Kabanata 8

7 4 0
                                    

Hindi ko ini-expect ang sinabi ni Mam Chloe nang magpaalam akong manunuod ng battle of the band.

"I'll go with you. It's been a long time since I've watched a battle of the band,"ani Mam Chloe.

"Talaga po!?"

"Yeah,let's go. Si Clover na ang bahala sa store."

Maraming tao sa plaza at saktong naratnan namin sina Bailey na mag-i-start na sa pagtugtog.

Sa sulok ng mga mata
Nakita ko iyong mukha
Kay-amo't kayganda
Agad akong nahalina

Natuliro sa pagtanaw
Sa bawat mong galaw
May liwanag na tanglaw
Sa ganda mo'y nasilaw

Paano ko ipararating
Paano ko masasabing
Ang puso ko'y kinikilig
Sa iyo na nga'y umiibig

Ikaw lamang talaga
Wala na ngang iba
Ang nais makasama
Ngayon at tuwina.....

"Mam Chloe,ok lang ba kayo?"pasigaw kung tanong. Masyado kasing malakas ang tugtog ng musika.

Nagulat ako nang tumakbo ito palabas habang nakatakip ang panyo sa ilong na pinipigilan ang pagtulo ng luha.

"Hey Patty,where are you going?"tanong ni Tito Blue.

"Susundan ko lang si Mam Chloe. Pakisabi na lang kay Bailey na pinanuod ko sya ha. Baka kasi magtampo na naman eh!"

"Ok!"

Yun lang at tumakbo na ako para habulin si Mam Chloe. Naabutan ko ito sa loob ng kotse nito na humahagulhol ng iyak.

"Mam Chloe,bakit po?"nag-aalalang tanong ko.

"Yung kantang yun. Kinanta yun ni Warbloom sa akin dati."

"Yung kinanta nina Bailey?"

"Oo. Kinanta nya yun para sa akin noon. Sabi pa nga nya,sya lang ang nag-compose nun!"

Ngayon lang nag-sink in sa utak ko na kaya pala parang pamilyar sa akin ang kantang iyon ay dahil yun yung napulot kong tula sa bookstore.

"Mam Chloe,wag nyo na muna pong isipin ang first love nyo. Makipag-date na po kasi kayo sa iba. May kakilala po akong single na perfect ang hitsura at ugali!"

Pinahid nito ang sariling luha. "I'll be fine hija. Masyado lang akong na-touch sa kanta. Mabuti pa,bumalik ka na dun,babalik na ako sa store."

Hindi ko na pinilit si Mam Chloe na mag-stay pa. Mag-isa na lang akong bumalik sa venue.

"Akala ko hindi ka nanuod!"ani Bailey nang makita ako.

"Nanuod ako. Galing nyo nga eh!"

"Salamat,pahawak nga nitong ID ko. Nadala ko pa talaga dito eh."

"Akina,"inilagay ko muna sa backpack ko ang ID nito.

Niyakap ako ni Bailey nang i-anunsyo ng Emcee na ang banda nila ang nagwagi.

"Congrats,"masayang sabi ko.

"Treat kita ha!"

"Next time na lang ako. Treat mo muna sina Dennie boy at Froilie boy. Uuwi na ako!"

"Ihahatid na muna kita."

"Wag na,malapit na yung sa amin eh! Congrats ulit."

"Bakit ka nagmamadaling umuwi?"usig nito.

"Gusto ko lang makapagpahinga agad. Medyo napagod ako maghapon eh. "

"Kung gayon eh,hayaan mo na lang na ihatid kita . Tito Blue, mauna na kayo sa bahay ha. Hatid ko lang po si Patty! Magta-taxi na lang ako pauwi."

A PIECE OF SONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon