Twelve

49 1 0
                                    

Chapter 12.

Tears.


"Fvck... my face hurts," daing ng nagda-drive at doon ako natauhan.


Ilang beses akong napakurap at napalapit sa kaniya. Napaigtad siya dahil doon at saglit akong nilingon. "Ayos ka lang bah? Oh my gosh... sorry. I am sorry, nadala lang ako sa galit ko." paghingi ko ng tawad.


And silence ate the three of us until he chuckled. "What the heck?" he said and laughed again. "Seriously, what's wrong with you?"


"Huh?"

"You were so mad at me earlier and now you are the one who's saying sorry," napailing siya. "You're creeping me out-- Ouch!" muli siyang napadaing nang hampasin ko ang balikat niya.


Bumalik ako sa aking pagkakaupo at ilang beses na napairap. Kairita! Sana hindi nalang ako humingi ng tawad. Deserve niya naman ang pagsipa ko kanina. Sana magkapasa ang makinis niyang mukha.


We suddenly stopped by to a drive thru.


"What do you want for dinner?" si Khairo ang tinanong niya tapos lumingon sa akin.


I raised a brow. "Sa bahay na ako kakain," I simply said even though he did not ask me. Pinagkrus ko pa talaga ang braso ko.


He scoffed. "My bag is there, silly." malamig na aniya at kumunot ang noo ko roon. "And my wallet is also there,"


Teka... parang natanggal ang angas ko doon, ah?


Nagpipigil na sa pagtawa si Khairo sa harapan kaya tahimik ko na siyang pinapatay sa utak ko. Isa pa 'tong lalaking 'to... nakakapanggigil. Nagdadrama pa kanina sa flower shop pero ang lakas na ng kalog ngayon. Kainis.


"At ano naman iyan?" mataray na tanong ko nang abutan niya ako ng paperbag. May lamang pagkain iyon galing sa drive thru.


"Just take it,"


Tinanggap ko naman dahil pagkain, bawal tanggihan.


Nakarating ako sa bahay namin na medyo guilty pa sa ginawa ko kay Galatheo. Ah... bahala siya! Siya ang nauna at ang hapdi na talaga ng noo ko.


I looked back at his car who's now driving away from our house. Inalala ko ang plate number ng kaniyang kotse, baka makita ko ulit.


"Sweetie, bakit ang tagal mo yata ngayon?" sumalubong sa akin si Mommy.


I hugged her and gave her a kiss in the cheek. "May ginawa lang, Mom. Kumain na po bah kayo?" I asked back and she nodded.


"Looks like hindi ka pa kumakain," aniya nang makita ang paperbag na hawak ko. "You want me to prepare it for you?"


"Huwag na, Mom. I can do it myself."


"If that's what you say then okay. Sa study room lang ako."

When You Ran Away (When Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon