Therondia
I've seen dead bodies when we got out from my room. Ang isa pa nga ay nakahandusay sa tapat ng pinto ng kwarto ko. Hindi ko alam kung saan sila galing at hindi rin pamilyar ang mga kasuotan nila. They're all wearing black outfits at may maskara silang suot na kulay puti.
Hindi ako makapaniwala sa aking nakita kahit na pababa na kami ng engrandeng hagdanan. Hindi lang pala isa o dalawa ang pumasok sa palasyo. Marami sila. Nasa sampu na ang nakikita kong naliligo sa sarili nilang dugo.
Sinulyapan ko si Gustav na blangko lang ang ekspresyon habang tinatahak namin ang daan palabas.
He killed them all?
Humigpit ang pagkapit ko sa kaniya. Muling bumalik sa isip ko ang nangyari kanina. Akala ko dito na matatapos ang buhay ko. But King Gustav came home and saved me. Ilang beses niya nang niligtas ang buhay ko.
Bumalik ako sa ulirat nang bigla siyang magsalita. Akala ko pa ako ang kinakausap niya pero hindi pala.
"We're going back."he commanded to someone.
Nilingon ko ang taong kinausap niya. Bahagyang umawang ang labi ko nang makita ang isang matangkad at matipunong lalake na nakasuot ng magarang damit. Iyong damit ay parang kagaya sa sinusuot ng mga royal butlers.
Teka...
Nilingon si Gustav. He didn't look at me though. Kaya itinuon ko ang aking mga mata sa isang taong nasa aming harapan hanggang sa dumapo ang tingin ko sa isang mahaba at magarang sasakyan.
Limousine? He has limousine? Saan naman 'to nanggaling? At sino ang mga taong ito?
"The queen has been waiting for you to come back, your majesty." The man with a royal black suit informed.
Queen? What the hell is happening?
Ibinaba ako ni King Gustav sa tapat ng nakabukas na pinto ng sasakyan.
"Get in, Liyana." utos niya sa'kin. Kahit gulong-gulo ay sinunod ko na lang ang sinabi niya.
Nang makapasok ako sa loob ng limousine ay labis ang pagkamangha ko. Ngayon pa lang ako nakasakay sa ganitong klaseng sasakyan. At sobrang ganda at malawak sa loob.
Dumapo ang tingin ko kay King Gustav nang makitang kinakausap niya ang lalakeng nasa labas. Nakita ko kung paano tumango ang lalake sa sinabi ni King Gustav hanggang sa nakita kong pumasok na rin siya sa loob at umupo sa katapat kong upuan.
"Your majesty, ikaw ba ang may-ari ng sasakyang 'to?" hindi ko na mapigilan ang magtanong sa kaniya.
He looked at me then sighed.
"Yeah. Our family owns this car, Liyana." he answered.
Nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa kaniyang sinabi. Tama ba ang narinig ko? May pamilya siya?
"Family? May pamilya ka pa?" hindi makapaniwalang tanong ko. I heard him chuckled because of my reaction.
"Uh-huh. Why? You thought that I don't have one?" there's a playful smile on his lips.
Kinagat ko ang pang ibabang labi ko bago tumango. Muli kong narinig ang mahinang tawa niya. My cheeks heated.
Why does he have a nice laugh?
"S-Sino pala iyong lalake kanina?" I asked.
"He's my personal butler."
Agad akong namangha. All this time akala ko na mag-isa na lang siya sa buhay. May pamilya at may mga tauhan pa pala siya. May personal butler pa. At may magarang sasakyan.
Sa sobrang curious ay hindi ko na napigilan ang aking sarili na magtanong sa kaniya. Naramdaman ko rin ang pag andar ng limousine.
"Kung may pamilya ka naman pala. Bakit mag-isa ka lang sa palasyong iyon kung ganon?"
"I had to leave because my mother is pressuring me in a marriage. I don't want that so I left the palace and live far away from our kingdom."
Umalis siya dahil ayaw niyang pinipilit siya sa kasal. He doesn't want to get married yet.
"It wasn't a big deal to me at first but mom started to introduced me to a princess. She wants me to marry that princess but I declined. I don't like her and I don't have plan to settle down yet. My mom and I fought because I kept on rejecting the idea of marriage. I rebelled and left the palace and decided to live alone in our old palace."
"I don't have any plans to come back. And I've long given up the title of being a king. I'm sick of being one anyways." he uttered with so much disgust.
This is the first time I saw him being disgusted because of his title. Nakita ko rin ang pagdaan ng galit sa kaniyang mga mata ngunit agad din itong nawala.
"Siya nga pala. Paano iyong mga white roses sa hardin ng lumang palasyo niyo? Ikaw ba ang nag-aalaga noong wala pa ako sa palasyo na 'yon?"
"Yeah. It's her favorite."
"Your mother's favorite?" I asked.
Umiling siya at muli ko na namang nakita ang pagdaan ng galit na may kasamang sakit sa kaniyang mga mata. His jaw clenched.
"Nah. Someone's special to me. But, she's gone." malamig niyang sagot at nanahimik na.
He has someone special to him. But she's gone? Is she dead? Is she the reason why he doesn't want to get married?
Kahit na maraming tanong sa utak ko ay mas pinili ko na lang na manahimik. Naramdaman ko ang pagbabago ng mood sa pagitan namin kaya mas mabuting wag na lang akong magsalita. At baka may masabi pa akong ikakagalit niya.
Mahaba ang naging biyahe namin. Kahit ni isa ay walang nagsalita sa 'min. Nakapikit lang siya at tahimik. Habang ako ay unti-unting kinakain ng antok.
Nagising na lang ako nang maramdamang nakatigil na ang limousine na sinasakyan namin. Pagdilat ko ng mga mata ko ay hindi ko nakita si King Gustav. He already went out?
Maya't maya ay bumukas ang pinto ng limousine at dumungaw doon si King Gustav.
"You're awake. You can come out now. We've arrived." he said.
Tumango naman ako at tinanggap ang kamay niyang nakalahad sa harapan ko. Nang tuluyan akong makalabas ng sasakyan ay agad akong namangha sa aking nakita.
"Wow..." mahinang saad ko nang makita ang napakalaking palasyo sa harapan namin. Hindi ito luma tignan. Sa tingin ko ay isa itong modernong palasyo.
Nilibot ko ang tingin sa paligid. Ang tataas ng mga puno. May malaking fountain sa gitna at malaking statwa sa gitna. Presko at mabango ang hangin. Amoy kalikasan.
Ito ang palasyo kung nasaan ang pamilya ni King Gustav?
Bigla akong nakaramdam ng kaba at takot. Sino-sino kaya sila? Mababait ba sila? Hindi ba sila malupit sa tagasilbi na kagaya ko?
"This is our main palace. And this is where my family lives." saad ni King Gustav.
"Welcome to Kingdom of Therondia, Liyana." King Gustav added.
I gasped in awe. This is his kingdom.
Therondia.
BINABASA MO ANG
The King's Little Maid
General FictionThe Royalties 1: The King's Little Maid ... Your Majesty is obsessing over his little maid.