PATTY' s P.O.V.
"Patty,wala naman masyadong customer ngayon. Magmeryenda ka na dito,"yaya ni Clover sa akin. Ito ang toka sa counter.
"Salamat na lang Clover pero dahil medyo maulan. Sobrang putik ng sahig. Halos kelangan ko tuloy mag-mop maya't-maya,"sabi ko naman.
"Sipag mo talaga Patty,"sabi naman ni Leon.
"Naku dapat lang. Dahil dito sa Warbloom's bookstore kaya nakakapag-aral ako sa kolehiyo."
"Buti napagsasabay mo ang pag-aaral at trabaho!"sabi ni Clover
"Carry naman eh. Basta me pangarap!"
"Nakakahanga ka talaga girl. Keep it up!"
"Thanks. Kumain na kayo ni Gunther dyan. Ok lang ako dito,"sabi ko na ipinagpatuloy na ang pag-mop habang kumakanta-kanta pa. Napansin ko ang isang scratch paper. Sa halip na itapon yun ay pinulot ko ito at binuklat. Its a handwritten poem. Nakangiting tinupi ko iyon at inilagay sa bulsa ng pants ko. I really love reading poem at pakiramdam ko para sa akin ang tulang ito.
Hay sa wakas, natapos din ako sa nililinisan ko. Makakapagbreaktime na din ako sa wakas. Nakangiting tumayo ako saglit at pinagmasdan ang nangingintab sa linis na sahig.
"Excuse me nga,"sabi ng isang lalaki na hinawi ako. Kasunod nito ang dalawang lalaki. Wala akong nagawa kundi ang tingnan ang mga footprints nila. Pabalik-balik pa naman sila at dinaanan nila ang lahat ng shelves. No wonder, puno na naman ng putik ang buong sahig. Nanghihinang nagsimula na ulit akong mag-mop hanggang mapansin ko na yung tatlong lalaki ay nasa magazine section at namimili sila ng FHM.
"Pare flat ang dibdib eh,walang shape ang katawan. Payat pare, wala yatang pangkain,"malakas na sabi ng lalaking nakahikaw.
Habang tumatawa ay nakatingin ito sa dibdib ko. Yung pakiramdam na binabastos ako ng mga ito,mabilis akong nakalapit dito at sinampal ito ng malakas.
"Yan ang dapat sa iyo,manyak!"galit kong sabi.
"S--t!"galit na bulalas nito. "Where is your manager?"
"Sir,ano pong problema?"tanong ni Mam Chloe sa mga ito.
"Kung gusto nyong tumagal ang mga customers nyo,tanggalin nyo na ang janittress nyo. Aba'y nanampal ng walang dahilan. Pasalamat sya babae sya,kundi,bugbog na ito sa akin,"galit na galit na sabi ng lalaki.
"Kalma lang Sir. Ikaw Patty,bakit mo naman sinampal si Sir?"baling ni Mam Chloe sa akin.
"Mam Chloe, bastos ang lalaking yan. Minamanyak ako,"depensa ko.
Tumawa ng malakas ang tatlo. "Bakit mo naman naisip na pag-iinteresan namin ang isang janittress? Eto ang pinag-uusapan namin!"
Nanlaki ang mga mata ko nang ipakita nito ang payat na cover girl ng FHM. Halos hubad na ito at natatakpan lang ng kamay ang private parts. Awtomatikong namula sa pagkapahiya ang pisngi ko. "Sorry po Sir! Mam Chloe,sorry po!"
"Miss Manager,i don't accept sorry. Ako si Bailey Fontanilla,at kung ayaw nyong ma-ban ang bookstore nyo,i request you to suspend this janittress!"sabi ng lalaki kay Mam Chloe.
Napatingin ako kay Mam Chloe. Mabait ito pero strict ito pagdating sa bookstore.
"Ahm,ok,as per request of you Mr. Bailey Fontanilla,i am suspending my employee for three days. Happy?"
"Thanks,if you'll excuse us,babayaran lang namin ito sa counter,"sabi nito na tumalikod na.
"Patty,narinig mo naman siguro ang sinabi ko di ba?"tanong sa akin ni Mam Chloe.
Nakayuko akong tumango. "I'm sorry to disappoint you Mam!"
"Ok na yun. Magtrabaho ka na. Bukas pa naman effective ang suspension mo!"
Halos mangiyak-ngiyak na bumalik na ako sa pagma-mop. Sa sama ng loob ay hindi na ako nagbreaktime.
"Patty,sabay ka na sa amin umuwi!"sabi ni Clover. Magkapitbahay ito at si Gunther kaya palagi itong magkasabay pero malapit lang naman sa bookstore ang bahay ko kaya hindi ako sumasabay sa mga ito pero palagi pa rin akong sinasabihan ni Clover na sumabay sa kanila.
"Sige na,gora na kayo. Gunther,ingat sa pagmomotor ha. Mamimiss ko kayo ng three days."
"Mamimiss ka rin namin, daan ka na lang sa bookstore after class mo,"ani Gunther.
"Oo. Ingat kayo ha."
Dumaan muna ako sa plaza. Kahit gabi na,maliwanag pa rin dito. Marami ngang couples na nagtatambay dito. Meron ding barkadahan. Gusto ko lang huminga ng kaunti kaya dumaan ako dito. Nalulungkot ako,hindi dahil suspended ako kundi dahil,bad record ako ngayon sa owner ng bookstore,ito pa mandin ang nagpapaaral sa akin.
Dahil malalim ang iniisip ko,nagulat na lang ako nang biglang may nanghapit sa akin at hinalikan ako sa labi kasabay ng flash ng isang camera. Sa pagkagulat ko ay hindi kaagad ako nakapag-isip pero nang marealize ko ang sitwasyon ko. Itinulak ko ang baliw na lalaki pero hindi ito natinag. Bahagya nitong inilayo ang mukha kaya nakilala ko ito. Ito ang mayabang na estrangherong dahilan ngayon ng suspension ko. Magsasalita sana ako pero muli nitong siniil ng halik ang inosente kong labi.
Tinuhod ko ito. Napamura ito sa sakit.
"Yan ang bagay sa iyo. Manyakis!"galit kong sabi pero nang makita kong galit ito at kasama pa rin nito yung dalawang alalay nito ay nagtatakbo na ako palayo. Dama ko pa na hinahabol ako ng mga ito. Oh my gosh! Oh my gosh! Baka adik ang mga ito at balak nila akong gahasain at patayin. Lakad-takbo ako hanggang makarating sa eskinita na patungo sa bahay namin. Nakahinga ako ng maluwag nang lumingon ako at wala na ang mga ito pero pagharap ko,napasigaw ako sa takot ng makita ang mga ito.
"Multo ba kayo?"napakurap-kurap ko pang tanong. Muntanga ako,wala akong maisip ngayon.
Nag-evil laugh ang mga ito.
"Nagmamakaawa ako sa inyo. Please,kung may balak kayong masama sa akin,wag nyo nang ituloy. May sakit ang Nanay ko at kailangan nya ako,"gumagaralgal ko pang sabi.
"Quits na tayo sa pagsampal mo sa akin,bayad ka na. Pero assuming-era ka talaga. Itatanong ko lang kung interesado kang maging tutor ng kapatid ko. One hour a day lang!"nakakalokong sabi nito.
"Ah yun ba?"nakahinga nang maluwag na sabi ko."Sige,pag-iisipan ko. Ahm,uwi na ako."
Dahan-dahan akong naglakad palayo sa mga ito. Hindi ko na inintindi ang sinasabi ng mga ito.
Pagdating sa bahay ay naratnan ko si Inay na dinadalahit ng ubo.
"Nay,hindi ka na naman uminom ng gamot?"paggalit-galitan ko dito.
"Eh anak,wala na akong gamot!"sabi nito.
"Oh my gosh!"natampal ko ang noo ko. "Kumain na ba kayo? Inay,kumain na ba kayo? Nay,nay,nay,anong nangyayari sa inyo?"
Nawalan ng malay si Inay kaya nagsisigaw na ako para humingi ng tulong. Hindi na ako nag-isip pa nang pumasok si Bailey at ang tropa nito. As in,hindi na ako tumanggi nang buhatin nila si Inay at isakay sa kotse nila para dalhin sa ospital.
BINABASA MO ANG
A PIECE OF SONG
Teen FictionPatty works part-time at the Warbloom's bookstore as an all-around girl. She accidentally picked a trash paper where a poem was written. She liked the poem and admired the anonymous poet. Isang araw,sa gitna ng plaza, may isang estrangherong humali...