KOSC - True Feelings

419 11 0
                                    

Title: True Feelings
_______________________________

Kath's POV

Mahal mo nga, may mahal namang iba.

Ilang taon ko na tinitiis ang sakit na dala-dala nitong puso ko.

Ang hirap magmahal kapag nakikita mo na masaya na siya sa piling ng iba.

"Uy! Lutang ka na naman." Kaitlyn. Yan ang ate ko, na kambal ko, na lagi kong nilalapitan kapag may problema ako. Mapagkakatiwalaan yan kaya lahat ng mga sikreto ko, alam niyan.

"Ah- A-ano? Hindi noh. May kinukwento ka ba?"

"Wala naman. Nakita ko lang kasi na alam mo na, tulaley ka na naman. Siya na naman iniisip mo noh?" Kaitlyn.

"Parang ganun na nga. Hindi naman maiiwasan yun eh. Ang sakit lang kasi."

"Yan na nga ba ang sinasabi ko sayo dati pa eh. I've warned you so many times. Lalo na ngayon na magbestfriends kayo. You can't escape from falling for him. Hindi mo maiiwasang mas lalong mahulog sa kanya kasi super close na kayo." Kaitlyn.

"You should've listened to me earlier so that you won't feel any pain and regret. Pain, from seeing them happy together. Regret, from loving and falling deeply for him." Kaitlyn.

"Ate, bakit ang unfair ng buhay? Pinipili lang nila ang mga taong gusto nilang sumaya. Why don't they make everybody happy without any problems?" Nakarating na kami sa bench ng park.

"Because they have a reason for everything. Binibigyan nila tayo ng problema for us not to give up on it, hindi yung susuko agad. We should face every little challenge in our life. Para matuto tayong lumaban at tumayo mag-isa." Kaitlyn. Yan ang gusto ko sa ate ako eh. Lahat ng katanungan ko, may isasagot siya.

"Paano pa kaya ate kung wala ka sa buhay ko, masasagot ko kaya lahat ng mga katanungan ko? About sa buhay ko at pag-ibig na yan? Maybe no, because i'm weak. Weaker than a turtle." And guess what, my tear dropped.

"Tutal naman umiiyak ka na, tingnan mo yung best friend mo dun." Kaitlyn. Nakita ko na naman siya, kasama yung girlfriend niya. Edi ako na tong umiiyak.

Akala ko nga natutuluan ng luha yung ulo ko. Hindi lang pala ako yung umiiyak, pati ang langit rin. Kasabay ng pagbagsak ng luha ko ay ang pagpatak ng tubig galing sa taas. Napatingin na lang ako sa kanila then looked up.

"Kath! Sumilong ka na dito! Umuulan na oh!" Kaitlyn. I heard her, but I didn't mind her. Ang alam ko lang ay basang-basa na ako dito. Umiyak na lang ako ng umiyak, tinitingnan na lang bawat patak ng ulan sa sahig.

I stayed here for 10 minutes. I felt that the rain stopped, I then looked up. Suprisingly, he's here. Holding the umbrella for me.

"Anong ginagawa mo dito?" I wiped tears. I asked him.

"Hinatid ko kasi si Gelli sa gate. Pabalik na ako ng biglang umulan sakto namang nakita kita dito. Kumuha ako ng payong sa classroom at pumunta na ako dito. Mahirap na baka magkasakit ka." Gelli na naman. Pwede bang ako na lang?

Siya si Daniel. My Best Friend.

"Para namang napipilitan ka lang. Una na ako ah. Ayoko ng madurog ang puso ko." Tumayo na ako at umalis na sa harapan niya. I felt that he was following me.

KathNiel One Shots CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon