"I'll protect you. That's a promise." He mumbled before planting a soft kiss on my lips.
"Lincoln, alam mo naman ang mangyayari kapag may nakaalam ng relasyon natin diba?" I uttered while hugging him tightly.
"I know, baby. Just like what I've said, I'll protect you. You're my responsibility. Hindi kita pababayaan." He answered.
Halos matunaw ang puso ko nang maramdaman ko ang paghalik niya sa ibabaw ng aking ulo. Humigpit din ang pagkakayakap niya sa 'kin. Nagtitiwala ako sa kaniya na hindi niya ako pababayaan. Siya na rin ang nagsabi na poprotektahan niya ako. At pinanghahawakan ko ang mga salita niya.
"You've gain some weight." I heard him said.
Lihim akong napalunok. Kahit siya ay napansin ang bahagyang pagtaba ko. Hindi pa naman ako gaanong mataba. Nagkalaman lang.
"N-Nakasalubong ko pala ang asawa mo kanina." I tried to change the topic.
"Did the two of you talk?" He asked. Lumayo siya ng bahagya upang tignan ako sa mukha.
Marahan akong tumango. "Binati ko lang naman siya. Gano'n din siya sakin."
Hindi ko na idenetalye pa ang ibang sinabi ni Queen Phoebe sa 'kin.
"Are you alright?" He asked.
Bahagyang nagsalubong ang kilay ko bago tumango.
"Oo. Ayos lang ako." I answered.
"Ikaw? Ayos ka lang ba?" Balik na tanong ko sa kaniya.
Malalim siyang bumuntong-hinnga bago umiwas ng tingin. Nakita ko ang biglang pagseryoso ng kaniyang mukha. He's not okay.
"You're not okay." I uttered.
His eyes met mine once again. "I just had an argument with the council."
Biglang nilukob ng takot ang puso ko. Nagkasagutan siya at ang mga taga council? Bakit? Anong dahilan? Dahil ba ito sa kagustuhan niyang makipag-divorce kay Queen Phoebe?
"Bakit?" I asked.
"Baby, you don't need to know. I can handle this."
"No, I want to know, Lincoln. We're talking about the council members here. Is it because you wanted to end your marriage with the Queen?"
Umigting ang kaniyang panga.
"Tutol sila sa desisyon mong pakikipaghiwalay sa reyna," I added.
"It's not their decision, Liyana. It's mine. Makikipaghiwalay ako kung kailan ko gusto." Mariin niyang saad.
Napatango-tango ako. "Pero malaking kasiraan sayo iyon bilang hari, Lincoln. Lahat ng tao ay magtataka sa biglaan mong pakikipaghiwalay sa reyna. Ni hindi pa nga umabot ng isang taon ang kasal niyong dalawa. At isa pa, buntis na siya. Mas magagalit ang mga tao sayo dahil iisipin nilang tinatakbuhan mo ang responsibilidad mo sa reyna."
"The baby is not mine. I'm fucking sure of that." He uttered.
"Then who's the father?"
"I don't know."
Bumagsak ang balikat ko. Palagi niyang sinasabi na hindi siya ang ama ng baby sa tiyan ng reyna. Kung ganoon ay sino? Kung walang nangyari sa kanilang dalawa, ibigsabihin may ibang nakasiping ang reyna? Pero sino?
"That's why I'm divorcing her. Our relationship won't work. I don't even love her." He heartlessly spat.
"Kung hindi mo pala siya mahal, ba't mo pa siya pinakasalan?"
"To make you jealous?" He answered.
Nagsalubong ang kilay ko dahil sa kaniyang sinabi.
"Ano?! That's too much, Lincoln!" Asik ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The King's Little Maid
General FictionThe Royalties 1: The King's Little Maid ... Your Majesty is obsessing over his little maid.