"Inay,anong gagawin ko? Celfone ang regalo ni Bailey sa akin. Dapat ko po ba itong ibalik?"tanong ko kay Inay matapos kong buksan ang regalo nito at malamang mamahaling celfone yun.
"Aba'y regalo yan, kung ibabalik mo yan ay parang sinasabi mong ayaw mo dun sa tao!"
"Pero Inay. Ok lang po kung mumurahin lang yung celfone pero ganito po yung celfone ni Clover at 26k po yung bili nya nun. Alam ko po dahil nagpasama sa akin si Clover na bumili nun!"
"Wala naman sigurong masamang intensyon si Bailey sa pagreregalo nyan sa iyo. Napakabuting bata ni Bailey at kita ko yan sa kanya. Hindi lang dahil mapera sya pero kita mo rin naman kung paano nya ako nirerespeto at inaalagaan."
"Pero hindi po talaga ako komportable sa ganito. Bahala na nga po bukas."
"Oh sya magpahinga ka na anak. Me pasok ka pa bukas. Ako nama'y matutulog na rin dahil me nakahanda na akong raket bukas!"
"Pero 'nay,wag muna kayong magtrabaho. Ingatan nyo po ang lapay nyo."
"Hindi pa naman malala ang lapay ko eh. Madadaan pa daw ito sa pag-inom ng gamot at hindi na ako pumapalya sa pag-inom ngayon kaya ipanatag mo ang kalooban mo anak!"
"Siguraduhin nyo lang yan Inay ha. Ok po tulog na rin po ako. Thank you po Inay ha. Ang saya saya ng araw na ito para sa akin!"
"Happy birthday anak!"
Natutuwang niyakap ko si Inay bago ako tuluyang pumasok sa kuwarto ko.
As usual,maaga akong pumasok sa school,start na kasi ng midterm exam namin. Nakapagreview pa rin naman ako kaya easy lang sa akin ang pag-take ng exam. Nagulat pa ako nang paglabas ko ng school ay makita si Gunther na naghihintay sa akin.
"Patty, halika,sakay na,"sabi nito na iniabot sa akin ang helmet.
"Ihahatid mo ako kina Bailey?"
"Hindi mo na kelangang pumunta dun. Nag-usap na kami ni Bailey. Exams nyo naman eh!"anito.
"Pupunta na tayo sa bookstore?"
"Yah. Ipinasundo ka ni Mam Chloe sa akin!"
Hindi na ako nagtanong pa,umangkas na ako sa motor nito. Pagdating namin sa bookstore, sinalubong ako ni Mam Chloe ng isang cake na may nakasinding kandila. Sabay-sabay nila akong binati ng happy birthday.
Natutuwang binlow ko ang candle. "Thank you sa inyo kahit wala akong pangtreat!"
"Belated na nga eh kasi ipinagpaalam ka ni Bailey kahapon na hindi ka papasok."
"Pasok na kayo sa loob. Me inihanda akong konting salo-salo para kay Patty,"ani Mam Chloe. "Tatawagin ko na lang kayo kapag maraming customers!"
Tuwang-tuwa naming pinagsaluhan ang pagkaing inihanda ni Mam Chloe. Binigyan pa ako ng regalo ng mga ito,pati na nung mga kapalitan namin na pang-umagang shift.
"Gift ko para sa'yo,"ani Gunther.
"Salamat,"sabi ko."Pwede ko na bang buksan?"
"Oo naman,para sa iyo naman talaga iyan eh."
Binuksan ko na rin naman yung bigay ng iba eh,si Gunther lang kasi yung huling nagbigay.
"Celfone?"nagulat ako nang makita ang regalo nito.
"Para sa iyo yan Patty,"sabi ni Gunther.
"Pero sobra namang regalo 'to Gunther. Hindi ko makakayang tanggapin to."
"Patty, para sa iyo talaga yan. Sana naman ay gamitin mo. Bawal ibalik yan."
"Hah!?"naguguluhan na ako. "Clover,anong masasabi mo sa regalo ni Gunther para sa akin!"
BINABASA MO ANG
A PIECE OF SONG
Teen FictionPatty works part-time at the Warbloom's bookstore as an all-around girl. She accidentally picked a trash paper where a poem was written. She liked the poem and admired the anonymous poet. Isang araw,sa gitna ng plaza, may isang estrangherong humali...