Samantha Alexis Sebastian Go's Point of View:
"The formula in this equation is blah blah blah blah blah blah blah." kanina ko pa pinipigilang wag makatulog sa klase, pero talagang inaantok ako. Kulang ako sa tulog, naman oh.
"Ma'am! Kelangan pong dalhin si Samantha sa clinic masama daw po pakiramdam nya." nagulat nalang ako nang magsalita at magtaas ng kanay si Ivan sa tabi ko at sinabi yan. Nagtataka akong tumingin sa kanya, pero bago pa man ako makapagsalita nagsalita na yung teacher namin. "Okay, Mr. Dela Flores please accompany Ms. Go to the clinic. Then bumalik ka dito, let her rest."sabi nya. Agad naman akong hinila patayo ni Ivan, at lumabas ng classroom.
"Hoy ikaw na bakla ka, anong ka-." pinutol nya agad yung sasabihin ko. "Inaantok ka diba? Then, matutulog ka ngayon haha." nakatawang sabi nya sakin. Di nalang ako umimik, sumunod nalang ako sa kanya, well mapapasunod naman talaga ako sa kanya dahil hawak hawak nya yung kamay ko. Bali parang kinakaladkad nya lang ako. "Yah, let go of my hand. Kaya kong maglakad ng di ka nakahawak dyan." binitawan naman nya yun tas bumusangot, humarap sa nilalakaran habang bumubulong bulong kaso di ko naman maintindihan kaya kinurot ko sya sa tagiliran. "A-aray Sammy. Masakit! May pasa ako dyan!" sigaw nya sakin kaya agad kong nabitawan yung kinukurot ko, di ko naalalang may sugat sya doon. "S-Sorry." hinimas lang nya yung parteng kinurot ko tapos naglakad nalang ng tahimik. Hala? Nagalit ba sya?
Pagdating sa clinic, inasikaso naman kami ng nurse. Sinabi ko naman yung totoo na kulang ako sa tulog kaya medyo sumasakit din yung ulo ko, binigyan nya ako ng gamot. Paalis na sana si Ivan nang magsalita uli ako. "Miss, sya rin po, masakit katawan nya." sabi ko sa nurse nilapitan ko si Ivan at tsaka iniangat yung uniform nya para ipakita yun sa nurse. Nagulat naman yung nurse, at nagtanong kung saan galing yun. "Napaaway lang sya Miss okay lang po ba kung dito nalang rin muna sya?" napatingin naman sakin si Ivan ng nakakunot ang noo. "Miss kaya k-." bago pa nya matapos yung sasabihin nya, tumango nalang yung Nurse at tsaka lumabas ng clinic may pupuntahan daw kasi sya kaya nagmamadali. Pag lalabas na daw kaming dalawa isarado nalang daw namin ng maayos yung pinto at wag hahayaang kung sino sino ang pumasok.
"Tulog ka na." seryosong sabi sakin ni Ivan. "Huy, galit ka ba? Sorry na nakalimutan ko lang naman na may pasa ka ee." sabi ko. Pero di nya ko pinansin.Humiga lang sya dun sa isang kama, clinic bed at tsaka pumikit. Napanguso nalang akong humiga, at tumingin sa kisame. "Ivan magkwento ka nga." bigla kong sabi, ramdam kong napatingin sya sa gawi ko. "Anong ikukwento ko?" tanong nya sakin, "Kahit ano, family, likes, ewan basta kahit ano." sabi ko nalang, at tumingin sa kanya pero yung tingin na yun agad kong naalis dahil nakatingin din sya sakin.
"Hmm, family? Alam mo na naman yung backround namin diba? Pangalawa kami sa may pinakamalaking sakop sa Car industry. Both parents businessman and woman. Meron babae na sobrang napakahalaga sa buhay ko, kasi sya yung halos sa paglaki ko sya na yung nakasama ko." seryoso nyang sabi, nang balingan ko sya ng tingin malungkot syang nakatingin sa kisame. "Nasaan sya?" tanong ko, nakita ko kung pano sya natigilan sa tanong ko. "Wala na sya." sabi lang nya. Saglit akong di nakapagsalita, eto ba yung dahilan kung bakit napakababaero nya? Nawalan sya ng babaeng minamahal? "Ate ko sya." dagdag pa nya kaya napatingin ako sa kanya, "M-may kapatid ka?" tiningnan naman nya ako ng nakangiti na medyo nakatawa pa. "Yeah, 3 years ahead sya sa akin. Eto sya." sabi nya at tsaka nya kinuha yung ohone nya sa bulsa nya, saglit na may hinanap doon tapos ibinigay nya sa akin.
Ang ganda nya, kamukha nya si Ivan. Pero hindi masyado, ang hahaba ng pilikmata, bilog ang mata, matangos na ilong, may porselana-"Namatay sya sa aksidente." natigil lang ako sa pagiisip ko nang bigla nya sabihin sakin yan. "Nah, actually hindi naman sya dapat na mamamatay. Ako dapat yun." napatingun lang ako sa kanya. Di ako makapaniwala sa mga sinasabi nya ngayon. "Dalawa kaming naaksidente, car accident. Ako yung sobrang naapektuhan, dumating sa punto na kelangan kong magpaheart transplant. Ilang araw akong coma non, habang coma ako, ligtas na si Ate. Wala silang makitang donor, konti nalang susukuan na ko ng parents namin. Pero ang hindi nila alam, si Ate. Pumirma sya para idonate yung kanya." habang nakatingin sya sa kisame kita kong namamasa na yung gilid ng mata nya.
BINABASA MO ANG
Living With Them ( Staring EXO-K)
Teen FictionSamantha Alexis Go - Isang simpleng babae, pero mang dahil sa pagkakatagpo sa kanya ng kanyang mga tunay na magulang, Yung simpleng babae, Naging ekstra ordinaryong babae.