Kabanata 10

6 4 0
                                    

BAILEY's P.O.V.

"Are you all ready?"tanong ni Mommy.

"Yes Mommy!"

Annual overall checkup namin ito sa hospital na pag-aari ng Ninang ko. Kasama namin magpa-checkup ang lahat ng kasama namin sa bahay. Health-conscious kasi si Mommy and she wanted to make sure that we are all healthy.

Pagdating namin sa hospital ay nakita ko si Ninong sa hallway. Tinawag ko sya pero he seemed in a hurry. Hinabol ko na lang sya. Gusto ko syang kumustahin eh. Pumasok sya sa room na nasa pinakadulo.

Sumilip ako sa loob. Hindi ko alam kung bakit anlakas ng kabog ng dibdib ko nang masilip ko yung dulo ng puting kumot sa hospital bed.

Nagulat si Ninong nang lumabas ito at makita ako dun. Agad akong nagmano dito.

"May sakit ka ba hijo? You look pale!"sabi nito.

"Wala po!"

"Kasama mo ba ang pamilya mo? Tinawagan ako ng Mommy mo kanina para iremind na annual checkup nyo ngayon!"

"Andito na po kaming lahat. Tinatawag kita kanina pero parang nagmamadali kayo kaya sinundan ko na lang kayo dito!"

"Oo,nagmadali nga ako kanina. Nag-round ako sa pasyente ko. One month na syang comatose, hindi nag-i-improve ang kalagayan nya. Parang ayaw nyang lumaban!"

Napasulyap ako sa loob ng room. Kumabog na naman ang dibdib ko.

"Walang dumadalaw sa kanya."

"Pwede ko po ba syang silipin?"

"Halika. Kausapin mo nga kahit hindi sya makakaimik. Siguro kaya hindi sya nagkakamalay ay dahil wala man lang dumadalaw sa kanya kaya nga pag may free time ako,dinadaanan ko na din!"

"Ano po bang nangyari sa kanya?"

"One month ago, may nakapulot sa kanya sa Ilog Pasig. Dinala dito pero walang nakakakilala sa kanya."

"Paano yung bill nya dito sa ospital?"

"Sinagot na yan ng foundation ng hospital. Naaawa din talaga ako sa kanya."

Napakaraming apparatus ang nakakabit dito at nakakaawa talagang tingnan ang kalagayan nya pero nanlaki ang mga mata ko nang makitang kamukha ito ni Patty. Oo,me oxygen mask ito at kahit nakapikit ito, nabubuo sa isipan ko ang hitsura nito.

"Patty,"mahinang usal ko.

"Kilala mo sya?"

"Kahawig po sya ng namatay kong girlfriend!"

"Kuya Bailey,andito ka lang pala,hinahanap ka nina Mommy!"ani Barbie na nanlaki ang mga mata nang mapatingin sa pasyente."Ate Patty!"

"Kahawig lang sya ni Patty!"sabi ko kay Barbie.

"What a coincidence! Hi Tito Dok,"bati ni Barbie sa Ninong ko.

"Ninong,pacheckup na muna po ako!"

"Ok, go ahead. Mag-uusap din kami ng Mommy at Daddy mo mamaya sa executive office."

Kahit nagpapacheckup na ako ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang pagkakahawig ni Patty sa comatose na pasyente. Nagkataon lang ba talaga ang lahat o may dahilan kung bakit nakita ko ang kahawig ni Patty. Perhaps, may gustong iparating ang tadhana. What if kelangan kong tulungan ang kahawig ni Patty?

"Mommy,I wanna show you Ate Patty's doppleganger!"narinig kong sabi ni Barbie kay Mommy nung tapos na kami ng checkup.

"Really?"

"Mommy, kahawig lang sya ni Patty!"sabi ko.

"I wanna see her then,"sabi ni Mommy na sinuportahan pa ni Daddy.

A PIECE OF SONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon