Safe
My past kept on pestering me in the middle of the night. Gabi-gabi ay tahimik akong umiiyak habang inaalala ang masalimuot kong nakaraan. No matter how hard I try to forget my painful past, I can't. It's not easy to forget a painful event in my life lalo na't ganoon kabigat ang napagdaanan ko. I can't forget, but I have to take a step forward.
King Gustav and I never had a conversation since last week. Nakikita ko lang siya sa hapag, kapag pagsisilbihan ko siya pero hindi kami nag-uusap. Tatayo lang ako sa tabi at hihintayin siyang matapos kumain. Kapag tapos na siya'y saka siya tatayo at tahimik na lilisanin ang dining hall.
Ngayon ay kasalukuyan akong nasa malawak na hardin at tahimik na pinagmamasdan ang mga bulaklak.
No matter how beautiful a flower is, at the end of the day, it will wither. Ngunit kahit na nalanta o namatay man ito, nakatatak na sa mga taong nakakita kung gaano ito kaganda. They will never forget its beauty.
I deeply sighed.
I just hope my family still remembers me even if they think that I'm already dead. I hope they're doing fine.
Napag pasyahan kong pumasok na sa loob at magpatuloy sa mga dapat kong gagawin. Dahil mag-isa lang ako sa palasyo, ako lahat ang gumagawa ng lahat. Hindi ko naman malilinis ang lahat sa palasyo sa loob lang ng isang araw kaya ginagawa ko lang ang sa tingin kong kaya kong tapusin.
King Gustav left early in the morning. Hindi ko alam kung saan siya pumupunta sa tuwing umaalis siya. Isang malaking katanungan talaga sa 'kin kung bakit mag-isa lang siya sa napakalaking palasyo na ito.
Naging mabait sa 'kin si King Gustav. He saved my life. He has given me another chance to live. I'll always be grateful for that. Kung kailangan ko siyang pagsilbihan buong buhay ko ay gagawin ko upang masuklian ang lahat ng mabubuting bagay na nagawa niya sakin.
Sumapit na ang dis oras ng gabi ngunit hindi pa rin nakakauwi si King Gustav. Hindi ko tuloy mapigilan ang makaramdam ng pag-aalala. Sa katunayan nga ay gabi naman talaga siya umuuwi, kadalasan ay madaling araw pa kaya dapat masanay na ako.
I deeply sighed before closing the giant doors, but left it unlock. Paniguradong uuwi naman siya.
Nagdesisyon na akong tumungo sa kwarto ko at matulog para na rin makapagpahinga dahil na rin sa sobrang pagod sa mga gawain dito sa loob ng palasyo.
Nakaramdam na rin kasi ako ng takot lalo na't ako lang ang mag-isa sa palasyo kaya gusto kong magkulong na agad sa aking kwarto.
Nang makapasok sa loob ng kwarto ay agad akong dumiretso sa banyo upang maglinis ng katawan at makapagpalit ng pantulog.
At nang matapos sa pagbibihis ay agad akong humilata sa kama at ipinikit ang mga mata. Mabilis rin akong kinain ng antok dahil sa sobrang pagod.
Mabilis kong iminulat ang mga mata ko nang makarinig ng malakas na kalabog mula sa labas. Binuhay ko ang lampshade na nakapatong sa maliit na lamesa. Tinignan ko ang oras at nakitang alas tres na ng madaling araw.
Ngunit muli akong ginulat ng malakas na kalabog. Unti-unting binalot ng takot ang buong sistema ko kasabay nito ay ang pagbabalik ng masakit na alaala ng nakaraan.
Halos mapatalon ako sa gulat nang may makakas na kumakatok sa pinto ng aking kwarto. Sumiksik ako sa aking kama habang nakakapit sa makapal na kumot. Naramdaman ko rin ang panginginig ng aking mga kamay pati na rin ng mga tuhod ko dahil sa sobrang takot.
Sinong kakatok sa kwarto ko ng ganitong oras? Si King Gustav ba? Andito na ba siya?
Tuluyan na akong napaluha nang mas lalong naging agresibo ang pagkatok ng kung sino mula sa labas. I covered my ears and closed my eyes tightly.
"Tama na... pakiusap..."
"Ayoko na... tama na..." I pleased when kept hearing those horrifying knocks. I am trembling. Natatakot na ako.
Hindi si King Gustav ang nasa labas. Panigurado ako doon. Someone entered the palace!
Anong gagawin ko? Tuluyan na bang matatapos ang buhay ko dito? Hindi ba talaga ako pwedeng maging masaya? All I want is to earn money for my family. But I ended up being tortured and even the person I loved attempted to kill me. I know that it's my karma for what I've done.
But what about now? Hindi ba ako karapat dapat na mabuhay at magkaroon ng pagkakataon na itama ang mali ko? Am I really going to die this time?
Mas lalo akong napaiyak nang marinig ang malakas na pagkawasak ng pinto. May sumipa sa pinto! Nakapasok siya sa kwarto ko!
I covered myself using my hands, thinking that this is the only way to protect myself. Mas lumakas ang iyak ko nang marinig ko ang mga yapak ng kung sino. Lumalapit siya upang patayin ako.
"Wag... pakiusap... maawa ka..." I pleaded hard.
Ayoko pang mamatay. I still want to see my family. I want to go home to them. I don't want to die.
"Wag! Wag! Pakiusap!" agad akong nagpumiglas nang maramdamang may humawak sa aking magkabilang braso. I kept on crying and shouting at him. Pero hindi niya ako binitawwan.
"Hey, calm down," a deep husky voice whispered in my ears.
"Don't kill me, please..." I pleaded while struggling from his grip.
"No. I won't kill you. Please calm down now." he whispered.
Unti-unti akong kumalma nang makilala ang boses na iyon. Luhaan kong tinitigan ang mukha ng lalakeng nasa harapan ko. He's looking at me gently. Nakaigting ang kaniyang panga.
"Gustav." his name naturally rolled down through my tongue.
"Yes, it's me. Don't be scared now. I'm here." his assurance made me cry endlessly.
Nakita kong sinulyapan niya ang nanginginig ko pang mga kamay. I saw the glint of anger in his eyes when he hold both of my hands to stop it from trembling.
"Fuck. You're trembling." he uttered while gritting his teeth.
"Gustav..." I called his name. Bumalik ang mga mata niya sakin. I felt his palm wiping my tears away but my tears kept on falling.
"I'm sorry. I almost got late. Fuck." He cursed.
Titig na titig siya sakin habang pinupunasan niya ang mga luha ko. Iba't ibang emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya pero mas nangingibabaw ang galit doon. Galit sa kung sino.
"I'll just carry you. We're leaving this place now." he informed while looking straight into my eyes.
Bahagya akong napasinghap nang yumuko siya at hinalikan ako sa noo. Tila bulang nawala ang lahat ng takot sa aking sistema nang dahil sa halik na iyon.
"I won't let anyone harm you. I promise that." he said those words with full of sincerity.
And suddenly, I felt something weird inside me. Something I've never felt before.
BINABASA MO ANG
The King's Little Maid
General FictionThe Royalties 1: The King's Little Maid ... Your Majesty is obsessing over his little maid.