[17] Goodbyes

578 21 4
                                    

"David?"

Inalalayan ko papasok ng bahay si David, amoy alak nanaman siya, hindi ko na alam kung ano pang dapat kong gawin sakanya, maski ako nahihirapan na para sa kalagayan niya

"David anong problema?"

"Bitawan mo nga ako!"

"Aray ano ba! Nasasaktan ako!"

Hinawakan niya ng mahigpit ang dalawa kong kamay at kinaladkad ako papuntang kwarto at tsaka ako binalibag sa sahig, sa sobrang lakas tumama yung kanang paa ko sa cabinet dahilan para hindi ako makatayo 

"David please! Pagusapan natin to, alam ko na kung anong ginawa sayo ni Magy kaya please, sabihin mo sakin kung anong problema"

"Problema? ha-ha-ha! Problema? Ikaw ang problema! Dahil sayo nasangkot ako sa magulong buhay na to! Dahil sayo nagkandaleche leche ang buhay ko!"

"David sorry, patawarin mo ko, maayos pa naman natin to diba?"

"Maaayos?! Sa tingin mo ano pang pwedeng ayusin? ha?!"

Kitang kita sa mga mata niya na nahihirapan siya at galit na galit siya sa mga nangyayari pero sa kabila nun kitang kita mo pa rin ang lungkot sa mga mata niya, sa kabila ng lahat alam kong hindi niya gusto ang mga nangyayari at ang ginagawa niya, dahilan para pumatak ng sunod sunod ang aking mga luha. 

"David..."

"Lizzie tama na! Gumising ka nga! Alam mo ba nagpapasalamat pa nga ako sayo na nandito ka eh, dahil sayo kaya walang humuhuli sakin. Dahil sayo nakakakilos pa ko ng maayos. Pero kinasusuklaman din kita, alam mo ba kung bakit? DAHIL SAYO NAMATAY ANG AMA KO! Namatay ang tangin pamilya ko!!"

"Pero diba mahal mo ko? Diba para satin naman to?"

"PARA SATIN?! PARA SAYO LANG LAHAT NG TO! AT DAHIL DIYAN SA PAGMAMAHAL NA SINASABI MO NABULAG AKO SA MGA KASALANAN NA GINAWA KO"

Sinubukan kong tumayo at dahan dahan na lumapit sakanya

"WAG KANG LALAPIT! AT BAKA MAPATAY KITA NG WALA SA ORAS!"

Napatigil ako sa paglapit sakanya. Sa lahat ng sasabihin niya yan ang pinakahuli kong inaasahan. Lumabas na mismo sa bibig niya, kaya niya akong patayin. 

"Hindi ko na alam...hindi ko na alam kung anong ginagawa ko, at bakit ko ginagawa ang mga bagay na yun. Pero...Alam kong kasalanan mo to! KASALANAN MO TONG LAHAT!!"

"David.."

Lumapit siya sakin at biglang hinawakan ang leeg ko ng sobrang higpit

"Da-vid, hi-n-di a-ko ma-ka..."

"Yan ang nababagay sayo! Papatayin kita!"

"Da-vid.."

Binitawan niya ang leeg ko at tsaka niya sinabunutan ang sarili niya. Kahit tinanggal na niya ang kamay niya, ramdam na ramdam ko pa rin kung gaano kahigpit yung pagkakahawak niya. Alam kong hindi siya sakin nagagalit, dahil alam kong ako lang yung dahilan ng galit niya pero ang pinakaginagagalitan talaga niya ay ang sarili niya.

Dali dali siyang lumabas ng kwarto at binalibag ang pinto. Hindi ko na alam kung matatagalan ko pa lahat ng to, oo sinasabi ng utak ko na kailangan kong samahan si David hanggang sa huli katulad ng ginawa niya sakin pero iba pa rin ang nararamdaman ng katawan ko. Siguro hinihintay ko na lang na mismong yung katawan ko na ang bumigay sa lahat ng pangaapi na ginagawa niya

Sa bawat gabi na nagdaan isa lang naman talaga ang pinapanalangin ko, yun yung bumalik na yung dating David na kilala ko. Yung David na matatag, pasensyoso, palabiro at malambing. Yung David na minahal ako ng buong buo

Agad kong tinext si Kai, gusto ko muna umalis dito. Oo nangako ako na sasamahan ko si David hanggang sa makayanan na niya ulit pero pag hindi ako umalis dito ngayon baka bukas abutan nalang nila akong malamig na bangkay dito, at pag nangyari yun mas lalong mahihirapan si David kaya kailangan ko munang ibalik yung dating lakas ko. Kailangan ko munang maging matatag ulit para kaya kong alalayan ng maayos si David

Dahan dahan kong nakita ang pagsikat ng araw mula sa bintana, ngayon na yung araw na iiwan ko pansamantala si David, lumabas ako ng kwarto para tignan kung umalis ba ito kagabi, at tama nga ako umalis ito ng bahay, gusto kong malaman kung okay lang siya nung umalis siya kahapon pero kung hihintayin ko siya makabalik dito, baka tuluyan na kong makulong sa lugar na ito

"Lizzie?"

Nang marinig ko ang isang pamilyar na boses sa may pintuan, agad kong kinuha ang cellphone ko at nagpalit ng pang-alis, hindi na ko mageempake dahil babalik rin naman ako sa lugar na to. Pagbukas ko ng pinto...

....ay agad akong kinaladkad papasok ni David

"SABI NA MAY BALAK KANG UMALIS EH! AT SAN KA PUPUNTA?!"

"Bitawan mo nga ako! Makikipagkita lang ako kila Magy! Ano ba, baka nagaalala na sila sakin! David naman eh!"

"Pupunta kila Magy?! Eh bakit kasama tong mokong na to ha!!"

Tinignan ko yung taong tinuro niya sa labas at nakita kong nakaupo si Kai sa may tapat ng pintuan at may dugo sa bandang mata

"KAI! Anong ginawa mo David?! Kaibigan natin siya! Umayos ka nga!"

"Kaibigan?! Anong akala niyo sakin tanga?! Araw araw ko siyang nakikitang pumapasok dito sa bahay na to. At alam kong may ginagawa kayong milagro! Kaya pano ko matuturing na isang kaibigan yang ahas na yan?!"

"Nagkakamali ka David wala..."

"WAG KA NA MAGPALIWANAG!"

Hinawakan ni David ang muka ko gamit ang isa niyang kamay at tsaka sinuntok ang aking tiyan

"AHH!"

"Gago ka!" - Kai

Nagulat nalang ako sa mga sumunod na nangyari, pagkatapos akong ibato ni David sa sahig ay agad sinuntok ni Kai si David sa muka, nagsuntukan sila ng nagsuntukan sa harap ko, agad akong tumayo at kinuha yung baril ni David sa kwarto at tsaka tinutok sakanilang dalawa

"SIGE! GUSTO NIYO MAGPATAYAN?! AKO NALANG MISMO ANG PAPATAY SAINYONG DALAWA!"

"EH DI IPUTOK MO!" - David

"Lizzie ibaba mo yan please" - Kai

Oo David, balak ko talagang iputok to kaya patawarin mo ko...

*BANG!*

Agad tumakbo si Kai papunta sakin at agad inagaw ang baril sa kamay ko, at naramdaman ko nalang na sunod sunod nang umagos ang mga luha ko

"BAKIT MO GINAWA TO LIZZIE?!" - Kai

"David...patawad...patawad sa la-lahat la-hat..."

Nakita kong umagos ang mga luha sa mata niya, sa mata ng taong pinakamamahal ko. Mga luha ng kalungkutan, mga luha ng pagsisisi. patawarin mo ko David..

"David, tandaan mo mahal na mahal kita at....."

Nakita kong dahan dahan siyang lumapit sakin at tsaka ako niyakap, ngayon ko lang ulit naramdaman yung yakap na matagal ko ring inasam sakanya. Yakap ng pagkalinga at pagmamahal

"Patawarin mo ko Lizzie, pero please wag mo kong iiwan, please, hindi ko kaya.."

"...paalam David"

At ang aking huling nasilayan ay ang kanyang mga ngiti, ang ngiting matagal kong hindi nasilayan, ang mga ngiting aking babaunin sa aking paglisan.

Alagaan mo ang sarili mo David, patawarin mo ko. Ito lang ang naisip kong paraan, ako naman ang puno't-dulo ng gulong to kaya mas mabuti pa na ako na rin mismo ang magtapos nito para wala nang ibang taong madamay. At patawarin mo ko kung hindi ko na matutupad ang pangako ko na samahan ka, pero wag kang mag-alala lagi pa rin naman kitang babantayan eh, hindi mo nga lang ako makikita sa tabi mo pero tumingala ka lang at makikita mo na ang lugar na pupuntahan ko....sa langit.

Lizzie For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon