Samantha Alexis Sebastian Go's Point of View:"Goood Mooooorning!!!!!!" halos atakihin ako sa pusong napabangon ako mula sa pagkakatulog ko nang biglang may sumigaw sa tenga ko, as in mismong sa tenga ko. Tiningnan ko sya ng masama, pero hindi sya nagpatinag.
"Alam mong ikaw na unggoy ka! Konti nalang talaga bibinggo ka na sakin ee." sigaw ko, pero ang lokong Lyndon hindi nagpatinag, tumawa lang ng malakas, at tsaka dinanpot yung unan ko na nasa sahig na at walang pakundangan na inihampas yun sa akin. "Ano ba!!" sigaw ko at tuluyan na nga akong napabangon, kinuha ko rin yung isa pang unan at hinampas sya pabalik.
"Ano ba yan, umagang umaga ang iingay nyo." napatigil lang kami sa paghahampasan nang bumukas ang pinto at pumasok mula doon si Ivan. Na mukhang kakagising lang din. Tinigilan ko naman yung kakahampas kay Lyndon pero nakatingin parin ako sa kanya ng masama, tinawanan nya lang ako at tsaka binelatan. "Bihis ka na, Linggo ngayon bilisan mo sisimba daw tayo." sabi nya, at naglakad na papalabas, pero bigla syang tumigil at humarap sa akin ng nakatawa sabay.."PUN—AHHHH!!!! LAGOT KA TALAGA SAKIN MAMAYANG UNGGOY KA!!" hampasin ba naman ako ng sobrang lakas sa mukha!
"Ano ba yan Lexi, pinaglihi ka ba ni Tita sa megaphone? Pwedeng pwede na kitang gamitin bilang alarm clock ko sa lakas ng boses mo." sabi ni Ivan kaya sinamaan ko sya ng tingin. Itinaas naman nya yung dalawa nyang kamay na parang nagsasabi na suko na agad sya. "Ewan ko sayo." paismid kong sabi sa kanya at tsaka inayos ang pinaghigaan ko.
Napatingin ako sa kanya nang makita kong nakatayo parin sya sa may tabi ng pinto ko, tinaasan ko sya ng kilay. "Ano pang ginagawa mo dyan? Layas na! Magbibihis pa ko!" sigaw ko habang itinutulak sya, at tsaka ko isinara at inilock ng tuluyan yung pinto. Punyemas talaga na unggoy yun, umagang umaga binubwisit ako.
Pumunta na kong banyo, para maghilamos. Pagkatapos ee nagpalit ako ng damit at tsaka bumaba. Para kumain, naabutan ko sila sa sala na nagdadaldalan, si Max at Storm naman dinadale yung mga uwing pagkain ni Ivan.
"Goodmorning." bati nila sakin, kaya napalingon din sakin si Oliver. Na binabasa yung libro na binili namin kahapon. Nginitian nya ko, "Good morning." at tsaka ako binati. Tinanguhan ko lang sya at tsaka ako dumeretso sa kusina para kumain. Hays, pagkatapos namin magsimba ano kayang gagawin? Namimiss ko na si Kevin kaso busy naman daw sya lagi kahit na pakiramdam ko iniiwasan nya lang ako.
Pagdating ko sa kusina naabutan ko naman doon si Santi na nakabihis na pero naka-apron parin. Naramdaman nya ata yung presensya ko kaya naman napalingon sya sakin, "Oh Sam, eto na yung nirequest mo nung isang araw oh. Ramen." sabi nya habang nagsasalang ng Ramen sa mangkok. Lalo naman akong nagutom nang makita ko yun, grabe sobra akong natatakam. Kaya naman agad akong umupo sa upuan ko at tsaka nya ako binigyan ng chopsticks at isang kutsara. Agad ko yung tinikman at huli na bago ko maisip na mainit pa nga pala yun.
Resulta? Halos mapabuga ako sa hapdi ng dila ko. Binigyan naman agad ako ni Santi ng malamig na tubig habang natatawatawa pa ng konti. "Easy lang kasi Sam, alam mo namang kaluluto lang ee." sabi nya habang pailing iling din. Napanguso na lang ako, ano ba naman kasing isubo mo kaagad Samantha. Hay nako.
Nang medyo lumamig na, doon ko na ulit simulang kainin, kaso di ko malasap ng maayos kasi nga, mahapdi parin yung dila ko dahil sa pagkakapaso kanina."Nga pala, bat yata bigla nyo namang naisipan na magsimba? Sininagan ba kayo ng liwanag kanina at nakarinig kayo ng boses na nagsasabing magsimba na kayo?" Pabiro kong sabi, binatukan naman ako ni Santi na natawa dahil sa sinabi ko. Ako naman, imbis na umaray ako sa batok nya dahil may kalakasan iyon ee napatawa nalang rin ako.
"Naisipan lang namin, ang tagal na kasi nating di nagsisimba." sabi nya habang nililigpit yung mga pinaglutuan nya kanina. Napatango nalang ako bago ulit tumingin sa kanya, "Tayo tayo lang ba?" he just smiled at me. Minsan talaga iniisip ko nang nahahawa na si Santi sa mga kaabnormalan ng mg kasama ko.
BINABASA MO ANG
Living With Them ( Staring EXO-K)
Novela JuvenilSamantha Alexis Go - Isang simpleng babae, pero mang dahil sa pagkakatagpo sa kanya ng kanyang mga tunay na magulang, Yung simpleng babae, Naging ekstra ordinaryong babae.