Chapter Six

107 14 11
                                    

Chapter dedicated to @kookiemonster ang first ever costumer ng Grapic Shop ahahaha, first friend ko na rin na hindi ko kilala in person here in wattpad XD. So here's chappy 6 enjoy reading :)

- - -

Samantha Alexis Go's Point of View:

"Seryoso Kevs? Dito ka na talaga? As in? Walang halong biro? Totoo talaga? Dito ka na?" pang-isangdaang beses ko na atang naitanong sa kanya 'yan pero hanggang ngayon hindi parin madigest ng utak ko yung sinabi nya.

"Seriously Samantha? Kanina ko pa sinasabi sayo na , Oo totoo yun walang halong biro seryoso ako na hindi na ako babalik ng Canada. Dito na ulit ako magaaral, anong mahirap intindihin dun?" medyo halata ko sa mukha nya yung pagkairita kaya napangiti nalang ko sabay peace sign. Nahihirapan kasi talaga akong paniwalaan na dito na talaga ulit sya magaaral, kasi huli nyang sinabi yan last year at nung sinabi nya yun yu narin yung huling beses na nagkausap kaming dalawa at naulit lang ulit yung paguusap namin nung pasko.

Nandito kami ngayon sa salas, yung anim ayun nandoon sa entertainment room movie marathon 'daw'nasasabi kong daw kasi mukhang di naman talaga sila nanonood ng movie, parang kaming dalawa ni Kevin yung pinapanood, napapansin ko yug kasi kada limang minuto isa sa kanila yung lalabas tapos may kung ano anong gagawin.

At kagaya nga ng sabi ko, kada limang minuto lumalabas sila. Eto nga, at si Storm at nasasabi ko na talagang pinapanood nila kami kasi si Storm masyadong halata, panonoorin na nga lang kami babangga pa sa corner ng table na malapit samin. Maya maya pa kinalabit ako ni Kevin.

"Ako lang ba o talagang binabantayan nila tayo?" oh, see? Hindi lang ako ang nakakahalata. Nagkibit balikat nalang ako bilang sagot sa tanong nya kaya ganon na rin ang ginawa nya.

Makalipas ang isang oras, tinawag na kami nila Santi para kumain na. Kaya naman pumunta na kami sa dining, and yo my surprise lahat sila tahimik. Tahimik akong nagpunta sa upuan ko, uupo na sana si Kevin sa tabi ko pero inunahan naman sya ni Storm.

"Dun ka pre." sabi ni Max sabay turo sa upuan sa gitna nila Oliver at Santi. Seriously? May mali talaga ee.

Wala namang nagawa ang kawawa kong bestfriend, umupo nalang sya sa gitna ng dalawang..Ah, basta. Tahimik kaming kumain.

Oo tahimik, literal na tahimik. Tahimik na kahit sila Max at Storm ee hindi nagsasalita. Kaya naman nagsalita ako, at tinanong sila..

"Oy kayong anim, anong problema nyo? Bat ang tatahimik nyo? Para kayong dinaanan ng isang daang anghel sa sobrang tahimik." paglasabi ko nyan nagkatinginan silang anim sabay.. "Oy Max pre, napanood mo na yung insidious? Yung 3? Ang ganda pre, sulit." biglang sabi ni Storm kay Max, seriously?

"Ah, Oo pre, napanood ko na yang kasama ko si Kyzer non ee, ang ingay pa nga ng katabi namin sa sinehan non." sagot naman sa kanya ni Max, napatingin naman ako kay Kyzer na parang di pa makuha yung pinagsasabi ni Max, pero maya maya napansin kong napaaray sya ng konti tapos sinamaan nya ng tingin si Max, nung tiningnan ko naman si Max pinanlalakihan pa nya ng mata si Kyzer.

"A-h! Oo nga pala, ha-ha, nanood nga pala tayo non nung isang araw, grabe di naman nakakatakot nakakagulat lang ee." pagkasabi ni Kyzer nyan si Max naman yung umaray.

Napaikot ko ang dalawa kong mata ng wala sa oras, like seriously? Kahit kelan di ko pa nakitang manood ng nakakatakot si Max, lalong lalo naman si Storm, ee duwag yang mga yan ee. Si Kyzer naman, di ko nakitang nanonood yan ng mga ganyang klase ng pelikula lalo na pag yang dalawang yan ang kasama kaya halatang halata na nagsisinungaling at gumagawa lang sila ng dahilan.

Napatingin naman ako doon sa tatlo pa, si Oliver, Santi, at Ivan. Si Santi at Oliver as usaul tahimik lang, si Ivan nung sya na yung tiningnan ko bigla nyang kinuha yung cellphone nya sa bulsa nya sabay sabing "Sagutin ko lang." isa rin to ee,kagabi lang kitang kita namin na itinapon nya yung sim nya kasi meron nanaman daw na 'hindi nya kilalang babae' ang paulit ulit na tumatawag sa kanya, kaya paanong magkakaron ng tumatawag sa kanya ngayon kung wala naman syang simcard? Nagkatinginan nalang kaming dalawa ni Ivan sabay iling. Hay nako talaga tong anim na to..

Living With Them ( Staring EXO-K)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon