Chapter Four

167 25 18
                                    

Samantha Alexis Go's Point of View:

"Hatid ko lang." nagpaalam samin si Ivan na ihahatid lang yung unknown creature na bigla nalang sumulpot dito habang masaya kami nagsisikainan kanina. Tinanguhan lang namin sya kasi ayaw na naming magsalita, medyo narinig namin yung sigaw ni Ivan ka nina kaya alam naming hindi maganda yung timpla nya ngayon.

"There is something bothering him." rinig kong bulong ni Santi. Tiningnan ko lang sya tapos tumango nalang, Naalala ko tuloy yung dapat sana ee sasabihin ni Ivan sakin kanina bago dumating yung pinadeliver kong pizza.

Nagtuloy tuloy yung pagkukwentuhan namin and guess what? May isang bagay lang naman kaming napagkasunduan ni Kyzer, Literally guys. Talagang nagkasundo kami sa paguusap tungkol sa photography. Mahilig kaming parehas na kumuha ng ibat ibang picture. Biruin nyo yun, may natitira pa palang bagay sa mundo na pwede naming mapag kasunduan na dalawa.

"Hey, Oliver. Tulungan mo ko sa pagluluto sa kusina." rinig kong sabi ni Santi, kaya naman automatikong napunta yung tingin ko sa direksyon ng taong tinutukoy nya, na nasa tabi lang ni Max na nasa tapat ni Kyzer. Nakita kong tumango lang sya tapos inilapag sa coffee table yung libro na hawak nya tsaka agad na tumayo at sumunod kay Santi sa kusina.

"May gusto ka ba kay Oliver?" tsaka lang ako nabalik sa realidad nang marinig ko yang sinabi ni Kyzer na unexpected. Si Kyzer? Really magtatanong ng ganyang mga bagay? At—

At ngayon ko lang narealize yung itinanong nya..'May gusto ka ba kay Oliver?'

"H—ha? Ako may gusto kay Oliver? Wala kaya, ikaw alam mo kung ano anong pumapasok sa kukote mo." sabi ko tsaka mabilis na tumayo at naglakad papunta sa kwarto ko. Dang, ganun ba ko kahalata pag nagkakaron ng crush? Halata ba ko masyado sa mga tingin ko? Naman oh, pano nalang pala kung si Oliver na mismo yung makalata? Anong sasabihin ko? Eh ngayon pa nga lang sobrang matutuliro na ko pag kausap sya, pag itinanong pa kaya nya yan? Baka mamatay ako ng wala sa oras.

Nahiga ako sa kama ko at tinitigan ang kisame kong puti. Hayst, bakit naman kasi ganto yung feeling pag malapit ka sa crush mo? Matutuliro, maeewan, magmumukang engot, nawawalan ng sasabihin, hanggang sa mahalata na ng marami at huli na para itanggi pa, nakakaasar lang ee no?

Napapanguso ako ng wala sa oras sa mga ideyang nagsisipasok sa maganda kong utak, aish naman tigilan na nga yang kakaisip sa mga ganyang bagay nakakairita na. Papikit na sana ako nang magring naman yung cellphone ko kaya naman agad akong tumayo at pumunta sa may study table ko at kinuha ang cellphone ko. Nang tingnan ko kung sino yung tumatawag, unregistered number. Kaya naman medyo nagdalawang isip pa ko kung sasagutin o hindi, hindi kasi talaga ako sumasagot ng mga tawag pag unregistered. Sa huli, napagdesisyunan ko parin na sagutin nalang kasi baka importante yung tawag.

"Hello?"

"Nandyan ba si Samantha?"

"Ah, eto nga po ako. Ako si Samantha, sino po to?"

"Sam Sam." sabi nya kaya medyo napaisip ako, sobrang pamilyar ee. Sino nga bang tumatawag sakin ng Sam Sam? Ah, teka alam ko si K—

"Kevin?!" gulat na sabi ko, narinig ko naman yung mahinang pagtawa nya sa kabilang linya. Wah, si Kevin nga. Si Kevin, sya kasi yung bestfriend ko nung mga panahon na hindi pa ko nakukuha nila Mama at Papa. Hanggang ngayon naman ee, sya parin yung tinuturing kong bestfriend medyo hindi lang kami masyadong nakakapagusap na kasi nagpunta sya sa Canada at talagang nawala yung koneksyon naming dalawa, kahit facebook kasi bigla syang nagdisable ng account.

"Akala ko hindi mo na ko kilala ee. Musta?" sabi nya kaya hindi ko maiwasang maiyak. Mukha namang narinig nya yung kaya nagsalita ulit sya.

"Hey, bakit ka umiiyak?" tanong nya kaya lalo pa kong naiyak pero pinilit kong makapagsalita ng maayos para maintindihan nya.

Living With Them ( Staring EXO-K)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon