Chapter Five

151 28 6
                                    

Samantha Alexis Go's Point Of View:

"Oy sam nandyan ka na pala!" nawala yung iniisip ko dahil sa pagtawag sakin ni Max. Napatingin din yung apat sakin, kaya nginitian ko nalang sila at tsaka bumaba ulit ng hagdan.

"Kanina pa. Nakatulog lang ako kaya ngayon lang bumaba." sabi ko at mabilis kong tinapunan ng tingin si Oliver, mabilis ko ring binawi yun kasi nakita kong nakatingin din sya. Umupo ako sa isang sofa na pang isang tao lang malapit kay Santi. Napansin ata nila na medyo tahimik ako kaya naman nagsalita si Santi.

"May problema ba?" sabi nya, nakatingin din sakin yung apat at hinihintay yung sagot ko. Napatingin lang ako kay Santi, nagdadalawang isip kung sasabihin ko ba yung nasa loob ng utak ko o hindi at pipiliing manahimik nalang. 'Kaso Samantha, pag di mo sinabi hindi mo malalaman yung nasa side nila.'

"Do you guys, want me to back out on this?" sabi ko sa kanila dahilan para kumunot yung mga noo nila, naguguluhang nakatingin sakin at tila nagaantay pa sa susunod kong sasabihin kaya naman nagsalita ulit ako.

"I mean, dito sa argreement na to? Kasi, dahil sakin hindi nyo nagagawa yung gusto nyo. Imbis na nagsasaya kayo at malaya kayo, eto kayo binabantayan lang ako lagi." sabi ko at lahat sila biglang sumeryoso ang mukha, even Max na pinakagulo sa kanila seryoso narin.

"What are you talking about? Kahit naman nandito lang kami sa bahay masaya kami."

"Yeah, mas okay na ko dito na asarin kang pandak kesa naman araw araw kong maririnig yung sigawan nila Mom at Dad."

"Like you, Ginagawa ko rin to para sa parents ko kaya no worries. Ayos lang kami."

"Gusto ko sanang sumagot din kaso, Eto nalang Okay lang ako Sam. Bye may apointment pa pala ako kay Manager, 15 mins late na ko mapapagalitan nanaman ako neto." okay na sana ee, seryoso na silang lahat kaso lang bigla yang sinabi ni Storm kaya naman binato namin sya ng throw pillow kahit kelan talaga panira ng moment tong lalaking to. Habang kami nagkakasayahan isang tao lang ang tahimik, si Oliver.

Bandang alas otso na ng gabi nang tawagin kami ni Santi at sinabing handa na daw ang hapunan namin kaya naman nagpunta kami agad sa dinning at halos maglaway si Max nang makita yung curry sa lamesa.

"Si Storm daw baka umagahin na ng uwi, si Ivan..Nagtext ba sa inyo?" tanong ni Santi, nagkatinginan muna kaming lahat bago sinabing wala kaming natatanggap na text o tawag galing kay Ivan. Bumabalik nanaman sya sa dating sya, walang pakealam sa mga taong nagiintay sa kanya. Okay na naman sya ee, nababawasan na yung pakikipagfling nya ginagawa pa nga nya kong excuse para lang layuan sya ng mga babae nya.

"May problema ba si Ivan?" hindi ko na namalayan na nasabi ko na pala yan ng malakas sapat para marining nilang apat. Pero lahat sila, nagshrug lang.

"Si Ivan ang dapat na magsabi nyan sayo, kasi kami alam na namin kahit di nya sabihin. Pero kung samin ka magtatanong, hindi namin sasabihin dahil unang una sa lahat buhay nya yun at labas kami dun." biglang sabi ni Oliver na ikinagulat ko, ang inaasahan ko kasing sasagot ee si Santi at hindi sya. Tumango nalabg ako sa sinabi nya at ipinagpatuloy ang pagkain, minsan ipinagpapasalamat ko rin na nandito si Max kasama namin, kasi malamamg na kung ganito kaseryoso ang usapan magiging awkward na agad paglatapos kabaligtaran sa kung anong nangyayari ngayon.

"Uy Sam! Alam ko ba kanina nung nasa E Mall kami may nakita kaming babae, kamukang kamuka mo pag nakatalikod. Actually parang may kaparehas kang damit na gaya ng kanya ee, parang lang ah?" umiinom ako ng biglang sabihin yan ni Max at kanda ubo ubo ako nang marinig yan. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano sa pinaggagawa ni Max seriously?

"Iwanan nyo nalang yang pinagkainan nyo dyan mamaya, ako nang bahalang magligpit ng mga yan." sabi ko dun sa apat, tumango lang sila tapos nagtuloy na ulit sa pinagkkwentuhan nila. Umakyat ako sa kwarto ko para masimulan ko na yung pagbabalot ng mga regalo. Ihinanda ko na lahat ng gagamitin ko at naupo sa harap ng study table, binuksan ko yung laptop ko at nog log in sa facebook. Nagplay rin ako ng music, mas gusto ko kasi yung pag may ginagawa ako may music nakakarelax.

Living With Them ( Staring EXO-K)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon