Blood
Another nightmare woke me up from my deep slumber. I deeply sighed.
Nang makaramdam ng uhaw ay nagpasya akong lumabas ng aking silid upang magtungo sa kusina. Lahat naman ng ilaw ay nakabukas kaya hindi na ako masyadong nakakaramdam ng takot. Hindi ko lang gusto ang pagiging tahimik ng paligid.
Nang marating ko ang kusina ay agad akong kumuha ng malamig na tubig sa loob ng ref. Nilagyan ko ng tubig ang aking baso at agad iyong ininuman. Habang umiinom ay may narinig akong ingay.
"Damn it."
Bahagyang nagsalubong ang kilay ko. Sinulyapan ko ang malaking orasan na nakasabit sa pader ng kusina at nakita kong pasado alas tres na ng madaling araw.
"I'll fucking hunt them down. Fuck this!"
Napaigtad ako nang may marinig na parang nabasag na bagay na sa palagay ko ay inihagis nang kung sino man. Kilala ko ang boses na iyon. King Gustav?
Mas lalo akong binalot ng takot nang marinig ang sunod-sunod na pagkabasag ng mga gamit. Wait.
Nagwawala ba siya? Anong nangyayari sa kaniya?
Sa living room nagmumula ang ingay kaya sigurado akong naroon siya.
Nang makarating sa living room ay napatigalgal ako sa aking nakita.
Ginala ko ang aking mga mata sa loob ng living room. Sobrang kalat. Lahat ng mamahalin at babasaging vase ay wala na sa dati nitong lalagyan. Nakatumba rin ang isang royal sofa at wala na rin sa ayos ang ibang mga gamit.
Sunod na dinapuan ko ng tingin ay ang lalakeng nasa kabilang sofa. Nakaupo habang nakasandal ang batok nito sa headrest ng sofa. Nakapatong ang kanang braso niya sa kaniyang mata. At nagtataas-baba rin ang kaniyang dibdib.
Hindi ko mapigilang ilakbay ang mga mata ko sa kabuuan niya. Bahagya akong napaatras nang makita ang mga mantsa ng dugo sa puting polo sleeves na suot niya. He's bathing with blood!
Naramdaman ko ang panginginig ng buong katawan ko nang makita ko ang maraming dugo. I hate blood...
Kahit punong-puno ng mga sugat ang aking buong katawan, sinikap ko pa ring bumangon habang hawak ang aking tiyan. Halos hindi ko na makilala ang aking sarili.
"A-anak, itatakas kita r-rito.." Nanghihinang bulong ko habang sinisikap na tumayo.
Kahit alam kong imposible ang makatakas ay susubukan ko.
I can see my whole blood scattered on the cold floor. Patuloy na umaagos ang mga luha ko habang sinusubukang tumayo. Ngunit bago pa ako tuluyang makatayo ay naramdaman ko ang malakas na paghampaa ng latigo sa aking likod dahilan upang mapasalampak akong muli sa semento.
"Aaaaaahh" I screamed because of too much pain coming from my wounds.
"Aaaaaaaah!" Sigaw ko nang muli ko na namang maramdaman ang pagdikit ng latigo sa balat ko.
"L-Lincoln! P-parang awa muna! Tulungan mo k-kami!" Malakas na iyak ko habang dinadama ang bawat paghampas ng latigo.
"P-please... patigilin mo sila..." I whispered.
Halos mawalan na ako ng boses nang dahil sa walang tigil na pag-iyak at pag-sigaw.
Mariin akong napapikit nang makaramdam ng pagsakit sa puson ko. Hindi ito ordinaryong sakit lang. Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko nang maramdaman ko ang pagkabasa ng gitnanh bahagi ng katawan ko.
"Hindi... hindi pwede..." Umiiyak na bulong ko.
"Anak, wag muna please, wag mo muna akong iwan..." I cried while trying to stand up. Hinimas ko ang tiyan ko habang bumubulong sa aking anak.
"Ayoko... wag muna..."
Napakuyom ako sa aking palad nang makaramdam ng panibagong hampas sa aking likod.
Mas lalong nadurog ang puso ko nang may panibagong dugo na dumaloy sa malamig na semento. And I know where it came from... that moment I knew, I lost my life and my strength. I lost my baby.
"Aaaaaaaahhh!"
Nanginig ang buong katawan ko nang makita ang mga kamay kong duguan.
Napasalampak ako ng upo sa malamig na sahig habang pinagmamasdan ang mga kamy kong puno ng dugo. Saan 'to nanggaling? Ba't may mga dugo?
"What are you doing here? You're supposed to be sleeping at this hour."
May nakita akong pares ng sapatos na tumigil sa harapan ko. Unti-unting bumalik sa isipan ko ang walang emosyon niyang mukha.
"Wag kang lumapit..." Nanginginig ang labing saad ko sa lalakeng nasa aking kaharapan.
Lumuhod ang lalake sa aking kaharapan kaya ngayon ay kitang-kita ko na ang kabuuan ng kaniyang mukha.
Lincoln.
"What's happening to you, woman? Are you drunk?"
Nang tangka niya akong hahawakan ay hinampas ko ang kaniyang kamay gamit ang aking kanang palad.
"What the fuck?!" Mariing mura ni Lincoln. "What the fuck is your problem, woman?"
"I said don't touch me!" I shouted in anger.
Sunod-sunod na pumatak ang aking luha. Bakit siya nandito? Is he here to kill me?
"L-Lincoln, don't kill me please..." I begged.
Nakita ko ang pagdilim ng kaniyang mga mata.
"Who the fuck is Lincoln? Is he your lover?" He coldly asked.
"Ang sabi mo p-protektahan mo 'ko!" Mas lalo lang akong naiyak nang maalala kung paano niya ako baliwalain. Naalala ko kung paano niya ako titigan gamit ang walang emosyon niyang mga mata.
"What the hell are you saying, woman?"
Mas lalo lang lumakas ang iyak ko.
"I ruined myself because of loving you." I whispered. "Ang sabi mo mahal mo 'ko, pero bakit mo 'ko pinabayaan."
"Ba't mo 'ko hinayaang masaktan? Bakit, Lincoln?" Mahinang hikbi ko.
Naramdaman ko ang mainit na kamay na humaplos sa 'king basang pisngi. Nang inangat ko ang aking ulo ay nawala ang imahe ng lalakeng kinamumuhian ko at napalitan iyon ng imahe ng lalakeng nagligtas sa 'kin mula sa kamatayan.
"Y-your majesty..."
Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagtaas ng dulong bahagi ng kaniyang labi.
"You recognized me now, huh." He uttered.
He wiped my tears using his thumb without tearing his gaze on me. "If I were him, I wouldn't let a girl like you cry like this."
Sunod-sunod na pumatak ang luha ko nang marinig ang mga katagang iyon mula sa mga labi niya. Bakas ang kaseryosohan sa kaniyang mukha.
"Do you want me to hunt him down for you? Hmm?"
BINABASA MO ANG
The King's Little Maid
General FictionThe Royalties 1: The King's Little Maid ... Your Majesty is obsessing over his little maid.