"Im sorry but her tumor is malignantly invading her nearby tissues. Misis, didiretsuhin ko na po kayo, pero hindi na magtatagal ang buhay ng anak ninyo. She only has 1 week to live to be exact."
And with that, earth-shattering words, tuluyan nang gumuho ang mundo ko. Tuluyan na nitong sinira ang magandang buhay na binuo ko kasama ng kapatid ko.
Umiiyak na si mommy habang nakikinig sa mga sinasabi ng doctor, hindi lang siya, pati na din si daddy at ang iba pa naming mga kamag-anak at mga kaibigan.
Pero ako? Hindi ako umiyak. Pinilit kong wag umiyak kasi ayaw niyang nakikita akong nalulungkot at umiiyak. Akala ko madali lang pero ang hirap pala lalo na't ang buhay ng pinakamamahal kong kapatid ang pinaguusapan.
Nandun siya, nakahiga sa kama niya, nakatingin siya sakin habang nakangiti. Walang bakas ng kalungkutan sa mukha niya, tanging isang masigla at nakakapagpagaan sa kalooban na ngiti lang ang tanging masisilayan.
Hindi ko na nga maiwasang isipin minsan na gusto na niyang mamatay, gusto na niyang magpahinga, na gusto na niya kaming iwan, na siguro sobrang napapagod na siya dahil sa sakit niya kaya excited na siyang mamahinga. Pero hindi kasi yon ganun, ang totoo ay dahil matagal na niyang natanggap na mawawala na siya.
Hindi ko lubos maisip kung bakit ang dali lang para sa kanya ang tanggapin iyon. Pero ang laging sinasabi niya lang sakin ay, "Kuya, ito ang tinadhana ng Diyos na mangyari sa akin. Kahit na masakit, malungkot, kailangan kong tanggapin dahil alam ko, may maganda siyang plano para sa atin. Hindi naman tayo habang buhay na mananatili sa mundong to. Ikaw, si mommy, si daddy, mawawala din kayo gaya ko, pero mas mapapaaga lang ata yung sakin." At sasabayan niya yon ng isang tawa na siya namang laging iniiyakan ko dahil hindi ko matanggap na ang batang laging karga-karga ko sa likuran, yakap-yakap ko matulog tuwing gabi, hawak-hawak ko ang kamay sa tuwing naglalakad, ang pinakamamahal kong prinsesa ay mawawala na.
"Doc, wala na po ba talaga tayong magagawa pa? Kahit na pahabain man lang kahit konti pa sa 1 week kasi Doc, napakaikling panahon yon eh. Kahit 1 month lang sana, please Doc! Gawin niyo po lahat ng makakaya niyo para maligtas lang ang anak ko!! Doc!!" Humahagulhol na sa pag-iyak si mommy habang pilit na nagmamakaawa sa Doktor. Si daddy ganun na din at inaalalayan niya na si mommy. Pero walang ibang nasagot ang doctor kundi isang iling lang na siyang bumasag sa puso ko at nagpakawala ng mga luha kong kanina pang nangingilid sa mga mata ko.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya kasi ayokong makita niya akong umiiyak, kasi ayoko siyang malungkot. Lagi ko pang sinasabi sa kanya dati na smile lang lagi, dapat always happy, pero ako naman to ngayong iiyak-iyak.
Naiinis ako! Naiinis ako sa sarili ko kasi pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat. Pakiramdam ko nagkulang ako sa kanya, hindi ko siya naalagaan ng maayos kaya nagkasakit siya. Lumaki kasi kaming wala ang mga magulang namin dahil lagi sila nagout-of-country o di kaya nag-out-of-town dahil sa business namin kaya ako lang ang naiiwan kasama niya at ang nag-aalaga sa kanya.
Minsan sinisisi ko na ang Diyos, kung bakit hinayaan niya na mangyari to sa kapatid ko. Pero bakit ganun? Lagi niya pa rin akong kinokontra at sinasabi niyang, "Walang may kasalanan kuya. Acceptance lang talaga ang kailangan natin." Sana matatag at malakas din ako kagaya niya. Sana lang..sana..
"Kuya, diba sabi mo dapat lagi lang happy?" Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko pero pilit ko pa ring iniiwas ang mukha kong basang-basa na ng mga luha ko.
Bakit siya pa? Bakit sa dinami-rami ng tao na kailangang magkaroon ng sakit na ganyan, bakit siya pa? Pwede din namang ako nalang. Para ako lang yung naghihirap at hindi ang kapatid ko. Kung pwede lang sanang ilipat yang sakit na yan sakin eh, matagal ko na ginawa.
"Kuya diba nagpromise ka na hindi ka iiyak? Kuya naman eh..." Hinihila-hila na niya ang kamay ko na pawa bang pinipilit niya akong humarap sa kanya pero hindi ko nagawa dahil pakiramdam ko sa tuwing nakikita ko ang maputla niyang pisngi at labi ay mas lalo pa akong naiiyak.
"May 1 week pa naman diba? Matagal pa yon! Pwede pa naman tayong magsaya diba?" Bakit ba napakadali lang sa kanya ang sabihin ang mga yan, samantalang ako parang lumulubog sa dagat sa tuwing naririnig ko ang dalawang salitang yan, '1 week'.
"Mommy! Daddy! Wag na kayong umiyak. Kuya! Malay natin, baka lumampas pa sa 1 week ang buhay ko. Magtiwala lang tayo sa Diyos at wag tayong mawalan ng pag-asa dahil ito ang nagbibigay ng rason para patuloy pa tayong mabuhay. Diba? Smile lang lagi tayo!" Masigla ang boses niya habang binibitawan ang mga katagang yon. Imbes na tumigil ang lahat sa kakaiyak, ay mas lalo pang lumakas ang hagulhol na maririnig sa buong kwarto. At ako naman, ay napayakap na lamang sa kanya.
Napakabata niya pa para mawala. 14 years old lang siya, 14! At sa 14 years na pakikipagsapalaran sa buhay kalahati nun ay binuhos niya sa pagpapagamot at sa pagpabalik-balik dito sa hospital.
"Kuya, birthday ko na sa sabado. Dapat maging masaya tayo kasi mag-15 na ako. Diba? Nakaabot pa ako ng 15 years dito." Hindi ako sumagot. Patuloy lang ako sa paghagulhol habang yakap-yakap siya ng mga braso ko.
"And I want kuya to grant me 5 wishes before I die."
"Ano ka ba Mika! Hindi ka mamamatay! Walang mamamatay! Diba ikaw lang ang Little Pony Princess ko at ako naman ang Big Pony Prince mo? Kaya hindi ka pwedeng mawala dahil mawawalan na ako ng Princess."
"There's no permanent thing in this world, kuya. Kaya sige na! Grant me 5 wishes!"
"Kahit 1000 wishes pa yan! Kahit ano gagawin ni kuya para sa prinsesa niya."
"Ang 1st wish ko ay ang lumabas na tayo dito. Ayoko na dito kuya, ang creepy dito tsaka ang pangit ng view dito. Gusto ko don tayo sa rest house natin, don sa tabing dagat. Gusto kong makita ang paglubog at pagsikat ng araw." Mula sa pagkakayakap ko sa kanya, inilipat ko ang hawak ko sa magkabilang pisngi niya.
Bakit ganun? Hindi man lang siya naiyak. Nakangiti pa rin siya gaya ng kanina.
"My Little Pony Princess doesn't like the ambiance of this place. So Big Pony Prince will save her and bring his princess to their castle." Ngumiti siya ng pagkalapad-lapad pero ako walang ibang nagawa kundi ang umiyak na naman.
Hindi ko kaya ang hindi na makita ang mga ngiting iyon sa araw-araw. Yon lang ang nagbibigay sigla sakin, ang nagbibigay kulay sa buhay ko. Hindi ko na kailangan ng girlfriend o kung sinong babae pa diyan, I only need my sister, ang alagaan siya at pasayahin siya sa araw-araw ang tanging misyon ko sa buhay.
Kaya sige na oh, kahit konting extension lang.

BINABASA MO ANG
My Sister's 5 Last Wishes
Kısa Hikaye"Would you grant me a wish?" "Of course my little princess. What is it?" "Let me die on your arms and promise me you won't cry."