[18.2] Killer

486 17 4
                                    

 

 

Amanda's POV 

 

 

"Doc emergency po sa ICU"

 

"Anong nangyari?"

 

"Bigla po kasing nagseizure yung patient tsaka po bumababa na yung...."

 

 

Nagising ako sa ingay ng mga tao sa paligid ko, hindi ko akalain na makakatulog ako nang nakaupo, siguro sa sobrang pagod hindi na rin ako makapili ng pwepwestuhan ko. Napalingon ako sa paligid at wala ni isang tao ang nasa tabi ko maliban nalang yung mga doctor at nurse na tumatakbo papuntang ICU.

 

"Nanaman? Pangatlong attack na to" Napabuntong hininga ako sa mismong sinabi ko kaya naglakad ako papuntang ICU na walang kagana gana. Pagdating ko dun magkayakap ang mga magulang ko habang nakatingin sa salamin ng ICU at kinakabahan

 

"Ma"

 

"Amanda ang ate mo..."

 

Lumapit ako sakanya at niyakap na rin silang dalawa. Alam kong wala ni isang salita ang kayang magpahupa ng nararamdaman ng mga magulang ko ngayon. Kung titignan onti onti nang pumapayat si mama, unti unti nang kinukuha ng nangyayari kay Ate Lizzie ang lakas ng mga magulang ko para bang habang unti unti siyang namamatay ganoon rin ang nangyayari sa magulang ko

 

Walang gana akong nakatingin sa babaeng pilit na nirerevive ng mga doctor, nakatingin lang ako na wala ni isang kaba sa dibdib ko. Siguro napagod nalang ako 

 

Sa halos isang buwan na pabalik balik ko dito sa ospital at sa halos gabi gabing pagbisita nila mama ay wala nang nangyayaring maganda samin para sakin kasama na ito sa daily routine ko pero nagiging mabuting anak lang naman ako, hindi ako nagpapakita ng kahit anong emosyon ko sa harap nila dahil baka pag isang tulo lang ng luha ko isang dosena na ang kapalit ng lahat kaya siguro sa araw araw na pagiging ganito ay natuto na kong maging manhid

 

Manhid sa mga nangyayari sa paligid ko, manhid sa mga nararamdaman nila at syempre manhid sa nararamdaman ko

 

 

"Tita"

 

Narinig ko ang boses ng taong laging sumusundo sakin sa hospital, naging kalmado na rin ang lahat lumabas na ang doctor, kinausap na sila nito, may mga kung anong sinabi yung doctor na hindi ko masyadong narinig dahil hindi ako interesado

 

"Amanda tayo na" Tinignan ko ang kamay na nakalahad sa harap ko papunta sa mga mata nito. Wala akong ibang nakikitang dahilan para gawin niya to kung hindi awa at ayoko sa pinapakita niya

 

Hindi ako naging manhid para lang kaawaan ng iba, hindi ako naging manhid para lang magmukang walang laban

 

Hinawakan niya ang magkabilang braso at dahan dahan akong tinayo "Tita mauna na po kami" Nakita kong tumango sila mama at binalik ulit ang panigin sa bintana ng ICU

Lizzie For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon