Kabanata 6

6 4 0
                                    

Siguro nga naging sobrang busy ko ng mga nakaraang araw at nakalimutan ko nang 19th birthday ko pala ngayon. Kaya naman sobrang nagulat talaga ako sa pagbati nila with matching cake pa na si Bailey ang nag-bake. Ang sweet talaga ng lalaking 'to.

Kinain na namin ang cake habang byahe. Ang sarap talaga mag-bake ng cake ni Bailey.

"Bailey,thank you. Nakalimutan ko nang birthday ko pala ngayon,"sabi ko.

"Nabanggit kasi kahapon ni Inay na birthday mo ngayon kaya nga naisip kong magsimba sa Kamay ni Hesus para memorable ang birthday mo."

"Bakit mo ginagawa ang lahat ng ito?"awtomatikong lumabas ang mga katagang yun sa labi ko.

"Andito na tayo,"anunsyo ni Manong Ver.

"Wow!"sobrang amazed ako sa lugar.

"Sakto ang dating natin, may mass daw ng 9:30,"ani Bailey. "Mamaya na tayo mamasyal!"

Inalalayan ako ni Bailey na makababa ng van. Gaya ng sabi nito ay sumimba muna kami sa chapel. Pagkatapos ng mass ay binilhan kami nina Barbie at nanay ng hat. Masyado daw kasing mainit pag akyat namin sa pinakatuktok ng Kamay ni Hesus.

"Totoo bang three hundred steps yan Kuya Bailey?"tanong ni Barbie.

"Oo kaya ihanda mo na baby girl ang mga binti mo!"

"Tito Blue will gonna carry me!"nakangusong sabi ni Barbie. "Ops,just kidding!"

"I miss this place,"ani Tito Blue.

"Naaalala mo ang lugar na ito Tito Blue?"tanong ni Bailey dito.

"I just knew that I've been here with special someone but i can't remember who!"malungkot na sabi nito.

"Tito Blue, may naging girlfriend ka ba nung andito ka pa?"tanong ko naman.

"Wala siguro. Wala daw akong ipinakilala kina Mommy eh. If i have one,then they should know."

"But why did you say that you always have a feeling that you left someone special here Tito Blue?"tanong ni Bailey.

"Sabi ng mommy mo,I was a secret admirer of my prettiest schoolmate but i didn't court her because I already know by that time that I will forget her eventually kapag nag-undergo na ako ng operation. So,it was clear that i never pursue any girl before."

"But I guess,yung schoolmate mong yun,naging sobrang special sa iyo,"sabi ni Bailey.

"I feel so and im looking foward on searching for that lady in my forgotten past!"

Habang paakyat kami ay panay ang bilang ni Barbie at ni Inay sa baytang ng hagdan para patunayan kung totoong three hundred steps nga yun pero panay din naman ang pose sa camera ni Tito Blue tuwing dadaan sa bawat station of the cross na madadaanan.

Nahuhuli kami ng konti ni Bailey. At take note lang ha,hindi nya binibitawan ang kamay ko hanggang makarating kami sa taas.

"Halika, mag-pray tayo dun oh. Matutupad daw yung prayer mo kapag nagdasal ka dyan,"ani Bailey. Sumunod naman ako dito.

Sabay kaming nag-sign of the cross at pumikit para magdasal. Nauna akong matapos mag-usal ng taimtim na prayer kaya nang imulat ko ang mga mata ko,na-amuse akong panuorin si Bailey habang nakapikit at nagdarasal. Ano kaya ang laman ng panalangin nya?

Kaagad kong ibinaling sa iba ang paningin ko nang mag-sign of the cross na sya.

"Alam mo kung ano ang ipinagdasal ko?"tanong nito.

"Hindi ako interesado!"

"Sana maging girlfriend kita at maging asawa para makasama kita habambuhay!"bulong nito sa teynga ko.

A PIECE OF SONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon