ROYAL AFFAIR 32

730 21 5
                                    

Boundaries

Am I healed from my trauma? No, I'm not yet fully healed. Iyong sakit sa puso ko nandito pa rin. Gabi-gabi akong binabangungot. Sa tuwing gigising ako, punong-puno ng luha ang mga mata ko. I feel so helpless. I feel so broken. I really don't know how to actually pick up the pieces of my broken heart.

Sa tuwing gabi, takot ang namamayani sa 'kin. I always felt like he's just there. Watching me and ready to hurt me again. Do I still love him? No. All I have for him right now is hatred. Nagsisisi ako sa pagmamahal sa isang lalakeng hindi ako kayang ipagtanggol. All I feel right now is regrets.

Palagi kong sinisisi ang sarili ko dahil una sa lahat. I chose that path. The wrong path.

I let my emotions took over. And because of that, I made wrong decisions that led me to be hurt.

It's because of my wrong decisions, I lost my one and only angel. Sana. Sinusubukan ko na nga lang aluhin ang sarili ko sa pag-iisip na okay na iyong nawala siya atleast hindi niya na mararanasan ang kalupitan ng mundo. But, there's always a part of me na sana—nabuhay siya.

"Do you want to be my woman?"

That question of King Gustav moved something in me. Aasa na naman ba ako? Should I try to open my heart again? Napailing ako habang mapait na nakangiti. Stop it, Liyana. Masasaktan ka lang ulit.

Hindi ko rin alam ang motibo ni King Gustav sa kaniyang tanong. Pero kung katulad lang din naman siya ng kilala ko , mabuting wag na lang. I'm just a maid. A maid is not meant for someone like King Gustav. Masyadong malayo. Masyadong imposible. And it's hard to take risk lalo na't hindi ko pa naman siya gaanong kilala.

At isa pa... hindi pa magaling ang sugat sa puso ko. Hindi ko pa nabubuong muli ang sarili ko. I'm still broken inside and no man can mend my broken heart. I've been through alot. I've been emotionally abused, and physically tortured. Mahirap ibalik ang dating ako lalo na't sa dinanas ko sa nakaraan. But I'm trying... atleast I'm trying.

Malinis na ang sala nang puntahan ko ito. Ang mga gamit ay nasa tamang ayos na. Ang ibang mga gamit na nabasag ay napalitan na rin. Sino ang naglinis kung ganoon? King Gustav?

"I've asked some maids to come over to clean up the mess."

Halos mapatalong ako sa gulat nang marinig ang baritonong boses na iyon mula sa likuran ko. I suddenly felt awkward when I saw King Gustav staring at me blankly. Pero ano? Nagpatawag siya ng maids?

"P-pwede naman na ako na lang ang maglilinis." I uttered, bahagyang nakayuko.

"It's okay though." He replied before turning his back on me. "I've also asked them to prepare some breakfast. Come join me,"

I blinked my eyes twice because of what I've heard. Gusto niya akong sabayan siyang kumain? Pero bakit?

Agad naman akong sumunod sa kaniya patungo sa dining hall.  Hindi para sabayan siyang kumain. I'm going to serve him because that's my role as his servant. To serve the king. After all, I owe him my life. He's the reason why I'm still here, alive. And being his obedient servant, that's how I repay him.

Naupo siya sa kabisera habang ako naman ay tinungo ang direksiyon ng pitsel upang kunin ito at salinan ng juice ang baso ng niya

"What are you doing? I told you to join me." aniya sa mariing tono.

"Isa lang po akong tagasilbi. At bilang tagasilbi, obligasyon ko ang pagsilbihan ka. Wala rin akong karapatan na makasabay kang kumain, your majesty." pormal na saad ko.

Nakayuko ang aking ulo kaya hindi ko makita ang naging ekspresyon niya. Last night, I remembered that he wanted me to call him by his name. But, I refuse to do that. I need to put some boundaries between us.

"I told you to call me by my name." aniya na puno ng kaseryosohan.

"Your majesty hindi nararapat sa isang katul—" he cut me off.

"Nevermind." malamig niyang saad. Pagkatapos no'n ay narinig ko ang ingay na nagmumula sa silya tanda na tumayo siya. A few seconds after, I heard his descending footsteps getting out of the dining hall.

He left.

I suddenly felt bad. Ngunit mabilis ko iyong inalis. It's the right thing to do. I need to put some distance between us. Ayokong tuluyang mapalapit sa kaniya. Baka... maulit lang ang nangyari sakin noon.

I bitterly smiled when I remember my family. I haven't seen them for a long time. Ni hindi nila alam kung ano ang mga pinagdaanan ko. Hindi nila alam na hindi na ako nagtatrabaho sa mansyong iyon.

Kamusta na kaya sila? Naaalala pa rin ba nila ako? Nalukungkot ba sila dahil hindi ko na sila binibisita? Kapag ba nalaman nila ang mga pinagdaanan ko, malulungkot ba sila? Iiyak? O magagalit? Sobrang miss ko na sila. Kung sana lang ay pwede ko silang puntahan.

Napatitig na lang ako sa mga pagkaing hindi man lang nagalaw. Sayang naman ito kong itatapon kaya niligpit ko na lang ito at tinago sa ref. Naramdaman kong tumunog ang tiyan ko. Indikasyon na wala pa itong lamang pagkain. Okay na ako sa tinapay at kape bilang agahan.

Habang abala ako sa pagm-mop ng makintab nang sahig. Nakita ko ang pagbaba ni King Gustav mula sa engrandeng hagdanan. He didn't bother to look at me hanggang sa makababa siya ng hagdan. His expression is blank. Pakiramdam ko bumalik na si King Gustav na walang pakealam sa'kin.

Bahagya kong iniyuko ang aking ulo nang dumaan siya sa aking harapan. Hindi niya pinansin ang presensiya ko hanggang sa tuluyan siyang makalabas. Mukhang may pupuntahan siya.

I just shrugged my shoulders and continued on mopping the tiled floor. Mabuti naman at sinunod niya ang gusto kong mangyari. I really don't want to involve myself with the likes of him. He's too high for someone like me. He has a noble title. Habang ako isang katulong lang sa palasyo niya. I learned my lesson already. I should love myself more and let myself heal from my traumas. Because, I can't open my heart for someone if I'm carrying something heavy on my back.

Siguro kung magmamahal ako. Mas mabuting sa kagaya ko lang din. Sa lalaking kaparehas ko ng estado sa buhay. I'm not gonna lose my heart to someone who's as noble as King Gustav.

The King's Little Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon