Chapter Seven Part Three Short Update

37 2 0
                                    

Chapter : Chapter Seven Part Three

Maximilian Alexander Agustin's Point of View:

"Nakakainis na yang kakulitan mo Max jusko! Kung nagrereview ka nalang dyan edi sana baka magkaron ka pa ng mataas taas na grade mamaya sa quiz natin!" inis na sagot sakin ni Sam, pero di ko sya tinigilan ng kakakulit. Kinulit ko parin sya ng kinulit hanggang sa mapapayag ko na rin sya. Alam nya kasing di ko sya tatantanan pag di nya ko pinagbigyan.

Tanghali ngayon, lunch at habang naglalakad kami papunta sa cafeteria may tumawag kay Sammy. Si Kevin. Yung bestfriend nya 'kuno'. Kaya ayun, no choice kundi lumapit kami. Kasama nga pala namin ni Sammy yung apat pang ugok, Oliver, Santi, Storm at Lyndon. Nausap sila saglit, at nang tangkain na ni Sammy na umupo sa tabi ni Kevin, bigla namang may sumulpot na babae sa gitna nila at sya ang umupo sa tabi ni Kevin. Habang ako, tahimik na tumatawa sa utak ko. Nagpapasalamat dun sa babaeng umupo sa tabi ni Kevin. Sa tingin ko naman may gusto tong babae na to kay Kevin haha, parang si Shanice lang kay Storm.

Pagkatapos non nalaman nalang namin na Girlfriend pala netong si Kevin si Quen (Ku-Wen). Kaya nanaman yung utak ko. Mababawasan nanaman kasi yung mga pumoporma kay Sam. Nagkaron pa sila ng konting pauusap, pagkatapos nagpaalam na sila Kevin at sinabing may susunod pa daw silang klase.

"Ano ba kasing pagkain nanaman nakita mo dito Max at di mo nanaman ako tinatanan? Siguraduhin mo lang na masarap yun kung ayaw mong tamaan neton librong hawak ko." sabi nya sabay amba sa akin nung hawak nyang libro sa chemistry. Yung apat naman tumawa lang ng mahina. Ako? Kunyari natakot ako kay Sam, haha.

"Wala namang hindi masarap na pagkain kay Max ee, lahat nalang kinakain nyan." natatawang sabat pa ni Storm. Dahilan para mahinang matawa si Sam. Grabe? Ganon ba ko katakaw? Kung ganon ako katakaw, bakit di naman ako tumataba?

"Nahiya naman ako sa katakawan mo tol." sagot ko sa kanya pabalik, na may kasamang medyo masamang tingin haha. "Ayun yung bago nila Sam oh." tingin ko naman kay Sam, habang itinuturo yung sundae na itinitinda nila sa cafeteria. Lumapit kami doon at umorder ng lima, ayaw daw ni Oliver ee edi kami nalang.

Pagkatapos naming makuha yung mga inorder namin pumwesto na kami sa madalas naming pwestuhan. Kung saan walang masyadong tao, dun kasi gusto parehas ni asanti at Sam. Para daw di masyado maingay, di daw kasi sila makakain ng ayos pag masyadong maingay. Pagkaupong pagkaupo palang as usual, na pwesto. Nagigitnaan nila, Santi at Storm si Sam. kaharap naman ni sam si Lyndon na di parin natitigil ang paglalaro sa cellphone nya, ako at si Oliver naman nasa magkabilang gitna ng lamesa.

Habang kumakain kami, di nanaman maiwasan na hindi magsigawan si Lyndon at Sam. Nagtatalo nanaman silang dalawa kasi etong si Lyndon ayaw nanaman paawat sa kalalaro ng cellphone nya. Kaya ang ginawa nung isa, sumandok sya ng isang kutsarang sundae at diretsong ipinasok yung sa bibig ni Lyndon na walang kaalam alam. Resulta? Natapon yung iba sa damit ni Lyndon.

Pero sa pagaaway nila, ewan ko ba kahit na parehas silang maingay kay Sam lang ako nakafocus. Nasa kanya lang yung buong atensyon ko. Kahit na lagi sya masungit, kahit na lagi syang parang leon na laging galit. Gandang ganda parin ako sa kanya.

Naalala ko nanaman nung una kaming magsama sama sa iisang bahay. Kaming anim, maliban kay Oliver at Kyzer dahil simulat sapul may sariling mundo na naman talaga yang dalawang yan. Lahat kami magkakasundo, wala rin kaming kaalam alam sa mangyayari, nagulat nalang kami isang araw na, may mga maleta na sa sala habang nakaup doon ang isang babae. Si Sam, kasama ang mga magulang namin at magulang nya.

Wala lang naman talaga sakin tong kasunduan na to, dahil wala akong pakealam. Pero nung tumagal tagal, habang nakikilala ko si Sam. Tumatatak na sa utak ko na gusto kong ako ang mapili. Gusto kong ako ang makasama ni Sam. Hindi pang dahil sa negosyo. Kundi dahil sa gusto ko sya.

"Hay nako, kelan kaya magkakasundo yang dalawang yan?" walang ekspresyon na sabi ni Santi. Napatango nalang ako, magkakasundo pa nga talaga yang dalawang yan? Sa tingin ko hindi na. Malabong mangyari na magkakasundo pa silang dalawa.

Living With Them ( Staring EXO-K)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon