"Angie, punta ka agad sa set after mo mag-ayos ha? Hinahanap ka na ni Faith" pagbilin sakin ni Justly, kagrupo ko.
Nandito ako ngayon sa loob ng QPAV kasama ang ibang group members ko na tinutulungan ako mag-ayos.
We are filming a Film para sa isang course namin. Romance Film, about two close friends. Natapos na namin i-film yung ibang scenes. Right now, we are about to film the movies climax.
The female lead, ako, is about to confront the male lead dahil nagiging confused na siya sa namamagitan between them. It's coincidental dahil saktong close friend ko rin talaga yung male lead ng film, and napaka similar niya sa role ng male lead.
After ko maayusan, naglakad ako agad papuntang lovers lane. Dito namin isshoot yung confrontation scene.
"Ay shala ang sweet girl mo naman tignan Angie. Dali tabi ka na kay Andrew para makapag-start na tayo." sabi ni Faith, the film director.
Andrew was seated on one of the benches, waiting for me. He had his backpack on his shoulder dahil props namin yun. Naglakad ako papunta sakanya with a neutral expression to get in character.
"Memorize niyo na ang lines niyo ha? Alright, 1 2 3 action!" sigaw ni Faith mula sa megaphone.
"Marcus." I said, pertaining to his characters name.
"Natty!" masigla niyang sambit. Kasabay nito ay ang pagtayo niya at ang pagyakap.
"Ano gusto mong pag-usapan?" tanong nito pagtapos kumawala sa yakap.
"Ano tayo?" tanong ko sakaniya. Tinignan niya naman ako na parang gulat na gulat sa tinanong ko.
"Ha? Mag-kaibigan, bakit?" tugon nito at ngumiti. Lumapit ito sakin at hinawakan ako sa aking mga siko. "May problema ba, Natty?" tanong nito.
"Kaibigan?" mapait kong sambit at tumawa nang bahagya. "Kaibigan lang pala."
Ito na. Nararamdaman ko na mga luha ko!
"Anong ibig mong sabihin, Natty? Mag-kaibigan naman talaga tayo, hindi ba?" tinignan niya ako nang puno ng pagtataka.
Huminga ako nang malalim. Medyo mahaba ang mga susunod na linya ko.
"Yung mga yakap, akbay, paghawak ng aking kamay, pang-kaibigan lang yon Marcus?"
"Natty ano ibig mong sabi-"
"Pagsabay saakin papasok at pauwi araw-araw, pagu-update, pagtawag sa messenger gabi-gabi, pagbili ng lahat ng mga sinasabi kong gusto ko. Friendly gesture lang ang lahat ng yun para sayo, Marcus?"
Natahimik kami pareho. Syempre kasama yun sa script eh. Ginamit ko itong pagkakataon para ilabas ang mga luha ko.
"Sabihin mo saakin ngayon kung galawang pang-kaibigan lang ang lahat ng binanggit ko kasi litong-lito na ako sayo Marcus. Kapag kasama kita, feel ko meron akong boyfriend. Minsan tinitignan mo ako na parang ako lang ang babaeng nakikita mo. Yung pag-alaga mo saakin na para bang isa akong bagong biling gamit na takot na takot kang maibagsak."
"Sinubukan kong hindi mahulog sayo at sa mga kinikilos mo, Marcus. Sinubukan ko talaga pero kuhang-kuha mo 'ko eh. Minsan iniisip ko na lang na sinasadya mo dahil alam mo kung ano yung gusto ko."
Luhaan akong tumingin sa mga mata ni Andrew. Nakakapagtaka lang dahil naluluha yung mga mata niya. Dapat nalilito yan ah.
Ngunit isinawalang-bahala ko na lang iyon. Additional emotion siguro.
YOU ARE READING
On My Mind | One Shot Stories
Genel KurguThe various selection of dreams that are depicted thru writing. No copywrite intended!