BAILEY's P.O.V.
Sobrang saya ko ngayon. For the first time. Narinig kong sinabi ni Patty na mahal nya ako. Kumpleto na ang araw ko."Kuya Bailey,ang saya saya mo,"ani Barbie na pinauwi ako dahil wala daw makausap.
"Hulaan mo!"
"Sinagot ka na ni Ate Patty!"tuwang sabi ni Barbie.
"Ha?"
"Hindi ba?"
"Hindi pa nya ako sinasagot pero sinabi nyang mahal nya ako!"
"Haha,ganun din po yun Sir!"sabad ng katulong.
Napangiti ako."Halika na sa kuwarto mo. Patutulugin na kita. Me pasok ka bukas."
"Sige,kwentuhan mo ako nang tungkol sa inyo ni Ate Patty ha!"
Napatulog ko na si Barbie nang magring ang celfone ko. Ang nanay ni Patty.
"Bailey!"umiiyak na sabi nito.
"Ano pong nangyari?"
"Bailey,pumunta ka dito sa morgue. Si Patty!"
"Ano pong nangyari kay Patty?"
Iyak lang ang sinagot nito."San po yan? Pupuntahan ko kayo!"
"Manong Ver, ihanda nyo ang kotse. May pupuntahan tayo!"
Halos paliparin na ni Manong Ver ang kotse nang malaman kung saan pupunta.
Naratnan namin sa labas ng morgue ang nanay ni Patty. Iyak lang ito ng iyak.
"Ano pong nangyari kay Patty?"
"Wala na si Patty."
"Paano po nangyari yun? Inihatid ko sya kanina sa inyo."
"Kasalanan ko. Naglalakad na ko pauwi nang may mga lalaking sumusunod sa akin. Itenext ko si Patty. Agad nya akong pinuntahan. Mga holdaper pala ang mga yun. Ibinigay ko yung celfone na bigay mo pero hinabol ni Patty para bawiin ang celfone dahil galing daw yun sa iyo. Nakipagbuno si Patty pero me mga kasabwat pa pala sila. Dumating yung isang van. Kinuha nila si Patty pero pagdating sa may dulo ng tulay,sumalpok yung van sa isang trak. Tumaob yung van at sumabog!"
Nanghihinang umupo ako sa bench. Automatic na tumulo ang luha sa mga mata. Napatayo ako at malakas na sinuntok ang pader.
"Pwede ko bang makita si Patty?"
"Hindi mo na sya makikilala. Sunog na sunog ang katawan at mukha nya."
Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari ang lahat ng ito. Pagkatapos ng lahat ng masasayang sandali,bakit ang dulo ay ang pagkawala ng babaeng mahal na mahal ko?
"Bailey, masyadong masakit para sa akin ang pagkawala ni Patty. Alam kong sa iyo din pero sana magpakatatag tayo!"sabi ni Inay nang mailibing na si Patty.
"Inay,pwede ko po bang kunin yung ibang gamit ni Patty?"
"Sige. Bahala ka. Bukas ay uuwi na ako sa probinsya. Napakaraming alaala ng bahay na ito at magiging mas masakit para sa akin kung mananatili pa ako dito."
Nilibot ko ang paningin sa kuwarto ni Patty. Ngayon lang ako nakapasok dito. Masasalamin sa kuwartong ito kung gaano sya kasimpleng tao. Nakita ko ang diary nito at binasa yun at sa huling bahagi ay may lyrics ng kantang God gave me you. At sa dulo ay may nakalagay na i love you Bailey.
Kinuha ko yung diary ni Patty. Nanlulumo pa rin ako hanggang ngayon. Hindi ko matanggap ang lahat nang nangyari. Bakit kailangang mawala si Patty? Pakiramdam ko ngayon,wala ng saysay ang buhay ko. Sa loob ng tatlong taon, umikot na ang buhay ko sa pagsunod kay Patty, sa pagiging masaya sa pagtanaw dito mula sa malayo. Kung hindi ko sya nilapitan,kung nakuntento na lang ako na tinatanaw lang sya,may posibilidad kaya na hindi nangyari ang lahat ng ito? Dahil sa celfone na yun, nagbuwis ng buhay si Patty at sinisisi ko ang sarili ko sa mga nangyari. Kung hindi agad ako umalis, kung sinamahan ko lang sana sya ng gabing yun, baka hindi nangyari na nawala sya.
Malakas na nasuntok ko ang pader.
"Bailey!"nag-aalalang sabi ni Inay nang puntahan ako sa silid.
"Kasalanan ko 'to. Kung hindi ko binigyan ng celfone si Patty,hindi sya mawawala!"
"Bailey,marahil ay hanggang doon na lang talaga ang buhay nya. Wag mong sisisihin ang sarili mo dahil ako ang mas dapat sisihin. Kung hindi ko sya tinext,hindi sana sya mapapahamak. Bukod doon,may sinabi sya sa akin na kailangan nya akong protektahan para makabawi man lang sya sa pagkawala ng tatay nya!"
"Inay, mahal na mahal ko ang anak nyo!"
"Alam ko yan pero kailangan mong magpatuloy. Kailangan mong magpakatatag para sa pamilya mo!"
Simula nang huling makausap ko si Inay, hindi ko na alam kung paano ako magpapatuloy sa buhay. Alak ang naging katuwang ko para makatakas man lang sa realidad.
"Bailey,kumain ka man lang. Ilang araw ka nang hindi lumalabas dyan sa kuwarto mo. Aba'y wag mo namang pabayaan ang sarili mo,"boses yun ni Tita Chloe na gf na ngayon ni Tito Blue.
Halos nagpapalitan ang mga ito sa pagkatok sa pinto ng kwarto ko para ipaalala na kumain ako o pumasok sa school. Pero wala akong pinakikinggan sa mga ito. Wala na akong pakialam kahit mamatay na ako ngayon. Wala na si Patty. Wala nang dahilan para mabuhay pa ako.
Tinungga ko ang bote ng alak pero wala na yung laman. Sa inis ko ay inihagis ko iyon sa pader. Napakakalat na ng kwarto,nagkalat ang mga basag na bote ng alak at wala na akong pakialam kahit marami na akong pasa at sugat sa kamao dahil sa pagsusuntok sa pader. Manhid na ang katawan ko sa sakit at sana pati ang puso ko ay mamanhid na rin,para wala na akong maramdaman o sana magka-amnesia na lang ako para makalimutan ko na ang lahat ng ito.
"Anak,what happened to you?"nagulat ako nang tumingala ako at makita si Mommy,hawak pa nito ang master key. "So,it is really true na depressed ka ngayon!"
"Mommy,"humagulhol na ako ng iyak nang yakapin ako ni Mommy.
"Oh my son..."niyakap lang ako nito for ten minutes at hinayaan akong umiyak. Pagkatapos ay inalalayan ako nito papuntang shower room at walang pakundangang binuhay ang cold shower!
"Will you bathe by yourself or should i do that for you?"mahinahon talaga itong magsalita kahit na dinidisiplina ako.
"I'll do that Mom!"if there is an irresistible woman aside from Patty,it is my mom. I can never say 'no' to her because she is the wisest person that i know.
Nahimasmasan ako sa sobrang lamig ng tubig mula sa shower.
"I'll put your clothes here!"ani Mommy.
Ilang minutes lang ako sa loob ng shower room pero paglabas ko, malinis na agad ang room ko.
"Kumain ka na. Niluto yan ng daddy mo!"sabi ni Mommy na itinuro ang pagkaing nasa bedside table ko.
"Andito rin si Dad?"
"Of course,we left all the responsibility in this household within your shoulder but you've became incapable of doing your task so,we immediately took a flight to see the truthness of your condition! Tell me what exactly happened son."
"Mom,you know that I love Patty so much and she died with my heart!"
"Do you think Patty will be glad to see you doomed and miserable? I knew,i feel that she wanted to see you moving forward."
"I feel guilty. I am haunted by my conscience. Kung di ko sya nilapitan, kung hindi ko sya pinaibig, baka ngayon, natatanaw ko pa rin sya!"
"If you feel guilty, forgive yourself. Don't be too hard on yourself."
Napilitan akong kumain.
"I don't want you to forget her but i want you to make her your inspiration to do better. Everything is a matter of acceptance. You have to go through all that pain and agony, that's part of losing someone you love but at the end of the day, you have to face the world and keep going. Move forward,no matter how slow,just go on!"
Kelangan ko na nga sigurong kumilos at magpatuloy. Tama si Mommy, mas malulungkot si patty kung makikita akong miserable.
BINABASA MO ANG
A PIECE OF SONG
Teen FictionPatty works part-time at the Warbloom's bookstore as an all-around girl. She accidentally picked a trash paper where a poem was written. She liked the poem and admired the anonymous poet. Isang araw,sa gitna ng plaza, may isang estrangherong humali...