Mabilis akong dumiretso patungo sa maid's chamber upang kuhanin ang mga naimpake ko ng mga gamit. Kailangan ko nang lisanin ang lugar na 'to lalong madaling panahon.
Nang makuha ko na ang mga gamit ko sa loob ng cabinet ay agad akong tinungo ang pinto para makalabas. Ngunit nang buksan ko ang pinto, bumungad sa 'kin ang nasa limang royal guards, and they're here to capture me.
"W-wag muna ngayon pakiusap..." Pakiusap ko sa kanila.
"What a thick face you have there, young lady." Boses iyon na nagmula sa likuran ng royal guards.
Maya't maya ay humawi ang royal guards upang magbigay ng daan sa kung sino mang taong nasa likod.
Mas lalo akong nakaramdam ng takot nang makita ang isa sa mga myembro ng council. She's glaring at me as if she wanted hurt me.
"You dare to hurt the queen by having an affair with the king?! Who do you think you are?!" Gigil na sambit niya at mabilis na lumapit sa 'kin at binigyan ako ng isang malutong na sampal.
Sa sobrang lakas ay napasalampak ako sa sahig. Sunod-sunod na nagbagsakan ang mga luha ko.
"I can't believe someone like you have the guts to seduce the king!" She angrily spat.
Napaigik ako sa sakit nang bigla niyang kunin ang buhok ko sa masakit na paraan. She made me face her. I deserve this.... but my baby, hindi siya pwedeng masaktan. I must protect my baby.
Ngumisi siya ng pasadahan niya ng tingin ang buong mukha ko.
"Gifted with an innocent face, huh? You look innocent outside but a slutty whore inside." She spat.
"A mistress like you don't deserve to live. You deserve to rot in hell." Mariin niyang saad bago marahas na bitawan ang buhok ko.
"Tomorrow is your judgement day." She announced.
Sunod-sunod akong umiling. "Pakiusap po, wag muna ngayo—"
Muli na naman akong nakatanggap ng isang malutong na sampal. Pang-apat na ngayong araw.
"You don't have the rights to decide for that! You make our queen suffer so face the consequences!" She angrily said.
"Guards, take this whore to her cell." She commanded the royal guards behind her back. I saw her eyes dropped on one of my bags.
"You want to escape, huh? Stupid." She murmured before turning her back on us.
Naramdaman kong hinawakan ako sa mgkabilang braso ng mga guards at pinatayo. Sinubukan kong magpumiglas.
"Please... wag muna... parang awa niyo na! Wag ngayon!" I cried while trying to escape from their grasps.
But my strength is no match from theirs. Lincoln...
You said, you will protect me. Where are you? Our baby needs you...
Yakap-yakap ko ang aking sarili dahil sa sobrang takot. Nasa isang madilim na lugar ako na ang tanging nagsisilbing ilaw ko lang ay ang liwanag ng buwan.
Nasa loob ako ng isang selda at ang nagsisilbi kong upuan ay isang maliit na kama na tama lang sa para sa isang tao. There's a small window enough for the light to enter.
Sunod-sunod sa pagtulo ang luha ko habang nakatanaw sa bintana. This is the consequences. Kailangan kong harapin ang resulta ng pagkakamali ko.
But my baby... wala siyang kasalanan.
"God, please h-help me ..." I prayed.
Pero ilang segundo lang ay natawa ako sa aking ginawa dahil napagtanto kong wala akong karapatan na humingi ng tulong sa Panginoon. Dahil nagawa ko ang isa sa pinaka ayaw niya.
Mas lalo lang akong napaiyak. I feel so helpless right now. Anong gagawin ko? Tomorrow is the day they'll put me in court to decide for my punishment.
"Liyana?"
Mabilis kong nilingon ang piangmulan ng boses na iyon. Bahagyang nawala ang takot sa puso ko nang makita ko si Eris. She's sobbing while looking at me.
Tumayo ako at dahan-dahang lumapit sa kaniya. Ang mga rehas ang nagsisilbing harang sa pagitang naming dalawa.
"Liyana, why did you do that?" She softly asked.
Napaluhod na lang ako sa kaniyang harapan at umiyak. "I'm sorry, E-Eris. I love him... so much."
Naramdaman kong hinawakan ni Eris ang mga kamay ko.
"But it's not a valid reason to commit a mistake, Liyana. You know the kingdom rules, right?"
I nodded. "I know. Please help me, Eris..."
Hinarap ko siya habang nagmamakaawa. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. Nakikita ko sa mga mata niya ang pag-aalala para sa 'kin.
"If I have the power, Liyana. I will. But right now, hindi ko alam kung paano kita tutulongan. Our enemy here is the council, the queen, the royal princess and the people." Saad niya.
"Natatakot ako, Eris." I muttered.
Niyakap ako ni Eris upang aluhin. She's caressing my hair softly.
"I am pregnant." Pag-amin ko sa 'king naging matalik na kaibigan.
Naramdaman ko ang pagtigil ni Eris sa ginagawa at mabilis na humiwalay sa 'kin. She looks shock from what she heard.
"Come again?"
"I am p-pregnant." I repeated.
"Shit. That's a big problem, Liyana. Alam ba niya?"
Napayuko ako. "H-hindi ako sigurado."
"Ano? Liyana, he's the father! Dapat alam niya 'to baka may magawa siya para alisin ka dito!" Mahinang bulong ni Eris.
"N-natatakot ako, Eris. Sasaktan nila ang baby ko..." Umiiyak na saad ko.
"Liyana, tahan na. Hahanap ako ng paraan. Kakausapin ko ang hari. Ilalabas kita dito, pangako 'yan." She assured me while wiping away my tears. "Hindi ako papayag na saktan ka nila at ang baby mo."
Mas lalo akong napaiyak sa kabaitan at pag-aalalang ipinapakita ni Eris.
"S-salamat, Eris." I uttered.
Eris smiled at me. She's really beautiful. Hindi ko maintindihan kung bakit ang isang magandang tulad niya ay naging tagapagsilbi ng palasyong ito.
"Kaibigan kita, Liyana. Hindi kita iiwan. Kung hindi ko man makumbinsi ang mahal na hari ay gagawa ako ng paraan para itakas ka—"
"As if I'll let you do that, stupid maid."
Nanlaki ang mga mata namin ni Eris dahil sa pamilyar na boses na iyon. We heard footsteps ascending towards us. And when the candle light hit her face, we saw Queen Phoebe. I can see anger and disgust written all over her face.
"Y-your majesty..."
BINABASA MO ANG
The King's Little Maid
General FictionThe Royalties 1: The King's Little Maid ... Your Majesty is obsessing over his little maid.