[5] Her Problem

2.6K 29 5
                                    

Dahil sa sobrang pag-iyak ko, nakatulog na pala ako sa clinic. Pagkagising ko ay nakita ko si Kai na nakangiti sakin, inalalayan niya akong umupo at umupo na rin siya sa tabi ng kama ko

"How are you feeling?"

"Scared"

Mula sa pagkakangiti bigla namang nalungkot ang muka nito, agad itong napatayo at niyakap ako

"Shhh. Don't be, I'm here okay? No need to be scared"

"Thank you"

Bumitaw siya sa pagkakayakap sakin at kinuha yung mga gamit ko sa katabing table nitong higaan 

"Let's go home" 

Tumango ako sakanya at inalalayan niya ako hanggang sa makarating kami sa parking lot ng school

"Sumabay ka na sakin, I'll bring you home"

Ngumiti ako sakanya at agad naman niyang binuksan yung pintuan ng kotse niya at pinaupo ako sa may passenger seat. Habang nasa biyahe kami wala ni isang nagsasalita samin, alam kong madami akong gustong itanong sakanya at marami naman siyang gustong sabihin sakin pero wala ni isa ang gustong maunang magsalita, para bang tinitimbang namin ang bawat salitang gustong lumabas sa bibig namin

Nang makarating na kami sa condo ko ay inalalayan pa rin niya ako hanggang sa unit ko, agad ko nang pinaalis si Kai bago ko buksan ang pinto dahil halatang pagod na pagod na ito, pero nagulat ako sa nakita ko pagbukas na pagbukas ko ng pintuan ko

"Hello my dear sister"

"WHAT ARE YOU DOING HERE?!"

Nakita ko si David na nakaupo sa may sofa sa sala, ngumisi lang ito sakin bago sagutin yung tanong ko

"Visiting you, masama ba?"

"Pwede ba, wag mo na kong plinaplastic, dalawa lang tayo dito"

"HAHAHAHA! Hindi ka naman marunong sumakay sa arte ko"

Inirapan ko siya kasabay ng pagsara ko sa pinto, nilagay ko yung gamit ko sa may table sa kusina at hinirap siya

"Simula bukas dito na tutuloy si Amanda"

"WHAT?! Nagbibiro ka ba?"

Tumayo siya sa pagkakaupo at dahan dahang lumapit sakin

"I'm not kidding my dear sister, tsaka anong mapapala ko sa pagsisinungaling?"

"Kung wala ka nang ibang sasabihin, makakaalis ka na"

"Sa tingin mo ba yun lang talaga yung pinunta ko dito?"

Agad niyang hinawakan ang braso ko at kinaladkad ako papunta sa may kwarto at tsaka ako binagsak sa may kama. Agad naman siyang pumaibabaw sakin at hinawakan ang magkabila kong kamay para hindi ko siya masaktan

"Gusto mo bang malaman ni Amanda ang lahat?"

Iniwas ko ang tingin ko sakanya at narinig ko ang mahina niyang pagtawa

"Sabi na nga ba, pagdating talaga kay Amanda kahit ano kaya mong gawin"

"Anu bang gusto mo?"

Tumingin ako sakanya kasabay ng pagtanong ko at nakita ko ang malademonyong ngiti nito

"Alam mo naman ang gusto ko tsaka matagal na kitang hindi natitikman"

Iniwas ko ulit ang tingin ko sakanya at handa na kong tanggapin kung may gagawin man siya sakin ngayon pero nagulat ako ng bigla siyang umalis sa pagkakaibabaw sakin

"Pero hindi muna ngayon, pwede nang bukas, pag-iisipan ko pa kung sa school ba o dito sa condo mo, sa tingin mo san kaya mas magugulat si Amanda pag nakita niyang may ginagawang milagro ang mga kapatid niya?"

Lizzie For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon