Samantha Alexis Go's Point of View:
Nakahinga ako ng maluwag nang maramdaman kong wala na si Ivan sa tabi ko. Nakapikit ako kaya hindi ko alam kung sino yung pumasok. Pero kung sino man sya, nagpapasalamat ako sa kanya dahil kung hindi dahil sa kanya baka kung anong klase ng ilangan pa ang mangyari sa pagitan naming dalawa ni Ivan. Hindi na nga kami nagkakausap lagi dadagdagan pa ba ng ilangan?
-kinaumagahan-
"Sam." nagising ako nang makaramdam ako ng nahinang pagyugyog sa balikat ko. Nang idilat ko ang mga mata ko si Max ang bumungad, sa kaliwa nya nandoon naman si Storm na may hawak na tray na may lamang pagkain. "Kain ka na, di ka pa kumakain simula pa kagabi." sabi nya habang nilalagay sa lamesang nasa tabi ko. Bugla namang pumasok si Kyzer na wala manlang katok sa pinto, dirediretso lang. Tsk, kahit kelan talaga tong lalaking t...
"Aray ko naman! Problema mong unggoy ka?!" ang akala ko pag ganitong may sakit ako kahit kapiranggot babait tong unggoy na to ee ganon parin pala! Babatuhin lang pala ako. Sinamaan ko sya ng tingin, pero imbis na makipagtitigan pa tumalikod nalang sya. "Wala ka nang stock nyan kaya bumili na ko." sabi nya sabay labas ng kwarto ko, napakunot naman ang noo ko. Stock ng ano?
Tiningnan ko yung paperbag na itinapon nya, binuksan ko yun at halos umusok na yung pisngi ko sa hiya. Pero napangiti rin ako, akalain mo ba naman kasi na si Kyzer na balahura ang ugali ee maiisipang ibili ako ng napkin.
"Kain ka na." napatingin ulitbako kay Storm na nakangiti. Napansin ko lang na parang iba yung ngiti nila, kilala ko yung ngiti ng dalawang yan, pag masaya, pag may problema, pag may pinaplanong kalokohan at pag malungkot. At ngayon sa tingin ko dun sila sa pangalawa.
"Ah Sam, aalis pala kami ni Max. Matatapos na holiday, may project kaming tatapusin. Baka gabihin din kami. Nandito naman sila Oliver ." sabi ni Storm. Tinanguan ko nalang sila. Pagkatapos kong kumain kinuha na nila yung pinagkainan ko tsaka sila lumabas at nagpaalam na aalis na. Pagkaalis nila nagpahinga muna ulit ako ng kalahating oras pa bago tumayo para magayos ng sarili, kinuha ko na rin yung napkin na binigay ni Kyzer kanina. Medyo nawawala narin yung sakit ng ulo ko at kaya ko na rin naman sigurong gumawa.
Pagkatapos kong maligo, bumaba na agad ako. Kaso ni isa sa anim wala akong naaabutan.
"Nasan yung mga yon?" bulong ko nang makarating akp sa sala. Pumunta ako ng kusina para kumuha ng tubig. Kaso nung pagpunta ko sa harap ng ref naabutan ko doon yung tatlong na sticky notes.
Santi: Sam, kung nagugutom ka nagluto ako ng baked mac. Nasa ref, initin mo nalang mamaya.
Oliver: Baka gabihin na kami ng uwi, pinapatawag kami ni Tito Alex. May sasabihin lang daw.
Kyzer: Oy pandak, ang pangit mo, ang gwapo ko, wala lang, nakigaya lang. Nakita kong may post it notes ee kaya nagsulat din ako. Di ako makakauwi, may pupuntahan akong importante.
Napapangiti na sana ako sa mga sinulat nila kaso nabasa ko yung kay Lyndon. Bwisit talaga, kahit pagsulat nya nakakainis. Wala ba syang alam sa mundo kundi inisin ako?
Ang iniisip ko lang talaga yung kay Oliver. Ano naman kayang sasabihin kanya ni Daddy? Ang alam ko nga nasa Baguio si Papa, ano yun? Papupuntahin pa niya si Oliver doon para lang sa paguusapan nila? Maliban nalang kung sobrang importante non.
"Baka business lang." bulong ko nalang at kumuha na ng tubig. At tsaka dumiretso ulit sa Sala. Naninibago ako, sobrang tahimik. Ngayon lang tumahimik ng gantobsa bahay, madalas kasi sobrang ingay. Nakakapanibago parin pala na walang Max at Storm ang nagiingay dito sa bahay, si Santi na umiingay dahil sa kakasaway dun sa dalawa, si Oliver na may sariling mundo na wala nang ibang ginawa kundi magbasa ng libro nya. Si Kyzer, na sari sari ang trip at si..
"Uy Sam! Wala parin ba sila Santi?"
"Ay Ivan!" halos maoatalon ako sa sobrang gulat nang biglangvsumulpot sa likod ko si Ivan. Nang lingunin ko sya, mukha rin syang nagulat sa nasabi ko. Pero yung gulat nya napaltan ng nakakalokong ngiti.
"Uy, Ivan daw. Iniisip mo na ko Sammy?" pagkasabi nya nyan dinampot ko agad yung throw pillow na nakalagay sa sofa na malapit sakit at hinampas sa mukha nya dahilan para mapaaray sya. Magsasaluta pa sana ako nang mapatingin ako bigla sa labi nya. Then suddenly, bumalik nanaman sa utak ko yung kagabi.
Otomatikong napatakbo agad ako papunta sa kwarto ko na parang baliw. Pagkapasok ko isinarado at ini-lock ko kaagaad yung pinto.
"Bakit ba ako tumatakbo? Ano naman? Hindi naman natuloy yung kagabi diba? Ano naman kung makaharap ko sya ngayon? At higit sa lahat.." napaharap ako sa whole body mirror na nasa tabi ko. "Bat namumula ako?!!"
Ivan France dela Flores' Point of View:
Napangiti nalang ako sa ginawang pagtakbo ni Samantha. Naalala ko nanaman tuloy yung ginawa ko kagabi. Pag wala syang malay doon lang ako nagkakaron ng lakas ng loob na magtapat ng nararamdaman ko sa kanya. Kung hindi pa siguro pumasok si Kyzer kagabi para sabihin sakin na tumatawag si Mama..Naituloy ko na yung dapat sanang gagawin ko.
And speaking of..Tumatawag si Mama.
"Ma."
"Son, we really need you here. Nakausap na naman namin si Mr. Go so what's the problem? Isa sa mga pinakamalaking investor natin ang magbaback out pag hindi natin nasunod ang gusto nila. Ayaw mo namang masayang ang pinaghirapan ng pamilya natin diba?" she's really begging me. Kagabi pa, kagabi pa nya ko kinukulit tungkol dyan.
"Ma, ayoko. Ayokong mauwi sa wala ang mga pinaghirapan nyo pero ayoko rin sa kundisyon nila. Kung magbabackout sila then bakit hindi tayo maghanap ng panibagong ivestor? Kaya natin ya--"
"No, pupunta ka dito sa ayaw o sa gusto mo. Aalis ka na sa bahay na yan. You're not longer will be one of them. May mas importanteng bagay na kaylangang unahin. And that is final Ivan." pagkasabi nya nyan, she ended the call. Napabuga nalang ako ng hangin, at napatingin sa pinto ng kwarto ni Samantha.
"Bahala na."
BINABASA MO ANG
Living With Them ( Staring EXO-K)
Ficção AdolescenteSamantha Alexis Go - Isang simpleng babae, pero mang dahil sa pagkakatagpo sa kanya ng kanyang mga tunay na magulang, Yung simpleng babae, Naging ekstra ordinaryong babae.