Kasalukuyan akong naglalakad pabalik sa loob ng palasyo nang may bigla akong makabangga. Muntik pa akong mapaupo sa malamig na sahig kung hindi lang sa isang matigas na brasong pumulupot sa aking bewang.
Bahagyang umawang ang aking mga labi nang makita ang isang napakagwapo at matangkad na lalake. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya pero sigurado akong gwapo siya.
Dahil matangkad siya ay nakatingala lang ako sa kaniya.
"Are you okay, miss?"
Shit. His voice!
"H-ha?" Parang tanga na tanong ko dahil hindi pumasok sa utak ko ang sinabi niya. Ang attractive kasi ng boses niya.
I heard him let out a soft chuckle. Again, I am distracted.
"Are you okay?" He asked once again.
Marahan akong tumango. Bigla kong napagtanto na nasa bewang ko pa pala ang kamay niya. Halos magkadikit na kaming dalawa. I blushed.
"A-ayos lang po ako." I answered bago humiwalay sa kaniya. Agad niya naman akong binitawan nang mapansin sigurong hindi ako komportable sa ayos namin.
I bowed a little to show him some respect. Sigurado akong isa siyang dugong bughaw dahil sa kaniyang kasuotan. Isa yata siya sa mga imbitado sa kasal ni King William at Princess Phoebe.
Pero anong ginagawa niya dito? Tapos na ba ang seremonya ng kasal?
"Be careful next time, bella." Paalala niya.
Bella? Sino 'yon?
"I will, Your Highness." I replied.
Hindi ko na kinontra pa ang pagtawag niya sakin sa ibang pangalan. Hahayaan ko na lang na isipin niyang ako si Bella kahit hindi naman.
Muli akong yumuko at nagpaalam na aalis na. Kailangan ko palang magmadali dahil panigurado akong hinihintay ako ng mga kasamahan ko sa kusina at tiyak na marami kaming gagawin.
***
"Liyana, saan ka nanggaling?" Agad na tanong ni Rosetta, isa sa mga kasamahan ko.
"Sa hardin. Nagpahangin lang." Sagot ko.
"Kanina ka pa hinahanap ni Madam Emma. Marami daw siyang ipapagawa sayo." Saad nito.
"Ah ganun ba. Sige, Rose, salamat." Tanging tugon ko bago lumabas ng kusina upang hanapin si Madam Emma.
Panigurado akong nasa banquet hall na sila para sa gaganaping reception. Labag sa loob ko ang magtungo roon kaya lang ay wala akong choice dahil hinahanap pala ako ni Madam Emma. Baka pagalitan niya ako kapag hindi ako nagpakita sa kaniya.
"Mabuti naman at nandito kana, Liyana? Alam mo ba na kanina pa kita hinahanap dahil maraming aasikasuhin dito?" Nakataas ang kilay na sabi ni Madam Emma nang makasalubong ko siya.
"Pasensya na po." Nakayukong anas ko.
"Tandaan mo na katulong ka dito hindi bisita. Wag kang pa-espesyal." Masungit na anas niya bago ako talikuran. "Sumunod ka sakin."
May bigat sa dibdib ko siyang sinundan patungo sa banquet hall. Aaminin kong nasaktan ako sa sinabi ni Madam Emma. Mas lalo niyang pinamukha sa 'kin na isa lang akong hamak na katulong.
Mas lalo tuloy bumaba ang tingin ko sa sarili ko.
Sobrang daming bisita. 'Yan agad ang bumungad sa 'kin pagpasok ko pa lang sa bulwagan. Lahat ay kasapi ng royal family. And i feel out of place once again.
"Heto," Inabot ni Madam Emma ang isang tray. May wine glass at may laman itong wine.
"I-serve mo sa mga bisita. Bumalik ka ulit dito kapag naubos na. Ayusin mo ang trabaho mo, Liyana. 'Wag kang tatanga-tanga." Pinanlakihan pa ako ni Madam Emma ng mata.
Masunurin naman akong tumango. I brought the tray with me and offer it to every guest na makakasalubong ko.
Bahagya pang nanginginig ang mga kamay ko. Hindi ako pwedeng magkamali sa trabaho ko. Dahil paniguradong mapapahiya ako.
Nakakaramdam ako ng pagkailang sa tuwing nahuhuli ko ang ibang mga bisita na nakatitig sa direksiyon ko. Ang iba sa kanila ay nakataas ang kilay. Ang iba naman ay may nakaguhit na disgusto sa kanilang mga mukha.
Biglang gusto ko na lang tumakbo palabas ng lugar na ito at magtago sa lugar na walang makakakita sa akin. Mas lalo lang akong nanliit sa sarili ko sa tuwing nakikita ko ang mga kababaihan na nakasuot ng magarang kasuotan.
Hindi ko mapigilang ikumpara ang sarili ko sa mga kababaihang nandito sa bulwagan.
Marami akong nakikitang mga nagse-serve ng wine. Sa katunayan nga ay puro sila lalake. Ako lang ata ang tanging babae na wine server. Bakit sa dinami-raming pwedeng ipagawa sakin ni Madam Emma. Bakit pags-serve pa ng wine?
"Your sister is so beautiful with her gown!"
"I know right!"
Narinig ko ang usapan at tawanan ng dalawang babae na nasa harapan ko lang. Nang dumapo ang tingin ko sa kanila ay nakita kong nakatingin sila sa isang direksiyon kaya sinundan ko iyon.
At ganoon na lang ang pagkirot ng dibdib ko nang makita ang dalawang tao sa gitna. Sumasayaw sila habang titig na titig sa isa't-isa. Sobrang dikit ng kanilang mga mukha at kaunting galaw na lang ay maglalapat na ang kanilang mga labi.
"King William is so freaking hot! My sister is so lucky!"
The girl wearing pastel pink gown exclaimed.
My sister is so lucky!
Kapatid siya ni Princess Phoebe?
"What a beautiful couple!" The other girl exclaimed.
Muli kong ibinalik ang tingin sa dalawang tao na nagsasayaw sa gitna. Mukha nga talagang mahal nila ang isat-isa. I sighed.
Stop hurting yourself, Liyana.
I was about to leave that place when someone pushed me from the back. At dahil doon ay nawalan ako ng balanse at bumangga sa dalawang babaeng nasa harapan ko.
Ang hawak kong tray na may lamang mga wine ay tumapon sa gown nilang dalawa. Habang ako naman ay napasalampak sa sahig.
The music stopped when the two girls scream in shock.
"What the hell?!"
"Oh my gosh! My gown!"
Nakagat ko ang ibabang labi ko nang makaramdam ng hapdi sa aking braso.
Nabasag ang ibang wine glass nang tumama iyon sa sahig.
"You stupid maid! Look at what you've down to my precious gown!" Galit na sigaw ng isa sa mga babaeng natapunan ko ng wine.
Mabilis akong lumuhod sa kaniyang harapan upang humingi ng tawad. Halos maiyak ako nang marinig ko ang bulongan ng mga bisitang nakakakita sa pangyayari.
"What a clumsy maid."
"Serves her right!"
"Pity her!"
Napalunok ako sa sobrang kaba. Nakakahiya ka, Liyana.
"P-pasensya na po—"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may humila sa buhok ko. It was the girl wearing a pastel pink gown. Princess Phoebe's sister.
Anger is written all over her face.
"You ruined my gown, you filthy maid! How dare you?!"
"Hindi ko po sinasad—" She cut me off once again.
"I don't care kung sinadya mo o hindi! Do you know how much this gown is?! Mas mahal pa 'to sa walang kwenta mong buhay!" She spat.
May butil ng luha na tumulo sa mga mata ko nang dumapo ang kaniyang palad sa kaliwang pisngi ko. Naramdaman ko ang paghapdi ng aking pisngi.
I closed my eyes and clenched my palms when I felt a liquid dripping down from my hair. It's a wine.
I heard everyone gasped because of what she did. Siguro ay mukha akong kawawa sa paningin nila.
This is humiliating... I want to leave this place.
Save me please...
BINABASA MO ANG
The King's Little Maid
General FictionThe Royalties 1: The King's Little Maid ... Your Majesty is obsessing over his little maid.