Kabanata 3

12 4 0
                                    

PATTY's P.O.V.

Halos hindi ako makatingin kay Mam Chloe nang magreport ako sa bookstore.

"Ok lang yun Patty. Nangyayari talaga yan sa atin. Maging lesson na lang sa iyo ang nangyari. Wala ng bisa ang suspension mo. Syanga pala,para sa iyo ito,"sabi ni Mam Chloe na iniabot sa akin ang isang sobre.

"Para saan po ito?"

"Tanggapin mo na iyan. Hindi masyadong malaki ang halaga pero makakatulong na rin pambili ng gamot ng iyong ina!"

"Naku nakakahiya naman po!"

"Wag ka nang mahiya. Gusto ko namang makapag-aral ka ng maayos at hindi mo magagawa yun kung may inaalala ka!"

"Salamat po dito,"sabi ko.

Masiglang bumalik na ako sa trabaho. Walang masyadong customer kaya nakakapagkuwentuhan pa kami ni Clover. Kinukulit ako nito about kay Bailey.

"Speaking of the devil,look who's coming!"ani Clover na inginuso ang entrance ng bookstore.

"Ate Patty,"masiglang bati ni Barbie na niyakap ako nang makita ako.

"Hi Barbie,"bati ko dito pero sinadya kong wag tingnan ang kuya nito.

"Bailey,miss mo na agad si Patty," tudyo ni Clover na ikinatingin ko sa katrabaho. Pinanlakihan ko ito ng mata.

"Hindi ko type ang mga chubby!"ang sagot ni Bailey na ipinanting ng teynga ko.

"Bakit? Me problema ka sa matataba ha, malusog lang ng konti,chubby na agad,"nanghahaba ang ngusong sabi ko.

"Hindi ka naman chubby Ate Patty,sexy ka nga eh,"pagtatanggol ni Barbie sa akin.

"Dahil ang pinakamamahal kong kapatid ang nagsabi,sige na sexy ka na. By the way, andito kami ni Barbie dahil sa Treehouse Series daw. Meron ba kayo nun?"tanong ni Bailey.

"Meron,this way po Sir,"sabi ko na itinuro ang shelves na kinalalagyan ng Treehouse Series.

"Yes, kumpleto dito. Sa wakas, kumpleto na ang collection ko!"tuwang-tuwa si Barbie. "I'll buy all the series Kuya!"

"Sige. Patty,dalhin mo na sa counter yung mga books na bibilhin ni Barbie. Ako na lang magbabayad sa counter!"maka-utos naman oh. Parang alalay nya ako.

Awtomatikong nagroll ang eyeballs ko. "Ok po Sir, masusunod po mahal na hari,"sarkastikang sabi ko. Nang
mag-about face ako ay nawalan ng balanse ang kaliwang binti ko kaya ayun,muntik na akong matumba kundi lang ako
mabilis na nahawakan sa beywang ni Bailey. Nagtama ang aming paningin at saglit na tumigil ang mundo ko.

"Nakakakilig kayong tingnan Kuya Bailey at Ate Patty. Bagay na bagay kayo,"malakas na sabi ni Barbie na ikinabalik nang kamalayan ko sa reyalidad.

Mabilis akong lumayo kay Bailey. "Salamat,"sabi ko na tuluyan nang nagpatiuna papuntang counter.

"Ate Patty, may pasok ka po ba bukas sa school?"tanong ni Barbie.

"Saturday bukas di ba? Wala akong pasok sa school pero sa hapon,me pasok ako dito sa bookstore!"

"Talaga po? Kung ganun po,pwede nyo po akong turuan nang mas mahabang oras bukas?"tanong nito.

Ayos. Per hour ang bayad sa akin ni Bailey,kung madadagdagan ang oras ng pagtutor ko bukas, that only means,mas malaki ang mababawas sa utang ko kay Bailey.

"Sige Barbie. Anong oras ako pupunta sa inyo?"

"Can you make it 6 in the morning Ate Patty, i want to do biking with you po!"

A PIECE OF SONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon