Kabanata 5

5 4 0
                                    

"Inihatid ka na naman ng Prince Charming mo!"tudyo ni Clover sa akin.

"Walang malisya yun. May utang lang ako dun sa tao na binabayaran ko sa pagtuturo kay Barbie kaya ayun pero pagkatapos kung bayaran ang utang ko sa kanya,matatapos din ang koneksyon ko sa kanya!"sabi ko.

"Eh paano kung bigyan kita ng pera na pambayad sa kanya? Masyado mo na kasing inaabuso ang katawan mo!"sabi ni Gunther na parehas naming ikinagulat ni Clover.

"Seryoso?"maang kong tanong.

"Oo naman. Next week,exams nyo na, kailangan mong mag-focus sa pag-aaral. Alam ko namang ayaw mong mapahiya kay Mam Chloe!"seryosong sabi ni Gunther.

"Kayo ang nagturo sa akin ng time management kaya ipanatag nyo ang kalooban nyo. Makakaya ko'to,"sabi ko na lang.

"Yah,but you don't have to be too hard on yourself. Magrelax ka naman. We don't want to see you too stressed."

"Ok lang ako Gunther. Wag kayong mag-alala,kapag me naramdaman ako sa sarili ko na nahihirapan ako,i'll make a pause and relax a bit. Ok na po ba Gunther?"

"Hindi ako komporme dyan,"puno ng disgusto sa boses nito. "Sige, magtrabaho na tayo sa ngayon!"

Bumalik na ito sa pwesto nito. Nagkatinginan naman kami ni Clover nang makaalis si Gunther.

"Are you sure si Gunther yun? Baka naman nasapian sya,hindi mo man lang namalayan,"sabi ko kay Clover.Sanay ako na tahimik lang si Gunther at minsan lang sumabad sa usapan. He's a man of few words kasi at madalas na nakikinig lang ito sa amin but he never reacted that kind of beast mode.

"The last time,he was like that,he was in love,"malungkot na sabi ni Clover.

"With you?"

"No,"umiling si Clover at ewan ko ba kung imahinasyon lang pero may nakita akong luha sa sulok ng mata ng dalaga."Balik na ako sa counter,me customer na."

Oh my G! Bakit ang weird ng mga tao ngayon? In love nga ba si Gunther? Pero kanino naman? Baka kay Clover. Well,bagay naman sila. They are so cute together and i guess,they will be a very much happy couple. Ano ba itong mga naiisip ko? Why do i think of love these days? At bakit nakikita ko sa iba yung mga signs ng in love kahit na hindi ko naman alam yung mga ganung bagay noon. Did it come naturally? Oh my G! Makapagtrabaho na nga lang.

Kapuna-puna ang katahimikan ni Clover hanggang magsara ang bookstore.

"Sabay ka na sa amin Patty,"sabi ni Gunther.

Tatanggi sana ako pero nakita ko yung kotse ni Bailey na parating kaya oo na agad ako. Si Clover muna ang inihatid ni Gunther bago ako inihatid nito.

"Salamat,"sabi ko dito.

"Wala yun. Lagi lang naman akong andito para sa'yo. Ihahatid na kita sa inyo!"

"Ako na ang maghahatid sa kanya!"mariing sabi ni Bailey na inabangan pala kami.

"Pare,ang angas mo ah," ani Gunther.

"Ikaw ang maangas. Hindi ka ba nalilito. Dala-dalawa ang babaeng tinitingnan mo!"mariin pa rin ang pagsasalita ni Bailey.

Baba na sana si Gunther sa motor pero kaagad ko itong pinigilan.

"Sssssshhh! Tama na. Uwi ka na Gunther,salamat. Umuwi ka na din Bailey,kaya ko nang umuwi mag-isa,"awat ko sa dalawa.

"Umayos ka pare. Sige Patty,uwi na ako. Ingat ka ha!"

Kinawayan ko si Gunther nang umalis ito.

"Sabi ko na nga ba eh. Unang tingin ko pa lang sa lalaking yun,alam ko nang may gusto sa iyo yun!"umiiling na sabi ni Bailey.

"Parang kapatid na ang turing sa akin nun. Sila ni Clover ang bagay. Hinding-hindi magkakagusto sa akin ang tulad ni Gunther,"pagtatanggol ko kay Gunther.

"Lalaki ako at alam ko kung paano tumingin ang isang lalaki sa babaeng gusto nito!"

"Wag mo nang ipilit ang bagay na yan dahil hindi ko mapag-iisipan ng ganun si Gunther."

"You're so naive and innocent!"

"Wag mong ibahin ang usapan. Umuwi ka na!"

"Not until i see you inside your house,"mariing sabi nito na kinuha ang backpack ko. "Bilisan mo nang maglakad!"

"Opo!"sabi ko na hindi na lang nag-react nang hawakan nito ang palad ko.

"Wag kang papayag na magpahawak ng kamay sa iba ha!"sabi nito nang makarating kami sa tapat ng bahay namin.

"Tseh,"hiniklas ko ang palad ko.

"Sabay tayong magsimba bukas. Dadaanan ka namin dito. Sama mo si Inay!"

"Sige,umuwi ka na. Ingat sa pagmamaneho!"

"Ok. Goodnight,hindi na ako papasok. Baka tulog na si Inay. Basta agahan mo bukas ha! Alas-sais kita dadaanan dito!"

"Sige po. Lakad na!"

"Pumasok ka muna sa bahay nyo!"

"Opo!"

Nang makapasok ako sa bahay ay sumilip ako sa bintana. Nasa labas pa rin si Bailey. Bumalik ako sa labas.

"Bailey,magkape ka muna!"

Aba,mabilis pa sa alas-kuwatrong pumasok ito ng bahay. Ito na mismo ang nagtimpla ng kape. Hindi ko na ginising si Inay para makapagpahinga naman ito.

"Hindi ko yata nakita sina Dennie boy at Froilie boy?"pagkuwa'y tanong ko.

"Sinong crush mo sa kanila ha?"

"Ano? Nagtanong lang ako,crush na agad?"

"Eh kasi naman kung sinu-sino ang hinahanap mo,eh nandito naman ako!"

"Paano kita hahanapin,eh andito ka nga. Ubusin mo na nga yang kape mo at lumayas ka na. Nagiging habit mo na yang pag-away sa akin ha!"

"Hindi kita inaaway. Ayaw ko lang nang may ibang lalaking pumapasok sa isip mo habang kasama mo ako dahil ako kahit hindi kita kasama,ikaw at ikaw lang ang nasa isip ko! Wala ng iba pa."

"Anong sinabi mo? Pakiulit nga,baka kasi me depekto na ako sa teynga!"

"Ang bingi mo naman. Kung ano yung sinabi ko,hindi ko na uulitin yun. Tapos na akong magkape,uwi na ako!"

Nakaalis na si Bailey ay nakatulala pa rin ako.

Naguguluhan talaga ako. Bakit ang weird din nya. Ano ba talaga ang nangyayari sa paligid ko? Meron bang tao dyan na makakapaglinaw ng lahat? Naguguluhan na kasi talaga ako. Bakit ang weird ng lahat? Ah makatulog na nga lang, sasakit lang ang ulo ko sa pag-iisip.

Matutulog na sana ako nang mapansin ko yung nakalukot na papel sa sidetable ng higaan ko. Naalala ko yung tula na napulot ko sa bookstore. Kinuha ko iyon at maingat na binuklat.

Sa sulok ng mga mata
Nakita ko iyong mukha
Kay-amo't kayganda
Agad akong nahalina

Natuliro sa pagtanaw
Sa bawat mong galaw
May liwanag na tanglaw
Sa ganda mong nakasilaw

Paano ko ipararating
Paano ko masasabing
Ang puso kong kinikilig
Sa iyo nga'y umiibig

Ikaw lamang talaga
Wala na ngang iba
Ang nais makasama
Ngayon at tuwina

Ang sweet naman ng tulang ito. Napapangiting itinabi ko iyon. Kahit na luma na yung papel at parang ilang taon na ang nakakaraan nang isulat ito,natutuwa pa rin ako. Napakaswerte siguro nang pinag-alayan ng tulang ito.

A PIECE OF SONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon