[1] The Sophisticated Queen Bitch

5.3K 38 6
                                    

Chapter 1: The Queen Bitch

"Good Evening Ladies and Gents! Welcome to our annual Freshmen Initiation Ball!"

Freshmen

May mga bagong lalaki nanaman akong mabibiktima, isa na kong sophomore ngayon kaya halos isang taon nang aktibo ang negosyo ko dito sa paaralan na ito, pero hindi ako araw araw na nagbibigay aliw, tatlong araw sa isang linggo lang pero pinakamarami na ang limang araw, at may patakaran ako na kailangan nilang sundin

No Condom, No Sex

Wala akong pakealam kung malaki ang ibibigay nila sakin kung wala naman silang dalang condom, bahala silang mabitin. Ayoko nang makabuo ulit ng batang ipapalaglag lang ng mga walang hiya kaya sinisiguro ko na may dala sila, kung wala marami pa naman nakapila na pwede akong biktimahin kaya hindi ako nanghihinayang kung mawalan ako ng client

"May we now invite all the freshmen ladies to prepare for their best pose here on stage and may we now start with all the beautiful ladies from BS Management!" 

Malakas na nagpalakpakan ang mga tao, kung hindi niyo pa alam nandito ako ngayon sa gymnasium ng University namin, katulad nung sinabi nung host ngayon ang Freshmen Initiation Ball, ito yung gabi kung saan ipapakilala lahat ng mga freshmen at lahat ng mga upperclass na kagaya ko ay kailangan pumunta dito

Syempre pabonggahan ng suot dito, papatalo ba ako? Isang black long gown na backless ang suot ko at medyo kita naman yung gitna ng katawan ko sa harap, kung titignan napaka-daring ng suot ko. Napakaelegante. Pag tinapat mo ko sa ibang babae dito halatang magsstand out ako pero walang kwenta ang mga damit na to para sakin, dahil kung gaano man kaganda at kaelegante ang suot ko ngayon hindi pa rin nito matatakpan ang baho ng pagkatao ko. Ang pagkataong maihahalintulad sa isang basura

Isang babaeng bayaran

Nakatayo ako malapit ngayon sa stage, puro mga tables lang ang nasa gym walang mga upuan, ginawa kasi nilang parang bar ang style may mga lalaking nakapalibot sakin naghihiyawan sila at nagtatawanan sa mga bawat babaeng rumarampa sa stage. Muka lang kasing tanga yung ibang babae dun. Mga lahatang immature pa. Pavirgin. 

Natapos nang rumampa lahat ng babae sa lahat ng course, ni isa wala man lang pumantay sa alindog ko. Mga walang kwenta. At ngayon, turn na ng mga pinakahihintay ko

"And now, its the turn of all the freshmen boys to show off their ass on stage!"

Nagtilian ang karamihan sa mga babae at ako? Hindi na matanggal ang mga mata ko sa stage. Kailangan sa bawat lalaking dadaan mapapatingin sila sakin. Para saan pa ang pagpwesto ko sa harapan kung magpapatalbog lang ako sa iba diba? Ano ako tanga lang?

"And first on our list, may we now call all the gents from BS Tourism!!"

Nagsimula na silang rumampa isa-isa, may ilang mga gwapo, ilang mukang pilyo, ilang mga nerdy, mga mahahangin, at may mga muka talagang mayayaman.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti, mukang magiging sagana nanaman ang mga alkansya nang mga walang hiya. At syempre nagtagumpay ako, halos lahat sila tumitingin sa direksyon ko

"Lizzie baby, hanggang freshmen walang patawad"

Nakangiti pa rin ako at nakatingin sa stage

"Parang di mo naman ako kilala Peter"

"Haha. Mukang mahihirapan nanaman ako makuha ang oras mo ah"

"Alam mo naman kung gaano kamahal ang oras ko"

Naramdaman ko ang paghawak ng kamay niya sa bewang ko at ang paglapit ng katawan niya, pero hindi ko pa rin siya tinitignan, hindi ko aalisin ang mata ko sa stage hanggat hindi pa sila nakakarampa lahat. Unti-unti kong naramdaman ang labi niya sa leeg ko at sakto namang may lalaking gwapo na rumarampa sa stage at tumingin ito sakin, napakagat ako ng labi ko. siya ang gusto kong unang freshmen na titikman ko. Siya ang unang, freshman client na gusto ko

Lizzie For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon