"Bailey,bitawan mo na si Beauty,este Patty pala. Pakainin mo muna sya bago mo sya tanungin!"ani Ninong Doc.
"Nakakatuwa naman,si sleeping Beauty ay nagising dahil sa halik ni Bailey boy,"tudyo pa ng nurse.
Napapahiyang binitiwan ko si Patty at sinubuan ito.
"Nasaan si Inay? Ok lang ba sya? Akala ko mamatay na ako nang tumalon ako mula sa van. Tulay na pala yun. Nahulog ako dun at simula nun,nagdilim na ang lahat sa akin."
"Tumalon ka sa van?"
"Oo,pasensya na, hindi na kita tinext. Ayaw kong mag-alala ka sa akin eh. Sinong nagdala sa akin dito?"
"Hindi namin kilala eh!"
"Ganun,hindi na pala ako makakapagpasalamat man lang. Bakit ganun? Pakiramdam ko,napakatagal kong nakahiga dito?"
"Oo,mag-i-isang taon kang comatose!"ani Ninong Doc.
"Taon?"
"Oo! Kailangan mong mag-ipon ng energy. Wala ka namang naging injury kaya pagkatapos nito,you can go back to normal!"
"Pwede na ba akong lumabas?"
"Me mga test pa na kailangang gawin at kung kaya mo na talaga, makakalabas ka na bukas."
"Pero pwede po akong gumala sa paligid?"
"Yah,but you have to take a wheelchair. Maninibago ang katawan mo sa unang pagtayo mo!"
Gaya ng request ni Patty. We roam around the hospital. Then i brought her to the garden.
"Patty,i have something to tell you,"sabi ko.
"Ano yun Bailey?"
Ikinwento ko dito kung paano namin inakalang patay na ito. Sinabi ko din dito na umuwi na ng probinsya ang nanay nito.
"Pero ikaw pa rin ang una kong nakita nang imulat ko ang mata ko."
"Thanks to Ninong Doc!"
"Teka lang. Kung almost a year ako dito,eh di napakalaki ng bill na babayaran ko?"
"Sinagot na nina Dad ang bill mo!"
"Bakit?"
"Naawa sila sa iyo. Wala nga kasing nakakaalam na ikaw yun dahil inakala namin na wala ka na."
"Kung ganun, kailangan ko palang i-clear ang pangalan ko."
"Bahala na dyan ang family lawyer namin!"
"Napakarami ko ng utang sa iyo!"
Ginagap ko ang palad nito. "I love you so much Patty."
"I love you too Bailey. Maraming salamat sa lahat-lahat."
"Andito lang ako palagi para sa iyo."
Sobrang saya ko ngayon,sa wakas...Natapos na ang paghihirap ng puso ko.
Tumawag na ako sa hotel at inihabilin ko na muna sa COO ang pamamahala dun. Sinubukan kong tawagin si Inay para ibalita ditong buhay si patty pero unattended ang number nito.
"Subukan ko na lang ulit syang tawagan bukas!"sabi ko kay Patty.
"Sige, ahm, alam mo ba nung natutulog ako parang naririnig kitang kumakanta,"sabi nito.
"Oo, marami nga akong na-compose na kanta dahil sa iyo!"
"Wow,salamat ha. Kahit na hindi ka siguradong ako talaga to, ginawa mo pa rin ang lahat para sa akin!"
"Yun ay dahil iisa lang kasi ang nararamdaman ko kaya part of me believed na ikaw yun."
"Halika nga dito,yakapin mo ako,"lambing ni Patty.
BINABASA MO ANG
A PIECE OF SONG
Teen FictionPatty works part-time at the Warbloom's bookstore as an all-around girl. She accidentally picked a trash paper where a poem was written. She liked the poem and admired the anonymous poet. Isang araw,sa gitna ng plaza, may isang estrangherong humali...