Thirty- Two

39 1 0
                                    

Chapter 32.

Girlfriend.


"Ang weird," narinig kong sabi ni Patricia dahilan para mapatingin ako sa gawi nila ni Chia.


"Hmmm? Ano'ng weird?" si Chia sabay inom sa milkshaks niya.


"Pansin mo? Wala si Tessa no'ng makauwi si Kaireen matapos manganak?" napakurap ako at na-realize nga na hindi pumunta si Tessa sa bahay nila Kaireen noon.


Nakakapagtataka nga pero may rsson naman yata siguro. "Baka busy lang?" ani ko at napangiwi doon si Patricia.


"Busy? Talaga lang ha! Kung hindi siya magpapakita kay Weshia 'pag nanganak ito, may kakaiba na talaga. Kahit busy ang babaeng 'yon, may oras siya para sa kaibigan." sabi niya at umirap.


Tama nga naman siya pero kung may kakaiba man, ano naman iyon?


I left the girls to go back at the restau. Wala naman masyadong customers pero may iilan na kumakain. Lumapit ako kay Khairo na malalim ang iniisip.


"Hey," agaw ko sa atensyon niya. "Ang lalim naman yata ng iniisip mo?" tanong ko.


Bumuntong-hininga siya at sinapo ang noo. "I have a daughter, Leria."


Nanlaki ang mata ko. "What?!" napatingin sa amin ang mga customers kaya tinikom ko saglit ang bibig at tinitigan ang kaibigan na seryusong-seryuso. "Kanino ka nagkaanak, Khairo?" pabulong na dugtong ko ngunit may diin.


"Kanino pa nga bah?" pambabara niya.


I gasped. "Matagal nang tapos ang relasyon ninyo... kaya paano nangyaring nagkaanak kayo?"


He heaved a sigh. "Maybe it was finished for her but 3 years ago, our paths crossed again." nagsalubong ang dalawang kilay niya. "At nagmakaawa siya sa 'kin na balikan ko siya. Iyon ang ginawa ko dahil masyado akong baliw sa kaniya pero iniwan niya ako ulit bigla."


Nalaglag ang panga ko. "But that 2 years... may nangyari sa inyo?"


"Imposibleng wala kaya Oo," tipid na aniya.


"Oh my gosh... At ngayon, bumalik na naman siya at sinabing may anak kayo?" I couldn't process everything.


"Tsh! Hindi iyan ang nangyari," Khairo is a bit scary when he's mad and based on his expression right now, parang hindi maganda ang pagkadiskubre niya na may anak siya. "Bago ako pumunta dito, nag-jogging ako at habang nagpapawis ay may nakasalubong akong bata sa daan. Umiiyak at hinahanap ang Mommy niya."


He sighed again. "Malapit lang ang bata sa playground at ayon, dumating nga siya, hinahanap ang anak." he formed his hand into a fist. "Alam mo 'yung pakiramdam na pinagmukha ka niyang parang tanga noon at hanggang ngayon ay ganoon pa rin?"


I tapped his back to calm him.


"Tinanong ko kung sino ang ama, she denied that it was me even though I wasn't asking if it was me. Doon ko siya nahuli. Anak ko ang batang nakasalubong ko."


"Khai... Kumalma ka lang--"


"Paano ako kakalma, Leria? Tinago niya sa akin na may anak ako sa kaniya," galit na galit na sabi niya.


May ilang luhang namuo sa gilid ng mata niya. Sinabihan ko nalang siya na sa office muna tumambay para magpalamig. Ako na muna ang nag-asikaso sa restaurant hanggang sa matapos ang trabaho.


'Di lumabas si Khairo kahit inutosan ko si Fernand na palabasin para kumain ng hapunan. He's really upset and he need time to cool off his mind.


When You Ran Away (When Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon