Chapter Five Part Two: Dedicated to @jhane_0001 thanks for reading my other stories aside to MCF (My Childhood Friend) hope you like it. :) Enjoy reading!
Natahimik naman si Ivan sa biglaang pagsigaw ni Samantha, habang si Samantha naman ay ipinagdasal nalang na sana walang magising sa sigaw nya lalong lalo na si Santi.
"Oy, bat ka umiiyak dyan?" Takang tanong ni Ivan na may halong kaba at gulat.
"Bwisit ka kasi! Para kang tanga na sobrang tahimik kaninang umaga tapos ngayon uuwi uwi ka ng ganyan yang itsura mo! Leche! Pinagaalala mo ako!" Tuloy tuloy na sabi ni Samantha na lalong nagpabilis ni Samantha. 'Nagaalala sya sakin' sa isip isip ni Ivan.
"N-nagaalala ka?"
"Sino ba namang hindi Ivan?! Halos isang taon na kitang kasama dito sa bahay naging close.na rin kita. Para na nga kitang kuya ee tapos bigla ka nalang magkakaganyan?" dahil sa sinabing yan ni Samantha, muling nawala ang pagasa ni Ivan na baka sakaling magugustuhan na sya ni Samantha.
'Kapatid, kapatid ang turing nya sakin.' sa isip ni Ivan.
- -
Samantha Alexis Go's Point of View
Natapos ang pasko ng maayos, bagong taon naman, pero hanggang ngayon di pa rin kami ayos ni Ivan. Hindi ko alam kung anong problema nya kasi hindi na kami madalas magkausap, kung magkakausap kami labas yun sa'ming dalawa, katulad nalang ng 'Nakita mo ba si Max?' 'Pakisabi kay Santi di agad ako makakauwi' 'Guys meet my new girlfriend' at yung huling line, believe me or not, nakakailang dala na sya ng babae dito simula nung gabing ginamot ko sya sa mga pasa nya. Mga nasa lima na ata? Madami na yung lima diba? Kasi tayong mga babae, di tayo iniipon at pag inipon tayo MADAMI na yun.
"Problema mo Max?" rinig kong sabi ni Oliver kay Max kaya napatingin rin ako sa pwesto ni Max. Para syang di mapakali na ewan, lumapit ako at doon ko lang napansin na pinagpapawisan sya. Medyo namumutla rin yung labi nya.
"Oy Max! Anong nangyari sayo?" tiningnan ako ni Max, tapos tumingin sya doon sa chips na nasa table kaya napatingin rin ako, at halos lumuwa yung mata ko nang makita kung anong flavor non. "Gaga ka!! Sino naman kasing nagsabi sayong kumain ka nyan? Alam mo namang alergic ka sa seafood!" kung wala lang sya sa gantong kalagayan baka kanina ko pa sya pinagbabatukan ee!
"Nasan yung gamot mo?" Hindi makapagsalita ng maayos si Max kaya tumingin nalang sya kay Oliver, mukhang nakuha naman ni Oliver kaya umakyat sya sa kwarto ni Max, ako naman pumunta akong kusina para kumuha ng maiinom na tubig, pagbalik ko sa salas nandoon narin si Oliver dala dala yung gamot ni Max sa alergy. Binigay ko kay Max yung tubig tapos ininom na nya yung gamot nya. Ilang minuto lang, medyo nawala yung pamumutla nya.
"Sino ba kasing bumili ng seafood flavor?! Diba sabi ko wag nang bibili non? Gusto nyo bang maulit uli yung nangyari kay Max?" Sabi ko dun sa lima pang nandon. May isang beses narin kasing nakakain si Max ng seafood, that time di pa namin alam na allergic sya doon, nalaman lang namin yun nung sinabi nyang di sya makahinga. Nagcollapse sya nun kaya dinala agad namin sya sa ospital, then doon nga naconfirm na allergic sya sa seafood.
Natahimik silang lahat, sabay tingin kay Santi na busy sa pagtitig sa sahig. Tapos nang mapansin nyang tahimik lahat, tumingin sya samin.
"Oh? Bat sakin kayo nakatingin? Hindi ako." pokerfaced nyang sabi.
"Sino bang naggrocery ngayon? Diba kayo ni Storm?" tanong ko, at doon lang pumasok sa utak ko kung sinong mahilig sa seafood flavors dito sa amin. At mukang nakuha rin yun ng lima kaya dahan dahan kaming napatingin kay Storm na tumatakas na.
"STORM!!!!"
-
"Sam naman, ayoko na pagod na ko."reklamo ni Storm habang naggugupit sya ng damo sa garden. Yan ang parusa nya sa paglabag ng isa sa mga rules ng bahay. Tsk, hindi marunong sumunod. Pero para mas mahirap, ang binigay ko sa kanyang panggupit ee yung normal na gunting lang, yung ginagamit sa school.
"Magtiis ka dyan, kasalanan mo kung bakit nakakain ng ganon si Max, kasama na nga yun sa rules dito sa bahay hindi mo pa sinunod. Ngayon magtiis ka dyan." masungit kong sabi sa kanya sabay cross arms. Sila Kyzer ayun, walang tigil ng tawa, pinicturan pa nila si Storm tas ipopost daw mamaya sa twitter ni Storm. Mga pasaway.
Napatingin ako kay Ivan bigla, sa anim sya yung pinakakasundo ko, pero ngayon parang layo na nya. Ni hindi ko sya makausap, kumbaga sa bestfriend pangalawa sya. And speaking of bestfriend, hayst si Kevin hindi pa nagpaparamdam, kainis. Huli ko syang nakausap nung sinabi nyang pupunta sya dito sa bagong taon, tapos hindi pa sigurado. Ganon ba sya kabusy ngayon? Nakakatampo, ni tawag wala.
Nawala sa ako sa pagiisip kay Kevin nang biglang magvibrate yung cellphone ko. Tiningnan ko kung sino, 'Facebook Notification' 'Mr. Poker messaged you'.
"Mr poker." bulong ko, medyo nawala sya sa isip ko kasi these past days si Ivan laman ng utak ko, kung bakit di nya ko pinapansin, kung ano nanamang problema nya sa mundo, kung anong klaseng nilalang nanaman ba sumapi sa kanya at nagkakaganyan nanaman sya. Kaya eto ngayon, ang dami ko na palang messages, emails, ect. hindi ko manlang nakikita.
Mr. Poker : Hi Sam, advance happy new year sayo. Haha, wala lang. Siguro naman ako yung unang tao na nakabati sayo diba? Kung meron man na mas nauna, sino ha? Uupakan ko. Haha biro lang, malapit na matapos holiday break. Makikita na ulit kita :D excited na ko haha.
What? Makikita nya ulit ako? So that means..
Me: Schoolmate kita?
Mr. Poker: Yes, same year, magkaiba nga lang ng course. Photpgraphy ako. Diba management ka? Haha, sorry kung may pagka stalker ako minsan, di ko mapigilan ee.
Me: Its okay. Ahm, hindi ba talaga kita-
Incoming call Mr. Poker
Naputol yung pagtatype ko ng sasabihin sa kanya kasi bigla syang tumawag. Hindi na naman ako magdalawang isip at sinagot ko rin malay nyo, mamukaan ko yung boses, o edi nalaman na kung sino tong mysterious poker man.
"Hello?" sagot ko, tahimik sa kabilang linya. Pinakikiramdaman ko, pero parang wala talagang balak magsalita. Kaya naman ako nalang ulit yung nagsalita.
"Ahm, Mr. Poker, gusto ko talagang makilala kung sino ka. Hindi naman ako magagalit, basta gusto ko lang na makilala ka personal itsura at pangalan." Dahan dahan kong sabi sa kanya, one, two, three, four, five seconds walang nagsalita, six , seven hanggang sa naging one minute wala paring nagsasalita!
"Pipi ka ba? Bat ayaw mong magsalita?" tanong ko sa kanya, nakarinig ako ng mahihinang tawa, meaning hindi lang sya nagiisa ngayon. Parang bigla akong nakaramdam ng hiya kaya naman pinatay ko yung tawag (Talk about manners). Eh sa nihiya talaga ako ee.
Mr. Poker: Sorry kung di ako makapagsalita kanina, haha gusto ko man pero makikilala mo agad ako pag ginawa ko yun. Di pa ko handang magtapat sayo.
Magrereply na sana ako sa kanya nang bigla naman akong tawagin ni Max at sinabing may naghahanap daw sa akin sa labas.
"Sino daw?" Tanong ko sa kanya, nagshrug lang sya at sinabing hindi daw nya kilala basta daw lalaki, na mukhang babae. And by that, alam ko na kung sino yung tinutukoy nya kaya naman dali dali akong tumakbo papunta sa may gate. Hindi nga ako nagkamali kasi pagdating ko doon, naabutan ko si Kevin na ang laki laki ng ngiti.
"Kevin!!!" sigaw ko tsaka ko binuksan yung gate tapos sinugod ko sya ng isang mahigpit ma mahigpit na yakap, yung parang hindi kami nagkita ng isang dekada haha. Niyakap rin naman nya ko pabalik.
"Namiss mo naman ata ako masyado Sam haha." Sabi nya, hindi ako nagsalita kasi totoo naman. Miss na miss ko tong unggoy kong bestfriend na mukang babae haha. "Hey, may good news ako." sabi nya kaya napatingin ako sa kanya.
"Ano yun?"
[End of Chapter Five]
BINABASA MO ANG
Living With Them ( Staring EXO-K)
Ficção AdolescenteSamantha Alexis Go - Isang simpleng babae, pero mang dahil sa pagkakatagpo sa kanya ng kanyang mga tunay na magulang, Yung simpleng babae, Naging ekstra ordinaryong babae.