay nako!" Natawa naman si Julie. Napakagulo ng friendship nila noh? Hindi mo maintindihan kung magkaaway o hindi.

" Sorry na, Kathy. Bati na tayo. Puh-lease?" With matching puppy eyes. Alam niya kasing ito ang weakness ng kanyang bestfriend.

"Oo na! Oo na! Alam mo namang yan ang kahinaan ko eh. Mabuti pang buksan na natin itong box na ito." Natatawa si Julie kasi hindi na naman siya natiis ni Kathy. Kinakabahan si Kathy habang binubuksan niya ang box. Nakita na lamang niya ang isang notebook at kwintas na nakalagay ay "K<3D". She held it and put it her pocket.

Binuklat niya ang notebook at ang nakalagay sa first page ay "Bal".

Sa susunod pang mga pages, ay ang mga pictures nilang magkasama with some captions.

"Kathy." While she is turning each page of the notebook, a tear, drops from her eyes. Sabi niya sa kanyang isip "You'll be forever my Bal.". At isinarado niya ito.

"Okay lang ako, Julie. Kung kami man ang magkatuluyan hanggang wakas, ibigsabihin nun na ipanana kami ni kupido at itinadhana para sa isa't isa. Pero kung hindi naman may katangi-tanging rason kung bakit. Tara na't maghanap at maglinis dito, sayang oras eh." Nagpunas muna siya ng luha at nagsimula ng magtrabaho na parang walang nangyari.

"Yes, boss!" Sinunod niya na lang si Kathy, dahil alam niyang hindi maganda ang lagay niya ngayon.

***

Bumalik na sila sa kwarto ni Kathy at pinagtuunan nila ng pansin ang notebook na iyon. Hindi niya mapigilang maiiyak dahil naalala na naman niya ang kanyang mahal, na si Bal.

KathNiel One Shots CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon